Umalis si Nica ng araw na 'yun.Matapos ang mga nangyari, hindi na niya iniwan mag-isa ang anak, dala-dala niya ito kahit ano ang gawin niya. "Say hi to lolo, Ali," utos niya sa bata. Lumapit naman ito at umakyat sa kama ng matanda pagkatapos humalik sa pisngi nito. "Heyo, yoyo, How war you?" malambing na sabi nito. Natuwa siya sa kalambingan ng bata at napangiti naman ang matanda. "Usog ka muna baby, aayusin ko lang ang lolo para makakain na siya,' utos niya rito. Umusog naman ito ng konte at itinaas niya ang ulo ng matanda, nito gamit ang ibang unan. "Wag malikot, ha, pakakainin ko lang ang lolo, pagkatapos nito ikaw naman ang kakain." malambing niyang sabi sa bata. "Opo," sagot naman nito. "Pasensiya na po, senyorito kung dinala ko si Ali rito, baka kasi balikan siya ni senyori

