DRAKE POV Dahil na rin sa pag sulsol sa akin ni Rachel, mas lalo akong nang galaiti sa galit. Sobra ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Lumapit sa akin si Khalil at bago pa man siya nakapag salita, kinuha ko siya sa kanyang tshirt at tsaka ko ito binuhat gamit ang isang kamay. Nagulat ang lahat sa ginawa ko pero kailangan ipakita ko sa kanila ang aking kamay na bakal. At para hindi na rin nila tularan ang gagong lalaki na ito na gusto kaming iwanan. "Ano Khalil? Bakit mo gustong magbagong buhay ha? Kahit sinong santo pa ang dasalan mo, hinding hindi ka na mag babago. At hindi na rin mawawala ang sungay mo. Kaya bibigyan kita ng pagkakataon para mag bago ka ng isipan. Malaki ang papel na ginagampanan mo rito di ba? At aaminin ko, nanghihinayang ako kung aalis ka rito dahil para n

