TRICIA POV Ngayong araw, maaga akong nagising. At pag mulat ng aking mga mata, nakita ko si Drake na katabi ko. Sobrang lakas pa ng kanyang hilik sa akin. Pero ang cute niya lang matulog. Talagang tulog mantika siya ngayon. In as much as I'd like to wake him up, mahimbing ang tulog niya na para bang pagod na pagod siya. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay niyang naka palupot sa akin at tumayo. May kasalan pa si Drake sa akin kaya medyo nag tatampo ako sa kanya. Subalit nagulat na lang ako ng malingat ako sa table kasi mayroong red roses dito at cake. Wow, talagang nag eeffort pa siya na bumili ng ganito sa akin. So, I kissed his lips at kaagad akong tumay dahil na rin sa labis na kilig. Bukod sa mabango yung roses, yung cake, may nakalagay din na sorry na bumagay sa disenyo nito

