Tamara’s POV Sikat ng araw na tumatagos sa salamin ng veranda ang nagpagising sa akin. Hindi ko alam kung anong oras na kami natapos ni Nathan kagabi. Nagutom na nga kami kaka-hirit niya. Mabuti na lamang at nag-order siya ng pagkain namin kaya nakakain muna kami bago kami maligo at matulog. Pero wala na siya sa tabi ko kaya bumangon na rin ako at sinuot ko ang roba para hanapin siya. Sa sobrang laki ng bahay na binili ni Nathan muntik ko nang makalimutan kung paano pumunta sa kitchen nila. Kasing lawak kasi ng may nakatirang tatlong pamilya na may limang myembro ang laki ng bahay na ‘to kaya maliligaw ka talaga. “Hi, baby good morning!” Masayang bati niya sa akin. Nasa harapan kasi siya ng kalan at may hawak pa siyang sandok. Amoy na amoy ko din ang niluluto niya. Lumapit ako sa

