Brint Nang magtama ang kanilang mga paningin. Kita niya ang sakit na naidulot niya rito. Gusto man niya itong habulin at pigilan, alam niyang hindi niya kayang mapawi ang lungkot at sakit na dinanas nito sa mga kamay niya. Wala na siyang nagawa ng tumakbo ito palabas ng gate. Masakit man sa dibdib niya na mawala ito, kailangan niya itong e let go. "Patawarin mo ako," tanging naibulong niya sa sarili ng tuluyan na itong nagtatakbo palabas, palayo sa kanya. Booom. Nang may marinig siyang malakas na tunog na parang may sumabog. "Curtney." Taranta siyang lumabas ng gate at hinanap si Curtney, pero bigo siyang mahanap ito. Hindi niya alam kung saan tatakbo sa kaliwa o sa kanan. Napasabunot siya ng ulo dahil hindi niya alam kung saan siya maguumpisang hanapin ito. Nagpasya siyang hanapin

