Nathan’s POV “Kumusta na siya?” Tanong ni Mr. Mendoza. Nandito na kami sa safe house kung saan namin dinala noon si Alixane. Alam na rin niya ang lahat ng nangyari at kasalukuyang nagpapagaling ito sa kanyang sugat. At nagpapahinga na siya simula pa kanina. Nalaman din namin na pagkatapos kong maisend yung video kay Mr. Mendoza ay pinakilos na agad nila ang special unit na mag raraid ng casa-hotel kaya huli sa akto ang mga tao na naroon pati na rin ang maraming babae na nasa isang kwarto ng hotel. Kinuha nila ang mga babae at dinala sa presinto. Nalaman nilang ang ilang babae na naroon ay matagal ng pinaghahanap. Kaya naging matibay ang kaso namin para maipasara at mahuli si Mr. Yao at si Damaso. Pero kulang pa ang aming ebidensya kaylangan pa namin pagtibayin ito. Mabuti na lamang a

