"Seniority, kumain na po kayo," naaawang sabi ni Manang, nang maghatid ito ng pagkain sa kanya. Hindi pa rin kasi nito ginagalaw ang pagkain mula kagabi. "Ilagay niyo na lang po diyan," walang gana niyang sabi rito. Pagkatapos ilagay ang pagkain nito. Lumabas na rin ito. Naaawa man siya wala siyang magawa. "Ano yan?" galit na turan nito. "Eh, kasi senyorito hindi pa rin kasi kumakain si senyorita simula ng umuwi dito. Dalawang araw na po siyang ganyan." Iniwan niya ang matandang katulong at mabilis na pumasok sa kwarto ni Curtney. Napakadilim ng loob nito at nakahiga ito patalikod sa kanya. Binuksan niya ang bintana para lumiwanag ang loob ng kwarto, pero nagtalokbong lang ito ng kumot. "Get up," pero hindi siya pinansin nito. "I said get up!" galit na sabi nito. Hinablot niya ang

