Nilagay ko ang mga books sa locker ko uwian na namin kaya nilalagay ko ang mga books dito. Nilock kona ang locker ko pagharap ko napasigaw ako sa gulat.
"AHHHH" Gulat na sabi ko habang nakahawak sa puso mukhang nagulat din ang babae kaya napaurong ito dinuro ko sya .
"Gago ka ba miss? Wag ka nga nanggugulat, Kanina lang wala kapa sa likod ko tapos pag harap ko na sa harapan na kita papatayin mo ako sa gulat eh!" Inis na sabi ko ngumiwi sya .
"S-sorry hindi ko sinasadya na gulatin ka" Nahihiya nyang sabi.
Tinignan ko ang babae maamo ang mukha nya wala syang make'up sa mukha kaya ang simple simple lang nyang tignan. Pero kahit ganun makikita mo parin ang kagandahan sa kanya.
I know this girl kaklase ko sya si Claire Lopez . Hinipan ko ang bangs ko.
"Bakit ba my kailangan ka?" Mukhang nag aalangan pa syang magsalita sakin pero bandang huli mas pinili nyang magsalita.
"Amp kasi ano... Gusto lang sana kitang warningan" Naiilang na sabi nya sabay yuko .
Tinaasan ko sya ng kilay. "About what?" Tanong ko .
Pinaglalaruan naman nya ngayon ang mga daliri nya.
Tss. para syang bata na pinapagalitan.
"A-about blood king's kasi, Ano eh.. Layuan mo sila" Sabi nya at tumingin sa mga mata ko.
Napa smirk ako. "Don't tell me isa ka rin sa mga fans ng blood king's kasi kung oo pwede ka ng umalis bago pa kita masipa sa mukha" Sabi ko at tumalikod na sa kanya pero hindi pa ako nakakalakad ng hawakan nya ang braso ko tinignan ko sya ng masama pero hindi sya nagpatinag.
"Hindi mo kilala ang blood king's hindi mo alam kung ano ang kaya nilang gawin sayo.. Kinakatakutan sila dito sa school grabi sila---"
"SHUT. UP." Madiin na sabi ko sabay tanggal ng kamay nya .
"Hindi mo ako kailangan pagsabihan kung ano ang dapat kong gawin at higit sa lahat HINDI AKO NATATAKOT SA KANILA KAHIT SINO PA SILA... KAHIT ANAK PA SILA NI KAMATAYAN" Pagkatapos kong sabihin yun ay umalis na ako .
Bakit ano ba tingin nya sakin duwag? tingin nya hindi ko kayang makipag away? Bwesit.
Saktong paglabas ko ng gate nandon na ang kotse ni daddy sinusundo kasi ako ni daddy .
"Hi dad" Walang gana kong sabi sa kanya lumingon sya sakin.
"Are you okay princess? You don't like okay"
"I'm perfectly fine dad. Anong gusto mong gawin ko mag tinambling dito sa kotse mo?" Tinignan nya ako ng masama pero nag peace sign lang ako.
Tumingin ako sa labas ng bintana my napansin akong maliit na eskinita na medyo malayo sa school .
Ano kaya yun?
Hindi ko alam pero biglang nabuhay ang interest ko sa eskinita na yun .
***