Curtney POV Napabangon ako nang mapansing hindi familiar ang paligid ng kwarto. Nang maalala na nasa kwarto pala ako ni Brint. Napatakip ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay. Nang tingnan ko ang tabi ko wala na ito roon. "My God, Curtney! Grabe naman ang katangahan mo, hindi lang isa naging dalawa pa. Ano kaya ang sasabihin ni Brint sa'kin ngayon? Na madali lang akong bumigay sa tawag ng laman," naiiyak na saad ko. Tumayo ako at pinulot ang nagkalat kong damit at dali-daling nagbihis. At nagpalinga-linga muna ako bago lumabas. Pero hindi pa man ako nakakalagpas ng kwarto nito ng may magsalita. "Gising ka na pala." Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahan akong humarap rito. Walang emosyon ang mukha nito, ibang-ibang Brint ang kaharap ko ngayon kaysa kagabi. "Pasensiya na, n

