CHAPTER 1

1118 Words
“Talaga bang gagawin mo?” “Ang alin?” “Ang maging substitute bride niya?” “May pagpipilian pa ba ako?” Sagot ko. ”Meron,” tugon ni Carlota. “Kung mayroon na pagpipilian tulad ng sabi mo. Hindi ko gagawin ang maging substitute bride. Kaso wala na akong pagpipilian kundi ang gawin at pumayag.” Sabi ko. “Bakit hindi mo siya hanapin?” mungkahi ni Carlota. “Anong sabi mo?!” Hindi maiwasan pero may kirot mula sa puso ko, bulalas ko. “Matagal na panahon na rin. Karapatan niya din naman siguro malaman ang kalagayan ng anak niya. Higit doon may responsibilidad din siya wag mong alisin iyon sa kanya. Lalo na't higit na alam nating dalawa. Mas may kakayahan siya matulungan si Natalie sa gastos para sa operasyon niya. Maliit lang na halaga iyon para sa kanya. Siguro naman panahon na rin na siya naman ang umako sa paghihirap mo sa paghahanap ng pera para sa operasyon ng anak niyong dalawa.” sabi ni Carlota. Malalim na buntong hininga ako sa sinabi ni Carlota. “Tama ako diba?” Sabi muli niya. ***** “Positive?” “Yohan…” pinakita ni Isabel ang resulta ng pregnancy test na ginawa niya. ”Isabel, hindi maaari—” umiiling sabi ni Johan. “Kaso positive,” sagot ni Isabel. “Hindi pa ako handa. Saka maaaring mawala sa akin lahat oras malaman ito ni Mama. Sigurado na aalisin niya sa akin ang lahat. Paano ko susuportahan kayo? Paano ko kayo bubuhayin ng magiging anak natin oras na nangyari ‘yon?” tumalikod si Johan. Tinalikuran niya si Isabel, habang pinangingiliran ng luha sa mata. Masamang masama ang loob ni Isabel sa mga narinig. “Mama?!” Bulalas ni Isabel ng may hignapis sa dibdib. “Alam mo naman ang ugali ni Mama, diba?” Nagpakawala ng malalim na hininga si Isabel. “Mama mo pa rin ba iniisip mo matapos na ikaw naman ang may kagustuhan nito.” Kinuwestiyon niya si Johan. Nagpapaliwanag si Johan ng magpatuloy sa pag akusasyon sa kanya si Isabel. “Sa ating dalawa ikaw ang may gusto na may mangyari sa atin kahit una pa lamang binalaan na kita na baka hindi natin makontrol sa posibilidad na mabuntis ako. Pag ginawa natin iyon.” Sabi ni Isabel. “Binalaan na kita diba?” galit na bulalas ni Isabel. “Hinaan mo ang boses mo,” sabi ni Johan. “Hindi mo kailangan ang sumigaw.” “Nagagalit ako kasi ginawa mo pero hindi mo pala kayang pangatawanan. Anong klaseng lalaki ka? Ang sabi mo mahal mo ako at pinaniniwalaan ko iyon kaya pumayag ako sa nais mo. Ngunit nagkamali pala ako,” bumagsak ang luha ni Isabel pagkasabi. “Hindi sa ganun, Isabel. Mahal kita, totoo iyon walang kasinungalingan. Pero itong pagdadala mo ng magiging anak nating dalawa ang higit na iniisip ko ngayon. Alam mong lahat ng meron ako ngayon nagmumula pa lang sa pamilya ko. Wala pa nga ako napapatunayan kaya't hindi magawa ng pamilya ko ipagkatiwala sa akin ang kumpanya. Saka alam mo din na medyo tagilid ako kay Mama matapos niya mapag alaman na may relasyon tayong dalawa. Hindi niya matanggap iyon kaya't binalaan niya ako nito lang na lumipas na linggo.” Kusang nagbaba ng boses si Johan matapos sabihin ang hindi niya masabi kay Isabel. Nanlalambot ang tuhod ni Isabel matapos mapakinggan ang sinabi ni Johan. Bigla na lang siya nawalan ng balanse at akmang babagsak. Nahilo siya. Pakiramdam ni Isabel dumilim ang paningin niya at sumasayaw. “Isabel,” bulalas ni Johan. “Bitiwan mo ako,” sabi ni Isabel. “Wala kang kwenta. Hindi mo pala kayang panagutan ito. Mabuti pang tapusin na lang natin at maghiwalay na tayo.” Sabi ni Isabel. “Ano ka ba, Isabel. Hindi iyon ang ibig kong mangyari sa mga nasabi ko. Hindi iyon ang gusto ko mangyari sa ating dalawa. Hindi lang talaga ako handa sa sitwasyon na ito. Hindi pa ako handa maging isang ama. Dahil marami pa akong mga gusto na patunayan at gawin para sa kinabukasan natin. Subalit ang pagkakaroon ng anak baka hindi ko magampanan ng maayos oras na mawala sa akin ang lahat. Ayaw ko mangyari iyon. Ayaw kong dumanas ng hirap ang magiging mga anak ko oras bumuo na tayo ng sarili nating pamilya. Gusto ko lang handa na ako, tayong dalawa para sa ganitong uri ng pagsasama.” “Kahit wala ang sinasabi mong kayamanan mula sa pamilya mo. Kahit itakwil ka pa nila dahil sa nalaman nila ang tungkol sa ating dalawa. Matitiis ko at kakayanin ko dahil mas importante sa akin ikaw. Hindi naman ang pamilya mo. Kundi ikaw na makakasama ko habang buhay. Na pinili ako kesa sa ibang bagay ang mahalaga sa akin. Ano pang pinag-aalaala mo?” panay pahid sa luha si Isabel, sunod-sunod lang bumabagsak ang mga butil ng likido sa kanyang mga mata. Hindi magawa ni Isabel pigilan lahat ng mga luha na bumabagsak. Nakailang beses siya napabuntong hininga. Sobrang sakit ng dibdib niya. Hindi matanggap ni Isabel na mas matimbang pala sa kanya ang pinapangarap ni Johan na kumpanya. Higit pala iyon mas mahalaga kesa sa sanggol na ngayon nasa sinapupunan niya. “Sorry, Isabel pero kailangan muna natin magsakripisyo.” “Ano?!” bulalas ni Isabel. “Sakripisyo? Nalalaman mo ba iyang nilalabas ng bibig mo? Sakripisyo, ang alin? Itong sanggol na dinadala ko?” Naikuyom ni Isabel ang dalawa niyang palad. Gusto niya isapak sa mukha ni Johan iyon. Sa galit niya rito. “Iyon lang kasi ang naiisip ko sa ngayon. Pwede pa naman tayong magkaroon ng mga anak pag stable na ang lahat. Pag nakuha ko na ang kumpanya. Kaya lang iyang sanggol na dinadala mo.” Napapikit ng mata si Johan habang nakatingala. Humigit din siya ng malalim na buntong hininga. “Kung maaari sana…” Sinampal ni Isabel si Johan bago nito matuloy ang sasabihin. “Isabel—” “Nababaliw ka na talaga!” Sabi ni Isabel nanggigigil siya sa mga narinig muli sa bibig ni Johan. “Diretsuhin mo wag kang mag paligoy-ligoy. Kung ayaw mo sa bata na dinadala ko. Pwes, tapos na tayo.” Gilalas ni Isabel. “Isabel, hindi iyon ang gusto ko. Wag mong gawin. Ikamamatay ko.” “Pasensya na pero hindi ko kaya ang gusto mo.” Naninikip ang dibdib ni Isabel sa mga oras na yon. Mabigat at sobrang sakit sa kanya ang gusto mangyari ni Johan. Hindi rin iyon ang inaasahan niya na gugustuhin ni Johan mangyari sa batang pinagbubuntis. Inisip niya sa umpisa bago niya aminin kay Johan na matutuwa ito. Subalit kabaligtaran ang nakikita niya na reaksyon ng kanyang boyfriend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD