Brint
Nagising ako sa malakas na tawag mula sa telepono. Pilit kung minumulat ang aking mga mata nang mapahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. "May hang-over pa yata ako. Pano kaya ako nakauwi ng bahay?" Nang makita ko ang cellphone na nasa side table agad kong sinagot ang tawag na nagmumula rito. "Sa office na lang," utos ko.
Napatigil ako sa pagtayo nang mapansin kong may isang babaeng nakayakap sa tabi ko.
Wala akong maalala sa mga nangyari dahil sa kalasingan. Tumayo ako at kinuha ang pantalon at nagbihis.
"Bumangon ka na diyan at umalis ka na," utos ko rito."
"Why?" naalimpungatan nitong tanong.
"Hindi ka ba nag-enjoy ka gabi?" tumayo ito ng hindi ko napansin at yinakap ang likod ko.
"C'mon honey, I know nasarapan ka, dahil ramdam ko ang sobrang pagnanasa mo."
"Shut up! What happened last night was just a lust! And it won't happen again! If you bother to come back, so be prepared to die. Ayokong makita pa kita rito paglabas ko!" galit na utos ko rito.
Sa takot sa mga sinabi ko nagmamadaling kinuha ang mga damit nitong nagkalat sa sahig at dali-daling nagbihis. Dinig ko ang pagbukas sara ng pinto kaya sigurado akong umalis na ito.
Pagkapasok ko ng banyo agad kong linunod ang sarili sa ilalim ng tubig. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. "Sino ba siya? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko?" tanong ng utak ko.
"Kinakailangan kong malaman kung ano ang pinaplano niya sa akin."
Tinapos ko ang pagligo, nagbihis at pagkatapos nagmamadaling makapunta ng opisina.
Bago ako umalis dumaan muna ako ng library dahil my kukunin lang sana ako nang mapatigil ako nang maalala ko na naman ang mga nangyari kagabi. Ang katawan nito na halos nakadikit na sa buo kung katawan. Ang mga mukha nitong amoy na amoy ko na ang hininga. Ang kuryenteng naramdaman ng buong pagkatao ko. Ang pag-iinit ng p*********i ko at ang pagnanasa kong mahalikan ang mapula-pula nitong mga labi. Ang katawan nitong gusto kong ikulong sa mga braso ko. Natigil ang mga imahinasyon ko nang may makita akong isang black na hand bag sa sahig. Nilapitan ko ito at kaagad na pinulot.
"Sa kanya 'to ha?" saad ko nang may maalala.
Nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Yes, i'll be there."
Tumawag ang assistant ko at nandoon na pala ang hinihintay ko..
Mabilis akong pumasok ng library at nang makita ang hinahanap ay kaagad kong tinungo ang sasakyan at mabilis na pinaharorot ang kotse. Ilang minuto lang nang marating ko ang opisina. Mabuti na lang at hindi trapik ngayon dahil Linggo. Pero sa opisina ko sila pinapunta dahil gusto ko munang makita ang opisina.
Nasa 25th floor ang opisina ko may private parking lot at sariling elevator dahil ayokong may makakita sa pagpasok at paglabas ko ng opisina. Bukas ang unang araw ko para hawakan ang kompanya namin dito sa Pilipinas. Kung hindi dahil sa paki-usap ng Daddy ay hindi na ako babalik ng Pilipinas. Pwede ko namang ma-manage ito kahit nasa ibang bansa, may mga tao naman akong pwedeng pagkatiwalaan. Pero gusto talaga niyang bumalik ako para sa isang taong gusto niyang makita bago siya bawian ng buhay. "A dying wish? B*lsh*t!" Ni hindi nga siya naging mabuting ama at asawa sa pamilya namin. Mom died because of his arrogance. Wala siyang ibang ginawa kundi bigyan ng sama ng loob ang Mommy ko. He wasn't there when Mom needed her. . . At nasaan siya? Nandoon sa babae niya. When Mom died, pinabayaan niya rin ako at sumama pa sa babae niya.
"Sir," napukaw ang attensiyon ko nang may tumawag sa'kin. Ang asistant kong si Mr. de Mesa, siya ang nagma-manage nito kapag wala ako. May edad na rin ito. Matagal na rin kasi itong nagtratrabaho sa pamilya ko kahit nang si Daddy pa ang namamahala nito.
"Ito na po ang file ng pinahahanap niyo."
Nang ibinigay ng Daddy ang pangalan ng kailangan kong hanapin. Pinaimbistigahan ko na kaagad ito.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang nasa larawan.
Curtney Villarosa, 23 years of age, 4th year college. Taking up BSBA, sa UST.
nakasulat din doon ang address ng tinutuluyan nito. Hindi sayang ang malaking bayad ko sa imbestigador.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang larawan ng mga ito. Iba't ibang lalaki ang mga kasama nito at matatanda pa.
Kumunot ang noo sa nakita. "Ano 'to?" galit kong tanong rito. Kahit alam ko na ang ibig sabihin nito gusto kong pa ring i-deny ang katotohanan sa mga nakikita ko. Ayokong paniwalaan ang mga nakikita ng mata ko.
"Kilala po siyang ganyan sir. Binabayaran po siya ng mga matatandang kasama niya para makasama bilang ka-date sa mga okasyong dadaluhan ng mga ito.
My brows pressed. My jaw clenched as I gritted my teeth. "She's a gold digger!' She's like her mother!" mariing saad ko. " Now I know, bakit kailangan niya akong makilala," bulong ko sa sarili.
Tiningnan ko ulit ang mga larawan at naninigas na ang mga bagang ko sa sobrang galit. Nalukot ang mga larawang nasa kamay ko sa sobra higpit nang pagkakahawak ko. Nang halos maubos na ang lakas ko sa sobrang paghawak rito itinapon ko ito. Nang maalala ko ang bag na nakita ko kanina, binuksan ko ito at tiningnan ang laman. Tanging cellphone at lipstick lang ang laman nito. Kinuha ko ang cellphone at binuksan ito, tamang-tama naman at wala itong password. Denial ko ang numero ko at pinindot ang call nang tumunog ng cellphone ko kaagad kong pinatay na ito.
"Ano pong plano niyo sir, kay Ms. Villarosa? Sasabihin mo na ba sa Daddy niyo na nakita mo na siya?" tanong ni Mr. de Mesa.
I keep silence for a minute then I clenched my fist.
"Ako ng bahala sa kanya. H'wag mo na munang sasabihin kay Daddy ang tungkol dito. I have better plans for her," mabilis kung sagot.
Pagkatapos ipinasok ko ulit sa bag ang cellphone at mabilis na naglakad pa alis. Naiwang nagtataka si Mr. de Mesa.
Mabilis kong narating ang address na nakasulat doon sa papel. Sa di kalayuan tanaw ko ang pagsakay nito sa isang sasakyan. Naka-white spaghetti strap ito na fitted at nakatuck-in sa black short at nakasuot ng white shoes. Kitang-kita ang mapuputi nitong kutis mula ulo hanggang paa.
"Mahilig ba talaga ang babaeng 'to e-expose ang sarili!" sambit ko sa sarili.
Kasama nito ang babaeng kasama niya kagabi.
"Saan sila pupunta?" tanong ng utak ko.
Sinundan ko ang sinasakyan nito hanggang sa makarating sila sa isang building sa Makati.
"Anong ginagawa nila rito?"
Pumasok ang sasakyan nito sa isang parking lot. Sinusundan ko kung saan ito patutungo. Nang pumasok ang mga ito sa elevator sumabay rin ako sa mga ito sa pagpasok. Panay ang yuko ko para hindi nila ako makilala at nasa may likuran lang nila ako. Nanunuot sa ilong ko ang pabango nito at hindi ko makakalimutan ang amoy na yun. Nang-aakit ang bango nito. Bumukas ang elevator at lumabas ang mga ito. Hanggang sa pumasok ito sa isang condo.
"Kaninong condo kaya 'yan? May matanda kaya sa loob na naghihintay sa dalawa? Baka may gagawin silang hindi maganda sa loob?" sunod-sunod na tanong ng utak ko. Nag-iinit na ang ulo ko sa mga naiisip. Kaya mabilis akong umalis at nagpunta sa isang bar.
Umaga pa lang nagpakalasing na naman ako. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at di nagtagal dumating din ang mga ito.
Si Kim, ang sikat na model ng barkada at happy go lucky lang. Mas gustong mag-model kesa asikasuhin ang negosyo ng pamilya.
Si Dane ang check boy ng grupo siya ang nagpapalakad sa negosyo ng pamilya.
Si Bob isang doctor at ang namamahala sa sarili nitong ospital ng mamatay ang ama ang napakabait sa'ming magkakaibigan.
"Bro, kamusta?" bati namin sa isa't-isa.
"Oh, Brint? Where were you last night? Sarili mong party wala ka?" tanong ni Bob.
"Bakit? Nandoon ka ba? Hindi naman kita nakita ha!"
"Yes bro, I was there hinanap kita pero hindi kita nakita. So, I decided to leave early," sabi ni Bob.
"Yes, pre nandoon siya. Ikaw ang nawala," sabat naman ni Kim .
"Baka ibang party ang pinuntahan?" natatawang sabat naman ni Dane.
Nagkatawanan ang mga ito sa sinabi ni Dane.
''Yes bro? What happened last night?” Dane asked.
"Akala namin magpapakilala ka na?" Kim asked.
Tigim bagang lang ito sabay lagok ng alak.
"May problema ba?" wika naman ni Bob.
He sighed at wala nang nagawa kundi sabihin rito ang mga bilin ng Daddy niya kaya biglaan ang pag-uwi niya ng bansa.
At ang dahilan ng hindi niya pagpapakilala sa party.
Sinabi ko ang mga plano ko sa mga ito. Tutol man ang mga ito, wala silang nagawa dahil desperado na ako.
"Reminder lang pre, ha! Baka ikaw ang masaktan sa gagawin mo," paalala ni Bob.
"Sinaktan na nila ako. Anong klaseng sakit pa ba ang hindi ko kakayanin," galit na saad ko sabay inum ulit.
Nagpakalasing naman ako sa gabing 'yon. Kung paano ako nakauwi hindi ko alam. Siguro inihatid ako ng mga kaibigan ko.