CHAPTER FOURTEEN

576 Words
(Nirvana's Residence) (5: 30 P.M, same day ) Shace's POV Nakababad ako sa tub ko ngayon habang hinihimas ng kamay ko ang pisngi kong sinampal ng babaeng yun kanina. Tsk. Ang sakit nun ahh! "May araw ka rin sa akin. " nakangising sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kamay kong may mga bula. Nagbabad pa ako ng ilang saglit hanggang sa mapagpasyahan ko ng umahon sa tub at magbanlaw ng sarili. Pagkatapos ay agad na isinuot ang bath robe tsaka labas ng CR sa kwarto ko at diretso higa sa kama. "Arrgghhh.... Napagod talaga ako sa nangyari kanina...*sigh* Buti nalang talaga at hindi na masyadong masakit yung sampal ng babaeng yun ngayon." sabay hawak sa pisngi ko at napangiti. Naalala ko kasi ang nangyari kanina. Habang hila hila kasi ako ni Reign kanina ay dumiretso kami sa isang liblib na lugar sa likod ng school at may nakita kaming isang parang bahay. Maliit lang sya pero malalaman mong napakagara ng itsura nito. Pumasok kami sa loob at namangha ako dahil malaki pala ang loob. Mukha lang maliit sa labas ngunit malaki ang loob nito pag nasa loob ka.  Hinila nya ako paupo sa isang sofa at kumuha ng ointment para mawala yung hapdi at pula ng mukha ko. Pati na rin ang sugat sa labi ko. Dumugo kasi dahil sa lakas at dami ng sampal sa akin kanina ni Clarisse. "Next time, don't be too careless. " sabi ni Reign sa akin habang focus sa paglagay ng ointment sa gilid ng labi ko na ikinakunot ng noo ko. "Eh? Careless? Paano ako naging careless eh tinulungan ko lang naman ang kaibigan ko?" Nakakunot noong tanong ko sa kanya na dahilan para pitikin nya ang noo ko. Napahawak tuloy ako roon. Tsk. "Don't answer back, you naughty and careless girl."  Sabi nito na ikinabusangot ng mukha ko at ikinatalim ng tingin ko sa kanya. Bakit ba namimitik ng noo tong lalaking to?! Tsk.. Ang sakit kaya. Kung sya kya ang pitikin ko sa noo?!  Pagkatapos non ay sinamaan nya rin ako ng tingin tsaka pinabalik na nila kaming dalawa sa room. Tinanong ko pa nga sila kung bakit hindi sila sasabay eh.. Ang sagot ba naman!? " We're to lazy to attend class."  Sabay sabay pa yan ahhh... Tsk.  Kaya hanggang mag uwian hindi ko na sila nakita hanggang sa makauwi na ako. Hayyss... Wag na ngang pag usapan yung mga yun... Umahon na ako sa tub at sinuot na ang bathrobe ko tsaka tsinelas ko at lumabas na ng banyo. Agad kong kinuha ang hair dryer at pinatuyo na ang buhok ko. Then after that ay nagsuot na ako ng pyjamas ko at natulog na. ***** KINABUKASAN ay nagising ako ng around 5:40 ng umaga kaya napahikab ako. Masyado yata akong maagang gumising ngayon? Eh, 8:30 pa ang pasok ko. Tsk. Dahil sa hindi na ko makatulog ay kinuha ko nalang ang laptop ko at ginawa ang naiwang trabaho ko sa France. Pero agad na nanglaki ang mata ko ng pagkabukas na pagkabukas ko palang ng email ko ay may isang mail agad akong natanggap at kakaiba ang itsura nito. Wait-- may kamukha ang itsura nya eh... San ko ba nakita iyon? Kulay itim at nakasulat at pangalan ko.... UHUH!! Yung sobreng ibinigay ni Claudine sa akin nung nasa France pa ako. Dali dali akong umalis sa kama ko at agad na tinignan ang drawer dahil alam kong nandito lang yun.... somewhere.... hehe.. di ko matandaan pero alam kong nadala ko yun eh... "Yes! Nandito ka lang pala eh. " sabi ko sa sarili ko ng makita ko ang sobre sa pinakailalim ng drawer ko. Agad akong umupo sa higaan ko at tinignan ang itsura nito.Kulay itim at nakaimprinta ang pangalan ko sa likod nito.  Agad ko itong binuksan at nagulat ako sa nakasulat rito na agad na nakapagpablangko sa mukha ko. To be Continued......... ---------------------------------------------------------------- ace_han02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD