♨️ Zera Pov. ♨️
"Paalisin nyo ko dito" galit kong sabi sa kanila, ang kapatid ko ramdam na ramdam ko na may masamang nangyayari sakanya kung sana pwede akong maka pag.......tama nakakapagteleport ako. Agad akong nag teleport pero bigo ako at tumilapon na lamang, may barrier silang ginawa silang lahat nag tulungan para lang pigilan ako how pathetic.
"Hahahahahaha ang lakas ko pala dahil kinakailangan ang kapangyarihan niyong lahat para lang pigilan ako hahaha sorry nalang pero.......masasabi kung ang hina hina nyo para tawaging royalty" sabi ko ramdam kung may nanonood saamin malalakas sila kumapara sa mga to.
? Author Pov. ?
Mas lalong nilakasan ng mga hari't reyna , prinsesa at prinsepe ang barier dahil lumalakas ng lumalakas ang enerhiya neto hanggang sa mapatilapon ang mga royal family at nawasak ang barrier. Agad na nagteleport si Zera sa palasyo at naabutan nya si Levi na nakahiga at duguan dahil sa nakatusok na espada sa katawan nya. Nagulat at nagalit ng husto si Zera dahil sa kanyang nasaksihan. Agad nya itong nilapitan at pinatong ang ulo ni Levi sa lap nya at tinapik tapik ang mukha upang magising ito.
"Levi, andito na si ate gising na bunso" sabi nito at kasabay ang mga nagbabadyang mga luha nito na puno ng mga pasakit at pag sisisi sa kanyang sarili.
"A-te wag mu-munang dumihan ang iyong mga kamay" nahihirapang sabi ni Levi at nawalan nanga ito ng buhay.
"Levi? Levi? Gising! Hoy bunso!!!" pag papagising nya dito ngunit bigo sya
"Wag kang mag alala at sorry pipilitin ni ate na tuparin ang sinabi mo na di madumihan ang mga kamay ni ate" iyak nyang sabi at niyakap ang walang buhay na bangkay ni Levi.
Napapikit ng mariin si Zera dahil sa naulit na naman ang mga naranasan nya sa kabilang mundo o mundo nila. Mas lalong nadagdagan ang mga pasakit na kanyang dinaramdam.
Dahil sa pasakit,galit at kalungkutan ng prinsesa Zera ay unti unting umulan ng napakalakas at kumikidlat kasabay nadun ang malakas na hangin at pag lindol na tila'y sinasabayan ang pag dadalamhati ng prinsesa Zera.
"Ahhhhh ahhhhh" iyak nyang sigaw dahil saglit nya lang ito nakasama.
'sana di ako umalis, edi sana andito kapa ngayun patawarin mo ko kapatid ko' nasa isip ni Zera.
? Author Pov. ?
"Dahil sa ginawa mo prinsesa Zera, ang pagsira sa kaarawan ng mahal na empress ay mapaparusahan kang maging isang dama habang buhay" sabi ng taga hatol
Nag tipontipon ang lahat ng royals, duke, boron, knights pati narin ang emperor at empress
Nang sabihin ito ng taga hatul may nagulat at may nag sisisinghapan habang si Zera ay tahimik lang at walang paki, iniisip nya na kung di sya umalis baka nandito pa ang mahal nyang kapatid
Dinala na si Zera sa isang kwarto na simple
"Prinsesa Zera mag sisimula na daw ang iyong trabaho mag bihis nadaw po kayu" sabi ng kawal at umalis
Sa palasyo ng empress at emperor si Zera pinagtrabaho
"Miss kana ni ate prinsesa ko" iyak ni Zera wala na sya sa sarili para mapansin ang isang lalakeng naka masid sakanya
'Prinsesa luna moon' sabi ng lalake sa isip at umalis
End of chapter 7.....