Hindi na alam ni Curtney kung paano siya nakauwi. "Besh? Bakit nag-iimpake ka? Ano bang nangyari?" Hindi siya pinansin man lang nito at nagpatuloy lang sa kanyang ginagawa. "Besh," hinawakan nito ang mga kamay niya. "Tumingin ka nga." Tumingin siya rito at napayakap sa beywang nito. "Ayoko na, ang sakit-sakit na." "Tama na. Tama na," alo nito sa kanya habang hinihimas ang ulo niya. "Ano bang nangyari?" Ikwenento niya rito ang mga nangyari sa opisina. "Besh, ang gusto ko makinig ka sa sasabihin ko." "Ano'ng ibig mong sahihin?" "Basta makinig ka lang." "Curtney, iha nandiyan ka ba?" tawag sa kanya sa labas. Nabitin ang sasabihin ni Jane dahil sa pagtawag ni Aling Mara. Gusto na sana niyang sabihin rito ang lahat ng mga sinabi ni Brint sa kanya, dahil ayaw na niya itong makitang

