Dale's Pov
"Ano ba Caspian ibaba mo nga ako!"
Sigaw ko saka pinaghahampas ang likod niya.
Nakakainis kasi itong kumag na'to bigla ba naman akong binuhat ng lalakeng ito. Kaya halos nagtilian ang nasa loob ng Cafeteria. Yuck! Pinaka-malas na araw ko ito kasumpa-sumpa hindi lang ako pumayag! Na samahan siyang kumain e, bigla na lang akong binuhat niyan. Akala niya ata ganun lang kadaling mag-move on? Ako yung pinapalayo niya tapos ano ngayon magiging sweet na naman siya sakin?
Ano na naman ba Dale? Aasa ka na naman tapos ano? Sasaktan ka niya ulit?
Ang hirap maging marupok! Kasi siya lang ang kahinaan mo!
"Manahimik ka nga diyan may atraso ka pa sakin!"
"Heh! Atraso mo mukha mo!" Saka pinitik ko ang tenga niya.
"Don't touch my ears!"angal niya kaya pinitik ko pa ito.
"E, gusto ko e! Pake mo ba."
"Hahalikan kita diyan kapag hindi kapa tumigil!" Banta niya
kaya nag init naman agad ang mukha ko sa sobrang kilig ko nasambunutan ko si Caspian.
"A-aray!" Sigaw niya
Saka hinawakan niya ulo niya gamit ang dalawa niyang kamay kaya parang nasakal ko siya. Nagulat ako ng maaout of balance siya kaya parehas kaming nahulog sa malaking pool. Buti na lamang at walang nakakita samin at kung meron ay issue na naman ito sa buong Campus. Alam mo naman ang mga Chismosa walang pinipili.
"H-help me!" Sigaw ko at parang hindi ako makahinga dahil sa sobrang lalim ng Pool 8'ft ang tantya ko.
Napapapikit na ako at hindi na talaga ako makahinga. Naghihingalo na ako sa sobrang pagkawala ng hangin sa baga ko. Inaamin ko na hindi ako marunong lumangoy. At hanggang pambata lang na pool ang kaya ko. Napapikit ako at may isang bula ng tubig ang sinabi ko 'Caspian!" At doon na ako nawalan ng malay.
Caspian's Pov
"H-help me!" Sigaw ni Dale pero diko siya pinakinggan.
Kasalanan niya ito kung bakit
"Dale where are you?!" Natataranta kong sabi sabi saka mabilis na lumangoy para kung saan naroon si Dale.
Nakita ko ang mukha ni Dale putlang-putla ang mukha niya lalo na ang kaniyang labi na kulay pula ay napalitan ng kulay puti. Dahan dahan ko siyang dinala malapit sa white tiles. Malayo sa pool at dahan dahan ko siyang binaba. Ilang segundo ko siyang pinulsuhan, tumungo ako at gumilid para pakinggan kung humihinga pa siya nanlumo ako dahil hindi na siya humihinga.
"No—No! No! Dale please wake up, you should wake papakasalan pa kita." Saka pi-nump ko ang malapit sa dibdib niya.
Kailangan niyang magising para sakin. Hindi ko alam ang mangyayari sa sarili ko kapag nawala si Dale, ngayong nakita ko na siya ay mamatay naman siya. No! I'm stupidly Idiot! Hindi siya pwedeng mamatay. Mahal na mahal ko siya. Wala na akong maisip na dapat gawin kundi ang nasa-isip ko. CPR!! TAMA KAILANGAN KO ITONG GAWIN FOR HER OWN SAKE!
"Kailangan ko na itong gawin, I'm sorry Dale!"
Dahan dahan ko siyang nilapitan at seryosong tumingin sa kaniya. Para mabuhay ka Dale! Gagawin ko ang hindi mo gusto. Bumuntong hininga pa ako saka lumapit pa sa kaniya.
Lapit pa!
Kahit dimo gusto. . .
Lapit pa. . .
Parang huminto ang mundo ko at siya lang ang nakikita ko.
10cm. . .
5cm. . .
3. . .
2. . .
1cm. . .
Nanlaki ang mata ko ng bigla may tumambad sakin ang isang kamao—kay Dale.
"Subukan mo!" Saka malakas niya akong tinulak. Pero napabalik ako para yakapin siya ng mahigpit.
"Pinag-alala mo ako, Dale."saka hinaplos ko ang kaniyang basang buhok.
"Are you still mad at me?" I asked
"Oo! Galit parin ako sayo!" Saka umirap siya.
"Then tell me! Bakit ka nagalit sakin." Marahas konh kinuha ang kaniyang kamay.
"Ang kapal ng mukha ng apog mo para sabihin mo yan, pinapaalis mo'ako noon tapos babalik ka!?"saka umirap siya.
"Alam mo walang pupuntahan ang pag-uusap nating ito."
At marahas niyang tinanggal ang pagkahawak ko sa kamay niya at akma siyang tatayo. Pero hindi ko na siya hahayaang lumayo sakin. There's was a big mistake in my life, kung aalisin ko na naman siya sa buhay ko. Agad ko siyang hinila kaya sinamaan niya agad ako ng tingin.
"Gusto mong malaman kung bakit kita pinaalis?" Seryosong saad ko sa kaniya.
"Then tell me! Mahalaga ang oras ko kaya bilisan mo—"pinutol ko agad ang sinabi niya.
"Please! Ako muna ang magsasalita?!"
"Okey, Go!"
Bumuntong hininga pa ako bago magsalita sasabihin ko kay Dale ang nangyari sakin kung bakit ko siya pinaalis kung bakit ako bumalik sa dati. Yung dating basagulero, dating ako.
Flashback. . .
"Panahon na para tapusin natin ito, ayoko na nagkakaganito tayo sa isang babae lang!" Galit na saad ni Bobby sa amin.
"So yun lang pala ang pinunta namin dito—"saad ni Yuki pero pinutol agad yon ni Yuki.
"Shut up!"sigaw ni Bobby kaya natahimik kaming lahat. "Mag aaway na lang ba tayo araw-araw? Kasi ako ayoko ng ganito!"
Napayuko naman kaming lahat. Sa totoo lang ayaw na naming mag away-away. Nang dahil lang kay Dale!
"Alam mo ba yung ginawa mo Kade! Kay Zayn!" Saka kwinelyuhan ni Bobby si Kade kaya napatayo kaming lahat.
"Muntikan ng mamatay si Zayn ng dahil sayo! KADE NAIINTINDIHAN MO BA AK—"
"AKALA MO BA MADALI LANG SAKTAN NG GANUN GANUN LANG ANG KAPATID KO! HALOS MAGPAKAMATAY NA SI KERZA DAHIL KAY ZAYN!" saka sinuntok niya sa mukha si Bobby.
Bumulagta si Bobby kaya inilayo kona si Kade sa kaniya pero nagpupumiglas siya kaya nasuntok ako niya.
"ISA KAPA!" sigaw niya
Kaya halos matumba ako sa sobrang lakas ng suntok niya. Pinunasan ko ang tumulong likido sa ilong ko gamit ang longsleeve kong itim. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi na ako nakapagtimpi at nasuntok ko siya pabalik. Kaibigan ko siya pero tama lang ang ginawa ko hindi para sa kaniya kundi para kay Bobby.
"Diba sinabi ko sayo na layuan mo si Dale!"
Saka hinawakan niya ako sa magkabilang balikat para itayo at suntukin ulit ako. Kaya
"Bakit ko siya lalayuan, pagmamayari mo ba siya?" Saka tinaasan ko siya ng kaliwang kilay. Sinamaan niya ako ng tingin.
Sige! Kade ilabas mo! Ilabas mo ang galit mo sakin.
"MAGSUNTUKAN KAYONG LAHAT PERO KAPAG NATAPOS NA, NAWALA NA ANG GALIT NIYO SA ISA'T ISA MAGBABATI NA TAYO." Saad ni Bobby.
"Deal." Sabi naming lahat.
Sabay-sabay namin itinaas hanggang siko ang aming long sleeve ito ang paraan namin kapag nag aaway kaming lahat konting sakit lang ng katawan magkakabati na kami. Nakatayo sa harapan ko si Kade na sobrang sama ng tingin sakin. Si Bobby naman kay Yuki, Si Cloud at Jiniel, Edward at Daewi, Onel, Terrence at Zayn. Nag umpisa na kami at sinuntok ko si Kade puro tunog lang ng suntok ang naririnig ko. At tatlong minuto ay natapos kaming lahat puro pasa kami sa mukha at nagtawanan kaming lahat pagkatapos nang nagyari. Parang wala lang!
"Akala ko magkakawatak watak na tayo!" Zayn Chuckled
"Never! it's our fault we never like other,were brothers! hindi natin pinaniwalaan ang isa't isa lalo na kay Cloud!" Saad ni Yuki
"Kade, you should say sorry to Zayn!" Napangiti naman si Kade saka lumapit kay Zayn.
"Mom, Dad hahalikan ko ba?" Saad ni Kade kayna Yuki at Bobby. Nagtawanan naman agad kami todo iling naman si Cloud kaya nagtawanan ulit kami.
Yuki was our father because he like's clean our messed and Bobby is our Mom because he called noisy bird like mother, (Putak ng putak!)
"Eww! Mom!Dad help me! Ewwww. " nandidiri na saad ni Zayn saka lumayo pa kaya naghabulan sila ni Kade.
"Can, i join?" Zayn asked then he laugh.
Tawanan lang kami ng tawanan. Sana ganito na lang kami ka close lahat. Yung walang mag aaway ng dahil sa iisang babae. Last na to hindi na namin uulitin.
"WANNA LUV… FOREVER!! 11 BROTHERS, WILL—STILL—THE END."
Saka nag group hug naming lahat at inilagay namin ang kanang kamay namin sa isa't isa.
Until the end we will still Wanna Luv..