Tamara’s POV Automatikong nagbukas ang pintuan na bakal at kaagad akong pumasok. Mabilis din itong na-isara ng dalawang tauhan na nagbabantay sa pinto. Kaagad na nakatutok sa akin ang kanilang mga baril at itinulak ako para maglakad. Hindi kami pwedeng magpadalos-dalos dahil nakasalalay ang buhay ni Jheny at maling galaw lang namin. Babagsak ang katawan nito sa ibaba ng building na may taas na isang daang limang daang talampakan. Nakatali kasi ang kanyang katawan sa railings ng rooftop. Kaunting putol na lang ay maari siyang mahulog. Nakatakip din ng tape ang bibig nito pero alam kong takot na takot na ito. Madilim na mukha ni Sophia ang bumungad sa akin. “Tignan mo nga naman? Sa wakas nandito na rin ang dalawang traydor!” Galit na sigaw ni Sophia. “Kumusta? Masaya na ba ang buhay m

