Simula ng araw na 'yun naging maganda na ang pag sasama nila. Hindi na rin naging sumpungin si Brint. Hatid sundo siya sa school. Minsan ipinagluluto siya nito at ipinagluluto niya rin ito. At syempre laging nandoon ang pananabik nila sa isa't isa. Isang linggo na rin pagkatapos ng kasal nila ang akala niyang magiging masayang pagsasama, maguumpisa pa lang pa la ang kalbaryo niya. "Babe, can't pick you up now, may emergency lang. Ipapasundo na lang kita." sabi ng kabilang linya nang tumawag ito. "Hindi na, babe kaya ko na, magtataxi na lang ako. Maaga pa naman." sagot naman nito. "Are you sure?" "Yes, babe, don't worry." "Ok sige, bye." "Bye." pinatay na nito ang telepono. "Hindi man lang mag- I love you ang lalaking 'yun, ganun ba kahirap sabihin 'yun kahit kunwari lang," pag mam

