Long hair si kuya! Uso ata sa kanila ang style na parang tambay, may matangos siyang ilong, kulay asul ang mata na naging kulay itim. Ang kaso sobrang putla ng labi niya. Siguro may sakit. Matipuno, matangkad hanggang leeg niya lang ako ako sa tantya ko. "Ahh wag na parang tubig lang." pilit akong ngumiti. Nauuhaw pa nga ako inubos mo naman. Hindi parin nawawala ang pag titig niya sakin parang nakakatunaw ang titig niyang 'yon. "Sige alis na ako huh!" paalam ko at ngumiwi bago nagmadaling umalis. "Inubos yung tubig ko! Tapos akala mo kung sinong—acckk! Tsk long hair.." Umuwi ako sa bahay dahil pasado alas nuebe na nang gabi. Mahirap na baka magahasa ako ng wala sa oras, Naglakad ako pauwi ng bahay ng lolo ko. "Asa'n na ba kasi si Kate?" hindi ko maiwasang kabahan sa daan lalo pa'
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


