Wish

3664 Words
NAGULAT si Florence Ortega sa hiyawan ng mga kapwa niya estudyante na nakapalibot sa malapad na hallway sa ground floor ng building ng College of Business Administration. Lahat ng mga iyon ay sa kaniya nakatuon ang pansin at sa lalakeng estudyante na nasa pinakagitna.  Denver Castronuevo was holding a tall bouquet of flowers. Most of the students were cheering for him. Katulad niya ay kilala sa kanilang unibersidad ang binata. Bunsong anak ito ng isang mayaman at prominenteng pamilya sa San Carlos, varsity player ng basketball team ng school nila at isa ring print ad model. May dalawang buwan na yata simula nang magsimulang ‘magparamdam’ kay Florence si Denver. Kinuha siyang muse ng department nila at ito ang naging escort niya. He instantly showed interest to her. At hindi lingid sa kaalaman ni Florence ang bulung-bulungan sa university na magpopropose si Denver sa kaniya bago ang nineteenth birthday niya. Hindi niya naisip na tototohanin iyon ng binata. Naasiwa tuloy siya sa eksenang nilikha nito sa hallway. It seemed like everyone who knew about them was expecting that they would become an official couple after that. Hindi siya natinag sa kinatatayuan. Gustuhin man niyang lampasan na lang at huwag pansinin ang binata ay hindi naman siya ganoon kalupit para pahiyain ito. Ito ang kusang lumapit sa kaniya. Pinanatili lang niyang neutral ang reaction kagaya ng totoong nararamdaman niya. “Rency,” sambit ni Denver sa palayaw niya, isang metro na lang ang pagitan nila.  Inilahad ng binata sa kaniya ang gahiganteng bouquet. Hindi mahirap para rito na humawak nang ganoon kalaking bouquet dahil six-footer si Denver and he’s strong with an athlete’s body. “This is for you, Rency…” he announced, smiling sweetly. “Pahihirapan mo ba akong magbitbit niyan?” Iyon ang naging tugon niya sa binata. Nakita niya na nailang at napahiya ito, pero tinakpan iyon ni Denver nang maiksing tawa. “Of course not! Ako ang magdadala nito hanggang sa kotse mo. But… you have to accept this first.” “Oh, I almost forgot! I’m allergic to flowers,” she lied. “I’m sorry I cannot accept it.” Dinig na dinig niya ang mga bigong singhapan ng mga tao sa paligid. “What? Florence-” Napahinto ito sa sinasabi, pero kitang-kita niya na nainis ang kaharap kaya lang ay tinakpan nito ng isang ngisi. “I didn’t know about that. Mukhang kinulang sa impormasyon ang source ko.” “Siguro nga. Thanks anyway for your effort, Denver.” Lalampasan na sana niya ito, pero nagsalita pa ulit ang binata. “Rency, wait! Gusto ko lang sabihin na gusto ko nang gawing opisyal ang panliligaw sa’yo starting today.” Tiningnan niya ito nang seryoso. Sumpa man, hindi siya nagpakita nang kahit kaunting interes dito dahil iyon nga ang iniiwasan niya- ang may manliligaw sa kaniya. “I’m sorry, again. Hindi ako nagpapaligaw. Hindi kasi ako naniniwala sa ligaw. Excuse me. Naghihintay na sa akin ang friends ko.” Nakita pa niya kung paanong natulala na lang si Denver sa sinabi niya bago siya tuluyang lumampas. Kasabay ng pag-alis niya ay ang pagkahawi ng mga estudyanteng natipon sa hallway. Wala siyang tiningnan sa mga ito. Alam kasi ni Florence na malaking balita na naman sa unibersidad nila ang pambabasted niya muli ng isang campus hearthrob. Nilakad niya ang kahabaan ng daang nasa harapan ng building ng Arts Department. Malapit na kasi roon ang bench na paborito nilang tambayan na magkakaibigan. Nasa gilid noon ang gusali ng Engineering Department kung saan ayon kay Berna ay umaapaw daw ang mga gwapong lalakeng estudyante. Natanaw na niya ang bench, pero wala roon ang mga kaibigan. Tiningnan niya ang cellphone na may text message ni Jelai. Madedelay lang daw ang mga kaibigan niya ng ilang minuto dahil may meeting ang school organization na kinabibilangan ng mga ito.  Nag-type siya ng sagot at sumulyap sa unahan para tumawid sa hilera ng mga concrete bench. Malapit na kasi siya sa shade ng malalagong puno ng akasya kung saan may ilang estudyanteng nagpaparada ng mga motorsiklo nila. She sent her text message at balak sanang itago na ang cellphone, pero nag-text naman sa kaniya si Berna. Binasa niya iyon at nagpatuloy lang sa paglalakad. “Oh, my God, stop it, guys! Ano ba? Gusto niyo na bang ma-expell?”  Nauntag si Florence ng mga sigaw na nasa bandang likuran na niya. Nakita niya agad ang tatlong estudyanteng lalake na nagpapambuno at sa palibot ng mga ito ay dalawang babaeng estudyante. Napahinto siya sa pagtataka at pagkagulat, hindi niya alam kung saan galing ang mga ito dahil wala namang nag-aaway kanina nang dumaan siya. “Guys, please! Stop it!” paos na kasisigaw ang babae, pero patuloy sa pagsasakitan ang tatlong lalake. Saka lang din niya napansin na isang metro na lang ang layo sa kaniya ng mga ito at delikado siya kung hindi pa siya aalis. Nang naisip niya iyon ay siya namang pagbwelo ng isa sa mga nag-aaway. Nanlaki ang mga mata niya nang umilag ang susuntukin noon at sa kaniya tatama ang suntok. Sa taranta niya ay hindi na siya nakaiwas bagkus ay iniharang na lang niya ang mga braso sa mukha sabay ng isang tili. Pakiramdam niya ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Isang malakas na kamay ang humaklit sa baywang niya dahilan para hindi siya matamaan ng suntok. “Babe!” Narinig niya sa background ang sigaw ng babae. Nang ibaba niya ang kamay at tingnan ay nakita niyang napasadsad ang lalakeng manununtok sana sa concrete ground.   “Muntikan ka na,” anang boses ng lalake na nagpabalik sa pagtibok ng puso ni Florence. Saka niya naalalang may humila nga sa baywang niya. Natagpuan pa niya ang sariling halos yakap na nito. “Bakit kasi haharang-harang ka, Mahal na Prinsesa, alam mo nang may nagsusuntukan?” She lifted her eyes to him and she automatically met his… gorgeous pair of eyes. Matangkad ang lalake at ramdam niya ang matitipunong bisig nito na hanggang sa sandaling iyon ay hawak pa rin siya. Gwapo ito. Mestizo. May kakapalan ang auburn na buhok at perpekto ang lahat ng features sa mukha. Maamo iyon. Mala-anghel na contrast naman sa rugged image nito dahil napansin niya rin ang suot nitong puting kamiseta na pinatungan lang ng kinupasang brown jacket. She found it so sexy. Parang nakadagdag pa ng kakaibang charm ng lalake ang porma nito. “Ayos ka na ba? Bibitiwan na kita, Mahal na Prinsesa kung okay ka na.” Her heart suddenly drummed. She released an air from her lungs. Saka lang niya na-realized na napatulala na pala siya roon at nalimutan sandali ang paghinga.  So the man who saved her from being punched literally took her breath away. Ramdam ni Florence ang lalong pagkalampag sa dibdib niya. Nang bitiwan siya ng lalake ay parang gusto niyang tumutol. Nakita niyang yumuko upang damputin ang ilang gamit niya na nalaglag marahil dahil sa biglang paghila nito sa kaniya. Iniabot sa kaniya ng lalake ang libro at ang cellphone niya. Medyo natitigilan pa rin siya nang kunin ang mga iyon. “T-thank you…” Tiningnan lang siya nito. He didn’t even smile. Pagkatapos noon ay tinalikuran na siya ng lalake at dire-direchong naglakad sa damuhan na palayo sa kaniya.     CHRISTIAN PHILIPPINE UNIVERSITY had been her school since elementary. Bagaman may mga magaganda ring universities at colleges sa kanila sa Sta. Catalina ay sa paaralan sa San Carlos napili ng kaniyang ama na pag-aralin siya. Ang CPU ang pinakamalaki at pinakasikat sa buong North Luzon. May ilan nga na taga-Maynila at foreign students na roon pinipiling mag-aral. Kaya naman pagka-graduate ng high school ay dito na rin siya kumuha ng entrance exam para sa kursong Business Administration kung saan ay nasa ikatlong taon na siya. Inilapag niya sa mesa ang bottled water. Mag-isa pa rin siya noon sa mesa sa cafeteria at hinihintay ang pagdating ng mga kaibigang sina Jelai at Berna. The three of them had been friends since second year high school, pero pagdating nila ng college ay naiba siya ng kurso kaya napahiwalay. She took her cellphone from her bag at binasa ang reply ni Jelai. Papunta na raw ang mga ito. She grabbed her bottled water and drank from its straw. Napatulala siya nang ilang sandali. Nakikita pa rin kasi niya ang imahe ng 'di nakikilalang lalaki na nagligtas kanina sa kaniya. She just couldn’t believe na hinayaan niyang makaalis ang lalake nang hindi naitatanong ang pangalan nito. Kilala kaya siya nito? Ilang beses ba siya nitong tinawag na ‘mahal na prinsesa’? Ilang sandali pa ay natanaw na rin niya ang pagdating ng mga kaibigan. Kakaway-kaway pa ang mga ito habang lumalapit sa kaniyang table, while she couldn't even smile. "Rency!" bati ni Jelai gamit ang kaniyang nickname. Nagusot bigla ang mga kilay nito. "Oh? Ano 'yan? Bakit para kang wala sa sarili mo?" Inilapag nito ang school bag sa ibabaw ng mesa at naupo. "Nagtext ka pala, Rency!" ani Berna na nakadungaw sa cellphone nito. Binasa nito ang message niya. "Guys, where are you? I met someone..." Nanliit ang mga mata nito sa kaniya bago naupo sa katapat na silya. "Ano?" anang naguguluhan na si Jelai at kinuha na rin ang cellphone sa bag. "Sinong nakilala mo, Rency? And wait! Before you answer that, ano ba ang balitang kumakalat na binasted mo na si Denver Castronuevo?" “Guys, please? Hindi ako interesadong pag-usapan ‘yan. I told you, I met someone.” “Sino nga?” naiinip na tanong ni Berna. “Anong pangalan? At bakit nakilala mo lang mukha ka nang nagpapanic d’yan.” She shook her head. "I don' know. Hindi ko nalaman ang pangalan no’ng guy. And I'm sure ngayon ko lang siya nakita." "Akala ko ba nakilala mo? Bakit hindi mo alam ang name?" ani Berna. “Mabilis kasi ang nangyari. The guy saved me from being punched. May bigla kasing nag-away sa malapit sa tambayan natin kaya hayun, muntik na akong matamaan. Buti na lang, hinila ako ni unknown guy. He’s… I don’t know how to say that. Kakaiba siya sa lahat ng male students na nakikita ko rito sa CPU. Para siyang anghel sa kagwapuhan, pero ‘yung porma niya, parang tipong hindi gagawa nang maganda.” She smiled at her friends. Ramdam ni Florence ang pagkislap ng mga mata nang alalahanin ang tagpo kanina kasama ang estranghero. "So, na-disturb ang senses ni Florence Ortega ng isang gwapo at unknown guy?" ani Jelai na may makahulugang tingin. "Well..." hindi siya makasagot nang diretso. Ano pa nga ba? Kung hindi siya affected ay hindi dapat iyon ang kanilang topic. She was supposed to talk to them about her upcoming birthday. "Baka naman may resemblance sa childhood sweetheart mong Intsik kaya ka nagkakaganiyan?" tantiya ni Berna. "Maybe you just miss Alexander so much?" "Of course, I miss Alexander," deklara niya. "But not that much para makita ko siya sa ibang tao. Besides, magkaibang-magkaiba silang dalawa." "Alright. So baka nga bagong mukha 'yang nakita mo. Don't worry, Rency, makikita mo ulit siya. Nasa iisang mundo lang kayo. Malay mo, mamaya lang makasalubong mo siya o kaya naman, makasabay mo pa pag-uwi." Convincing ang ngiti ni Berna. "I agree," wika naman ni Jelai na kinukuha na ang wallet sa bag. "You know, life is full of surprises. Kagaya ngayon. I'm surprised, really. First time kasi na nataranta ka dahil lang sa isang lalaki. I'm glad though. Hindi na lang si Alexander ngayon ang prospect prince ng prinsesa ng Sta. Catalina." Kumindat ito sa kaniya. "Halina nga kayo sa counter para makabili ng lunch. Hindi pa ba kayo nagugutom?" Bahagyang nalihis ang pag-iisip niya kay 'unknown guy.' Kailangan niya rin kasing isipin ang para sa birthday party niya sa darating na Biyernes. "Gusto mo ba ng live band, Rency?" tanong ni Wella, ang thirty-year-old na assistant ng kaniyang ama. Sinadya siya ng babae kinahapunan sa mansion nila dahil ito ang nag-aasikaso ng para sa party niya. Aaminin niyang hindi niya ito masyadong gusto. Pakiramdam kasi niya ay may lihim na pagtingin ito sa Daddy niya. Her father was a widower. Pitong taon pa lang siya nang mamatay sa sakit ang kaniyang Mommy. "Or orchestra kaya? May mga nakausap na ako at naghihintay lang ng approval." "What?" Nagusot ang mga kilay niya. Napatuwid siya ng upo mula sa pagkakasandal sa sofa sa living room ng kanilang mansion. "Are you serious, Wella? Orchestra?" Naalala niya nang nag-debut siya last year. Isang kumpletong orchestra ang tumugtog ng waltz para sa kaniyang eighteen roses. "It's only a suggestion, Rency..." "Didn't I tell you na gusto kong kumanta si River Llamanzares sa party ko?" tukoy niya sa sikat na model/singer na taga- San Carlos. Minsan na nga itong nag-guest sa Founding Anniversary ng CPU. "Last week lang kasi nagsabi si Sir na gusto mo ng party sa birthday mo. At kahit siguro last month ko pa sinimulan ang paghahanda, hindi available ang artist na nire-request mo." She sighed. Hindi naman siya seryoso sa request na iyon. "Alright. I think live band is fine since karamihan ng mga guests ay ka-edad mo. So may iba ka pa bang request? May gusto ka bang imbitahin maliban pa sa mga ipina-invite sa akin ng Daddy mo?" Tumingin siya kay Wella. "Meron." "Sino? Give me the contact details para masabihan ko agad." "I don't have his contact numbers. Kahit nga pangalan niya hindi ko alam." "H-huh?" Natigilan ito. Naguluhan sa kaniyang sinabi. Napangisi siya. "Nevermind. Magpapahinga na muna 'ko. I'll just see you... tomorrow?" "Yeah. I'll be here tomorrow dala ang mga damit mo." Tumango siya at tumayo na para magtungo ng hagdan.     INAYOS ni Florence ang makitid na belt ng suot niyang romper. Sa leeg niya ay nakalawit ang white gold na kwintas na regalo ng kaniyang ama. The day after tomorrow would be her nineteenth birthday. September 13. Nagpauna na ng sorpresang pagbati at mga regalo ang kaniyang Daddy na ginising siya kaninang maaga-aga pa. Nagpasalamat siya bagaman disappointed dahil paalis ito ng bansa. Last week pa niya alam ang tungkol sa business trip nito sa Singapore at mamayang ala-una ng hapon ang flight nito. She stared at her reflection in the mirror. Ang buhok niyang mahaba't alun-alon ay nakatali sa kaniyang batok at may ilang locks ang hinayaan niyang nakalawit sa gilid ng kaniyang mukha. Maliban sa mascara at pink lipstick ay wala na siyang idinagdag pa. Nagpakawala siya ng buntunghininga. Pagkuwa'y tumalikod na siya para damputin ang bag saka lumabas ng kwarto. Ilang oras lang din ang naitulog niya kagabi. She tried to search for the 'unknown guy.' Kung kani-kaninong profile ng mga estudyante sa CPU na dati ay hindi niya pinagkakaabalahan ang ni-stalk niya kagabi sa pagbakasakaling makita  ang mukha ng estranghero sa mga posted pictures ng mga ito. Bigo siyang makakuha ng clue.  "Good morning, Snow!" bungad ng kaniyang Yaya Lorena pagkakita nito sa kaniya sa bukana ng dining room. "O, papasok ka na ba sa university niyan? Ang aga mo yata?" Snow. Iyon na ang tawag sa kaniya ng beinte-nueve anyos na yaya mula pagkabata. Sobrang puti daw kasi niya at bagay sa kaniya ang tawaging 'snow'. "Good morning. Hindi na rin kasi ako nakatulog ulit kanina after akong gisingin ni Daddy." Naupo na siya. Pinagsilbihan siya ng babae. Sinalinan nito ng orange juice ang kaniyang baso. Kinuha niya iyon at uminom.Nang may dumaang isa pang kasambahay ay tinawag niya iyon at nag-utos na sabihan ang kaniyang driver na maghanda dahil maaga silang aalis. "Naku, Snow!" ani Yaya Lorena na nakangiti. "Sa isang bukas na ang birthday mo! Excited ka na ba?" "Okay lang, 'Ya. Mas masaya sana kung nandito ang Daddy, pero nasa Singapore naman siya sa birthday ko." At mas lalong masaya kung makikilala niya ang estranghero para maimbitahan ito sa party niya. "Okay lang 'yan! Nandito naman kami ni Nana Eliza at iba pa. Saka darating din ang mga Lim. Balita ko nga dito sila buong weekend." Hindi siya sumagot. Alam niya ang tungkol doon dahil nasabi iyon sa kaniya ng ama. Family friend nila ang mga Lim at siyang may-ari ng mga katabing lupain. Itinuon niya ang tingin sa pagkaing inilagay ni Yaya Lorena sa kaniyang pinggan at naisip na wala siyang gana. "Natapat pala ng Friday the 13th ang kaarawan mo," ani Nana Eliza na lumabas mula sa kitchen. May dala itong bandehado ng hinog na papaya at inilapag sa gitna ng mesa. Kumuha siya ng isang slice doon at iyon ang kinain. "Magdoble ingat ka, Anak. Maraming nangyayaring hindi maganda kapag natataon na Biernes ang a-trese ng buwan." "Ito namang si Nana Eliza! Tinatakot nyo naman po ang alaga ko!" "Hindi ako nananakot, Lorena," katwiran ni Nana Eliza at tumingin sa kaniya. "Nagpapaalala lamang ako. At walang masama kung magpapaalala."     SA hapon lang ang class schedule niya kapag Biernes at natatapos iyon nang alas tres y media. Sa gabi pa ang party, pero siyempre ay kailangan na niyang maghanda. "May kinuhang makeup artist si Mama," wika ni Berna na kausap niya sa cellphone. "Dito na rin magpapaayos si Jelai. Kasama ko na siya pag-uwi para sa bahay na din siya magbibihis." Nasa CPU pa ang mga kaibigan para sa group activity ng mga ito samantalang pauwi naman na sila ng mansion ng kaniyang driver na si Gary. "Oh? Mabuti naman. Magkasabay na kayo pagpunta ng venue. Pero usapan natin, ha? Sa bahay kayo mag-o-overnight." "Sure! Tuloy na tuloy 'yon! So we'll see you later?" "Uhm... yeah. Thank you, girls! Ingat kayo." "Of course, Rency! Pero mas na mag-ingat ka. Happy birthday!" Humagikhik pa ito. "Okay. See you." Pagkababa ng cellphone ay ang mga text greetings naman mula sa mga dating kaklase ang kaniyang binasa at isa-isang ni-reply. Kanina sa school ay marami-rami rin ang mga bumati na alam ang kaniyang birthday katulad ng mga dating professors at ilang staff. "Yes, Wella?" aniya sa pumasok na tawag mula sa assistant ng ama. "Wala naman, Rency. I'm just checking on you. Nandito ako ngayon sa restaurant na magke-cater sa party mo." "Is everything fine, Wella. 'Yung venue?" "Kagagaling ko lang do'n. It's almost ready, so don't worry. Are you sure hindi mo kailangan ng stylist?" "Hindi na. Kaya ko nang ayusan ang sarili ko. Would that be all?" "A... may isa nga palang guest na hindi makakarating." Hindi marami ang magiging bisita niya. Ilang mga kaklase lang at professors sa CPU; her closest friends at ang family ng mga ito; mga business associates ng Daddy niya at ang iilang kaibigan ng pamilya. Wala pa yatang singkwenta ang bilang ng mga dadalo sa okasyon. "Sino?" "Alexander Lim." She frowned. "Alexander... w-why? At paanong alam mo, tapos ako hindi?" Isa ang text greeting ng kababata sa mga bumungad sa kaniya kaninang umaga. Bumabati lang ang mensahe. Walang nabanggit na hindi makakarating sa party. Hindi rin naman siya nagtanong bagkus ay nagpasalamat lang. Sa pagkakaalam niya kasi ay uuwi naman talaga ang buong pamilya nito ng Sta. Catalina. "Si Mrs. Lim lang ang nagpaalam sa akin, Rency. May dadaluhan daw na seminar ang panganay niya sa Cebu kaya hindi nila makakasama." Wala namang kaso sa kaniya kung hindi makarating sa party niya ang kababata. She was just expecting to see him again after a year. Hindi naman sila madalas mag-communicate. Busy kasi ito sa MBA. Before Jelai and Berna, si Alexander ang pinakamalapit na kaibigan niya. He was two years ahead, pero magkasundo sila. Magkaibigan din ang mga ama-ama nila at magkapartner sa ilang mga negosyo. Second year high school siya nang tuluyang manirahan ang buong pamilya Lim sa Maynila. Doon na rin nag-college si Alexander. "Rency, nasa'n ka na ba? Nandito na kami ni Berna sa hotel!" Si Jelai na nasa kabilang linya at kinukulit siya. Maaga pa naman kung tutuusin at malapit lang ang venue. "Yes, Jelai papunta na'ko. Nahirapan lang akong mamili ng damit na isusuot kaya natagalan. But I'm almost done." Limang klase ng damit ang dinala ni Wella sa kaniya at lahat naman ay magaganda. Pinili na lang niya iyong pale pink dress na one inch above-the-knee at may embroidered lace bodice. Pinaresan niya iyon ng blush-colored dress sandals na may four-inch covered stiletto heel. May manipis na make-up lang siya. Ang buhok niyang mahaba ay hinayaan na lang niyang nakalugay. "Hurry up, birthday girl! Nagdadatingan na ang mga guests mo. And oh my, God! Ang daming gwapo!" Gumulong ang mga mata niya at marahang natawa. Hindi niya kailangang makakita ng maraming gwapo sa party niya. All she needed to see was the unknown guy. Sino kaya ito? Bakit tila ang ilap nito at ni walang senyales na may iba itong kakilala sa CPU? Imposibleng hindi ito sikat kahit man lang sa department nito. Ang mukhang iyon pa ba?  Baka hindi naman ito estudyante ng university at napagkamalan niya lang dahil doon niya ito nakita. Baka may binibisita lang? Goodness, nauubos ang oras niya sa pag-iisip kung paano makikita ulit ang lalake. Dinampot na niya ang cellphone at purse at lumabas na ng kwarto. Hindi talaga siya taon-taon kung magpa-party. Her grandest event was when she turned eighteen last year. Sa isang malaki at sikat na hotel sa San Carlos. At umabot ng three hundred ang guests niya. "Snow!" Namimilog ang mga mata ni Yaya Lorena habang pababa siya ng hagdan. "Naku, ang ganda-ganda ganda talaga ng alaga ko! Bagay sa'yo ang suot mo. Lalo kang pumuti!" She smiled. "Thank you... Ikaw din, Yaya! You look glamorous in your dress," puri niya na nagpatawa rito. Nanguna na siya sa may living room kung nasaan si Nana Eliza. Masuyo ang ngiti ng matanda habang binibistahan siya. Bihis na din ito sa magkaternong blouse at palda na kulay beige. "Napakaganda mo, Florence, Anak! Dalagang-dalaga ka na talaga! Natitiyak kong matapos ang gabing ito ay maraming puso na ang nabihag mo." Nahihiyang ngiti ang iginawad niya sa matandang babae. "Kung magsalita ka naman, Nana Eliza, parang ako lang ang pinakamaganda sa paningin mo." "Aba'y oo naman, Florence! Kaya hinihiling ko na sana ay isang mabuting lalake ang iibigin mo." Natahimik siya. She had never been in love. But deep in her heart there's a wish - sana'y isang mabuting lalake si 'unknown guy.'  "Nana, lumakad na nga tayo, Snow!" excited na wika ni Lorena na umuntag sa kaniya. "Baka tayo na lang ang hinihintay sa party!"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD