"Babe baka naman pwede na nating sundan si Ali," naglalambing na sabi ni Brint sa asawa habang yakap niya ang likod nito. Nagluluto ito ng bbq dahil nagrequest ang anak nila na magpool sila. "Ano ka ba! Tumahimik ka diyan baka marinig ka ng anak mo," saway niya rito. "Ali anak, gusto mo ba ng baby brother or baby sister?" tanong nito sa anak. "Yes, daddy I want a baby brother and baby sister," mabilis namang sagot nito. Limang taon na ito ngayon. Mahigit dalawang taon na rin ang nangyari kaya unti-unti nang nakalimutan nito ang madalim na pangyayari sa kanilang buhay. Naging malaking epekto kasi sa kanya ang mga nangyari. Palaging tulala na lang ang anak pagkatapos ng mga pinagdaanan nito. "Narinig mo 'yun? Kaya sige na, pagbigyan mo na ako." paglalambing nito. "Ayaw ng mommy, oh. Aya

