Masakit sa dibdib ang mga nangyayari sa buhay ko. Lahat na lang ng paghihirap naranasan ko. Hanggang kailan kaya ako makakaranas nang masaya at tahimik na buhay. Para akong isang bilanggo na wala sa kulungan. Nakakadena ang mga paa, at tanging ang apat na sulok lang ng kwarto ang malayong natatanaw ng mga mata ko. Nagagawa ko lang makalabas ng kwartong 'yun kung maliligo ako at mag ba-banyo. Siguro naninilaw na ang mga mata ko dahil hindi na ako naaarawan. Hindi ko namalayan ang mabilis na takbo ng panahon. Lumalaki na ang tiyan ko. Hindi na rin nagpaparamdam si Nica. Hanggang isang araw nang makahanap ako ng pagkakataon na makatakas. "Kuya, manganganak na ata ako. Kuya!" malakas niyang sigaw para tawagin ng attensiyon ng nagbabantay sa kanya." Tarantang pumasok ito sa loob at nang ma

