DRAKE POV Nang matapos kaming mag halikan, dinala ko na ang pizza at isang tray ng spaghetti. Huminto muna kaming dalawa sa sinasabi niyang bahay ng aming chismosang kapitbahay at pag bukas pa lang nito ay bumungad na sa akin yung babaeng pango na humarap kay Tricia. "Hello? Oh Tricia? Bakit ka kumatok? Anong need mo? Na miss mo akong ka chikahan no? Halika pasok ka," sabi nung babae. "Ay hindi, may lakad din kasi kami ng ka live in ko. Marami kasi kaming handa sa bahay at sayang naman kung itatapon lang namin kaya ibibigay lang namin sayo. Siya nga pala, nasa likod ko yung asawa ko. Pogi yan at matangkad," pag mamalaki pa sa akin ni Tricia. Pinilit ko naman na ngitian ang babaeng ito. "Hi, Drake nga pala! Ka live in ako ni Tricia, na ikwento ka niya sa akin kanina. Nice meeting y

