(Luna Academy)
(2:13 A. M)
Third Person's POV
Habang natutulog si Shace sa desk nya ay biglang pumasok ang limang kalalakihang pinagpapantasyahan at tinitilian ng buong kababaihan at mga kabaklaan sa buong campus maliban kay Shace na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Hindi man lang nagising si Shace kahit na sobrang ingay ng buong classroom nila dahil sa mga tilian ng mga kaklase nyang babae.
Pati ang katabi nyang napakakulit na si Alysia ay nakikitili rin katulad ng iba. Walang magawa ang Prof nila dahil sa sobrang ingay talaga nila. Kaya ang ginawa nito ay lumabas na lamang ng room nila.
Samantalang ang tatlong lalaki naman ay naka cold face samantalang ang dalawa sa kanila ay nakangiti, kumikindat at kumakaway pa sa mga babae. An evidence of being a playboy.
Naglakad silang lima papunta sa likod dahil doon ang upuan nila. Pero habang papunta sa mga upuan nila ay nakita nila si Shace na tulog na tulog sa desk nya.
Hindi iyon pinansin ng tatlo at tuluyan ng umupo sa likurang desk. Pero ang isa sa kanila ay tumigil sa harap ng desk ni Shace dahilan upang tumahimik ang buong room.
Nakangisi ito habang tinitignan ang dalaga at walang sabi sabi na hinampas ng pagkalakas lakas ang desk nya dahilan upang magulat ang dalaga at mapatayo.
Tumawa ng tumawa ang lalaki na si Aito Caile Evans na sinabayan ng mga kaklase nila at ni Akiro maliban sa katabi ni Shace at ng tatlong kaibigan ni Aito.
Ng makita ni Shace kung sino ang nang istorbo sa pagtulog nya ay walang pang aalinlangan sinuntok nya ito sa mukha dahilan para mapaupo ito sa sahig.
Nakita ito ng lahat dahilan upang matahimik na naman ang buong section nila.
"Try to disturb me again and that's not the only thing that will happen to you." Malamig na sabi ng dalaga sa binata na nakahawak ngayon sa nasuntok ng dalaga.
Pagkatapos nun ay agad na lumabas ang dalaga sa section nila na may malalamig na tingin.
Sinundan sya ng isa sa magbabarkada pagkatapos nyang lumabas ng room.
Ang buong section ng class A-4 ay nanatiling tahimik kabilang na ang apat na magbabarkada.
Hindi man nila aminin ay nakaramdam sila ng takot sa dalaga ng marinig nila angmalamig na salita nito at ang malalamig na tingin nito bago ito lumabas ng room nila.
Samantala, ang dalaga naman ay dumiretso sa silid aklatan upang ipagpatuloy ang kanyang naudlot na pagtulog.
Pero habang papunta sya sa silid aklatan ay naramdaman niya ang isang presensyang sumusunod sa kanya ngunit binalewala lamang nya ito at tumuloy sa silid aklatan.
Pumunta ang dalaga sa pinakaliblib na parte ng silid aklatan at umupo sa upuan at umob-ob sa lamesa para ituloy ang pagtulog.
" I didn't know that you are so scary. " biglang sabi ng tao sa unahan nya. Kaya napataas sya ng tingin rito at nakita ang kaibigan ng kaninang sinuntok nya.
Pero walang sagot na nakuha ang binata dahil umob-ob ulit ang dalaga at hindi ito pinansin.
Napabuntong hininga ang lalaki at nagsalitang muli.
"Hey, don't just ignore me. " sabi nito na ikinakibit balikat ng dalaga.
"I'm not ignoring you." Sabi nito.
"Yes, you are." Sabat nito.
Walang nagawa ang dalaga kundi ang itaas ang ulo nya at umayos ng upo sabay pinagcross ang dalawang braso.
"Ano ba kasing kailangan mo?" Iritang tanong ng dalaga.
"Nothing, I just want to know why a successful and the most influential young lady in the world is here in the Philippines studying in Luna Academy?" Mapang asar na sabi ng binata na ikinagulat ng dalaga ngunit pinanatili nyang nakacomposed parin ang sarili nya.
"How did you know?" Tanong nito na ikinakibit balikat lamang ng binata.
"It's a secret." Sabi nito na ikinainis ng dalaga.
"Fine. Don't tell me, but make sure that no one will know about my identity." Sabi ng dalaga pagkatapos ay tumayo na ito para bumalik na ng room dahil hindi na ito makatulog dahil sa pambubulabog ng binatang iyon.
"Hmm... I don't think I can keep it a secret." Biglang sabi ng binata na ikinatigil nito at mapalingon ang dalaga rito.
"Tell me..... What do you want from me?" Mapanghamon na tanong nito sa binata na ikinangisi naman ng huli.
"Nothing much, but I have this one thing in mind." Mapang asar na tugon nito.
"What is it?" Tanong ng dalaga.
"Why are you here and why are you hiding your true identity?" Seryosong tanong nito.
Ngumisi ang dalaga tsaka iniikot ang tingin sa paligid, tinitingnan kung may tao bang malapit at nakamasid.
Ng makita nyang wala ay dahan dahan itong lumapit sa binata at inilapit ang mukha nito sa binata at dahan dahang inilapit ang labi nya sa tainga nito.
Nakita nyang bahagyang napalunok ang binata sa ginawa nya kaya mas lalo itong napangisi.
"Do you really wanna know? " mapang akit na sabi ng dalaga sa binata na dahilan para mapalunok ito ng laway.
"Y-yeah. " nautal na sabi nito.
Biglang lumayo ang dalaga sa binata at ngumiti.
"Nothing. I just want to have a normal life in high school. You know, I didn't go to high school when I'm studying before. So I want to experience it now. " nakangiting sabi ng dalaga sa binata.
Tiningnan sya ng binata ng seryoso hanggang sa mapabuntong hininga na lamang ito at napatayo tsaka lumapit sa dalaga.
"Fine then. I'll keep your identity a secret. " sabi ng binata na ikinatuwa ng dalaga.
"But in one condition. " dagdag nito na ikinawala ng ngiti ng dalaga.
"What is it?" Tanong nito.
"Let's be friend from now on. " sabi nito na ikinagulat ng dalaga.
"Eh? Friends? Why?" Nagtatakang tanong nito.
"You want a normal life in high school right? " tanong ng binata na ikinatango ng dalaga.
"Then you need a friend to do that, and I'm offering you one." Sabi nito sabay lingon sa gilid at kamot ng batok.
Ngumiti ang dalaga dahil sa ginawa nito tsaka sabing.
"Ok then.. From now on, you and I are now friends. " nakangiting sabi ng dalaga kaya napalingon ulit ang lalaki sa kanya at ngumiti ng bahagya.
"Yeah. Then I will formally introduce myself to you. My name is Reiko Seojeon, nice to meet you new friend." Bahagyang nakangiting sabi nito at ikinumpas ang kamay na sa harap ng dalaga na para bang makikipagshake hands na tinanggap ng dalaga sabay ngiti.
"I'm Shace Navera, nice to meet you new friend." Nakangiting sabi ng dalaga sa binata.
Samantala, sa hindi kalayuan ng silid aralan ay may isang tao palang nakamasid sa isang sulok kung saan nakikita nya ang dalawa. Ng makita nya kung paano mag ngitian ang mga ito ay galit syang lumabas ng silid aklatan.
Hindi man nya narinig ang pag uusap ng dalawa ay nakita naman nya ang halos lahat ng pangyayari at hindi nya ito matanggap.
Simula palang sa ginawang paglapit ng dalaga sa binata at kung paano nyang nakitang mapalunok ito at kung paano nya nakitang ngumiti at ngumisi ang dalaga au hindi na nya ito matanggap.
Padabog syang bumalik sa silid aralan nila at padabog na umupo sa upuan at pinagcross ang dalawang braso at malamig na tumingin sa unahan.
Lahat ng klase ay natahimik kabilang na ang tatlo nyang kaibigan na nakatingin sa kanya ngayon.
Tila binalot ito ng itim na aura dahil sa ipinapakita nito at mas lalo pang naging nakakatakot dahil sa sobrang seryoso at tahimik nito. Walang nagawa ang tatlong kaibigan kundi ang manahimik na lamang at umupo sa tabi nito.
------------------------------------------------------
A/N:
Finally! Nakapag update rin ng isa...
Well guyss, sino kaya ang taong iyon? Mahuhulaan nyo ba?
Bakit kaya ganoon ang reakayon nya ng makita ang dalawa sa silid aklatan?
I really wanna know your answer guysss.....
Plss be free to comment and support my story.. And don't forget to vote okay?
Thanks guyssss.... Hope you enjoy this Chapter.....
ace_han02