CHAPTER EIGHT

627 Words
(Luna Academy)  (3:49 P. M.)  Shace's POV Nandito ako ngayon sa isang garden ng school. Maganda rito at malinis. Tahimik rin dahil walang pumupuntang estudyante. Ewan ko nga kung bakit walang estudyante ang pumupunta rito eh. Ang ganda kaya rito at napakarefreshing ng hangin.  Nakaupo lang ako sa d**o at tinitignan ang mga paru-parong lumilipad sa ibabaw ng mga bulaklak. May mga ibong naliligo sa may maliit na fountain sa gitna ng garden.  Napangiti na lamang ako sa nakikita. Gustong gusto ko kasi ang mga ganitong view. Parang nasa paraiso ako kung titignan.  "Ang ganda mo palang ngumiti? " napatingin ako sa gilid ko ng may marinig akong nagsalita, only to find out na isang lalaking naka sandal sa may puno di kalayuan sa pwesto ko. "Kailan ka pa naririyan?" tanong ko sa kanya kahit na kanina ko pa nararamdaman ang presensya nya. "Kanina pa. At kanina pa rin kita pinagmamasdan. " nakangiti nitong saad at parang nagpapacute pa.  "Ok. " tanging sabi ko na may blankong tingin at naglagay ng earphone sa tainga ko at pumikit. Naramdaman ko naman ang paglapit nya sa kin pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa makaupo sya sa tabi ko.  "Alam mo bang bawal ang mga estudyante sa lugar na ito? "  sabi nya sa akin ng may seryosong tinig kaya napatingin ako sa kanya.  "Bakit ikaw nandito? " tanong ko sa kanya na ikinangiti nya. "Hindi mo ba ako kilala? " biglang tanong nya at hindi sinagot ang tanong ko. "Ano sa tingin mo? " ganti kong tanong sa kanya na may blankong ekspresyon na ikinatawa nya. "Hahaha. Mukhang hindi. " sagot nya sa tanong nya. "Anong nakakatawa? " nagtatakang tanong ko sa kanya dahil sa pagtawa nya. Pero umiling lamang sya at ngumiti. "Wala. Natutuwa lang ako dahil sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw yung kakaiba. " nakangiti nyang sabi sa akin. "Anong ibig mong sabihin? " tanong ko.  "Ikaw lang kasi yung babaeng hindi tinatablan ng kagwapuhan ko. " sabi nya  sabay tawa ng malakas na ikinablanko ng mukha ko. Bloody Hell?! Ang hangin ng isang to! "Gwapo? Ikaw? San banda? " inosente kong tanong sa kanya at kunwaring sinusuri ang mukha nya na ikinabusangot nya at ikinatawa ko. "Grabe ka naman! Gwapo kaya ako! Di mo ba nakikita? " nakabusangot nyang saad na mas lalong ikinatawa ko dahil nag gesture pa sya ng pogi sign. "Hahahahahahahaha. " tawa ko na nakapagpatigil sa kanya at ikinatulala nya. "Ang ganda. " biglang bigkas nya habang nakatulala na ikinatigil ko sa pagtawa. "Tsk. It's already late. I'm gonna go now. " sabi ko at tumayo.  "Eh? 4 palang naman ng hapon ah? Tsaka..... gusto pa kitang..... makausap eh. " sabi nya habang pahina ng pahina ang pagbigkas nya sa huli.  Pero hindi ko na iyon pinansin at naglakad na papaalis sa garden. Naramdaman ko naman ang biglaan nyang pagtayo at pagsunod sa akin sa paglalakad.  "Let me drive you home. " presinta nya ng maabutan nya ako sa paglalakad pero umiling lang ako. "No need. Kaya ko naman na ang sarili ko eh. " sabi ko at nagdirediretso lang ng lakad. "But--"  "Don't be stubborn. I can go home by myself. I don't need someone to send me home. " sabi ko na ikinabuntong hininga nya.  "Fine. Can you tell me your name instead?" sabi nya.  "It's Shace. " maikling sabi ko na ikinangiti nya. "Well then. Nice to meet you.. Shace. I'm Clinton." nakangiti nitong sabi bago sya tumakbo sa kabilang direksyon. Nang mawala na sya sa paningin ko ay napangiti ako. Pagkatapos ay naglakad na papuntang likod ng school kung nasaan nakapark ang kotse ko at nag drive na pauwi sa bahay.  "What a playboy guy. *smirk*. Does he think na hindi ko alam ang ginagawa nya? " nakangising usal ko at binilisan ang pagpapatakbo ng kotse hanggang sa makarating na ako ng bahay at dumiretso agad ng kwarto ko para makapagpahinga na.  Nagtake muna ako ng half bath at nagbihis ng pambahay at nahiga na sa kama ko para matulog.. Aaahhh.... It's so nice to finally be at home. Now I can go to sleep without no one disturbing me...  ---------------------------------------------------------------------- ace_han02
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD