DRAKE POV May tiwala naman ako kay Tricia subalit wala akong tiwala sa parents niya lalo na sa kanyang tatay. Pakiramdam ko ay mayroon nang nabubuong plano sa utak niya sa mga sandaling ito. At gusto niyang malaman ang lugar ko upang wala na akong ibang pagtatakasan pa. Baka nga magpa tawag siya ng awtoridad sa mga sandaling ito at palabasin na kidnapping ang nangyari kahit na ang totoo ay wala namang ganito ang nangyayari. Kawawa ako kapag nagkataon. I am the current leader of our organization, at hindi pwede na mapahamak ako. Magiging mahirap ito para sa mga miyembro ko at sa mga clients namin. At ang isa pang problema, mayroon na siyang pag dududa sa akin sa mga sandaling ito. Unlike kay Tricia na kaya kong bulagin sa pagmamahal, kailangan ko lang na mag ingat sa kanya. Baka mag

