Help

3312 Words

TINANAW ni Florence ang hilera nang makukulay na mga bulaklak sa hardin na nasa harap ng lanai. Ngayong lilisanin nila ang mansion ay saka lang niya yata naa-appreciate ang kagandahan ng mga bagay na nasa paligid noon. Asul na asul ang tubig sa malinis at tahimik na swimming pool. Inalala pa niya ang huling beses na nagamit nila iyong mag-ama. Nakita niya sa gilid ng mga mata ang paglabas ni Nana Eliza. Dala nito ang tray ng tsaa ni Diana at malamang na hindi na nagtawag pa at ito na mismo ang naghatid. Umalis din agad ang matandang babae pagkalagay ng tasa sa mesa. "Alfonso just submitted his resignation from the company," simula ni Diana pagkatapos na tikman ang tsaa. Nakaupo silang magkaharap sa mesa. "Upon reading it, naisip kong nasabi na niya sa'yo ang lahat ng may kinalaman doon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD