COLEEN'S POV
"May gagawin tayong project, Coleen." Bungad sa'kin ni Aleah.
Naka talikod ako sa kanya dahil abala ako sa pag aayos ng gamit ko. Bahagya akong aligaga dahil sa pag mamadali, dahil may hinahabol akong oras.
"Mag dahan-dahan ka nga." Asik nito ng mahulog sa sahig ang mga libro ko.
Tipid akong ngumiti at humarap sa kanya para kunin iyon, maya-maya lang ay tinitigan niya ako kaya nagtaka naman ako.
"May babayaran din, para sa project." Dugtong niya.
Kaagad na bumagal ang galaw ko nang marinig ko ang sinabi niya. Kung minsan ay gusto ko nalang huminto sa pag aaral dahil sa dami ng bayarin. Kung naging matalino lang sana ako ay nag apply na ako ng scholarship, pero hindi talaga kaya ng utak ko.
"K-kung okay lang sayo ay ako na muna ang mag babayad, kahit pa unti-unti mo nalang ibalik sak--
"Wag na, may utang pa ako sayo." Pag putol ko sa kanya at agad siyang nilagpasan.
"Bakit ba kase ganito ang buhay ko, ibang-iba sa mga estudyanteng nasa paaralang ito."
Dire-diretsyo lang akong nag lakad at hindi lumingon-lingon sa kahit sinong estudyante na nasa quadrangle. Hanggang sa makalabas ako ng gate ay seryoso lang ako at agad na pumara ng tricycle.
Agad naman akong sumakay ng may huminto sa harapan ko at agad na ibinigay ang lokasyon ko.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa bakeshop kung saan ako namamasukan bilang isang part-timer. Agad akong nag bayad at bumaba pagkatapos ay patakbong pumasok sa loob.
"Oh nandito kana pala, QL." Pag salubong sa'kin ni Manang ester.
Ang may-ari ng bakeshop. Dati siyang tindera sa canteen ng paaralang pina-pasukan ko naging magka sundo kami kaya noong huminto siya sa oag titinda doon at nag bukas ng bakery ay nag apply ako sa kanya.
"Pasensya na po, medyo natagalan ako." Pag hingi ko ng paumanhin.
Ngumiti lang ito at kinuha ang bag ko at inilagay sa kanyang lamesa.
"Ayos lang, naiintindihan ko naman. At isa pa nandito pa naman si Tricia kaya ayos lang." Sagot niya sa'kin.
Sobrang pasasalamat ko talaga at mabait si manang ester at ang ibang nag ta-trabaho dito sa bakery. Ako na nga itong nahihiya dahil kahit late ako ay hindi pa din binabawasan iyong sina-sahod niya sa'kin.
"Mauna na ako ah?" Maya-mayang paalam ni Tricia sa'kin.
Lumingon ako sa kanya at ginawaran siya ng magiliw na ngiti. "Ingat." Paalala ko sa kanya.
Naging swabe naman ang takbo ng pananatili ko sa bakery, hindi ganon ka daming tao kaya naisipan kong tulungan nalang si manong rick sa pag b-bake at pag de-design ng cake.
"Naku, kapag nakapag ipon at nakapag tapos kana ay mag tayo ka ng sarili mong bakery." Biglang saad nito sa'kin.
Agad akong nag angat ng tingin kay manong at kitang-kita ko kung paano ito mamangha habang nakatingin sa cake na kakatapos ko lang magawan ng design.
"Talago po?" Masayang tanong ko.
Mas lalong lumawak ang kanyang ngiti at nag thumbs up sa'kin. Ilang minuto pa ay pumasok si manang Ester at dumiretsyo sa tabi ko.
"Ang ganda nga. Pakiramdam ko ay ito talaga ang talento mo, QL. Dapat ay kumuha ka ng kursong culinary kapag nasa kolehiyo kana." Masayang aniya.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko, dahil alam ko sa sarili ko na malabo iyon lalo pa at walang sumu-suporta sa'kin sa pag aaral ko, kundi sarili ko lang.
Hindi na ako nag salita at patuloy na lamang sa pag aalalay kay manong rick sa pag luluto ng mga tinapay.
"Kumusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong ni manong rick, habang nag ti-timpla ng kape.
"Okay lang naman po. Mahirap lalo na'to hindi ako matalino." Sagot ko at mahinang tumawa.
Maging siya ay natawa din sa sinabi ko, Kase totoo naman talaga. Kahit pa panay aral ako ay hirap na hirap pa rin ako, pero kinakaya ko naman.
"Ga-graduate kana sa highschool sa susunod na buwan. Anong balak mo?" Muling tanong nito.
Napa-isip ako bigla, dahil hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko pagka graduate ko. Kung mag ta-trabaho ba muna ako o mag aaral pa rin.
"Hindi ko pa po alam. May naipon naman po ako, pero hindi pa iyon sapat para makapag enroll ako sa college." Aminadong sagot ko.
Narinig ko ang tunog ng pag lapag niyo ng tasang gamit niya sa lamesa, maging ang malamig na pag buntong hininga nito ay hindi naka ligtas sa pandinig ko.
"Paano ka kasi makakapag-ipon nyan, kung ang kapatid mong lalaki ay sayo pa din umaasa. At hindi ka din naman tuma-tanggi, matuto kang tumanggi, QL. Hindi pwedeng sa lahat ng oras at panay ka bigay ng tulong." Pangangaral nito sa'kin.
Napa tango nalang ako, dahil tama din naman iyon. Ako nga ay nag sisikap para makapag patuloy, samantalang iyong mga kapatid ko ay tamang tambay lang at parang walang pangarap sa buhay.
Pero dahil nga sa kadahilanang kapatid ko sila ay nahihirapan akong tumanggi sa kanila. Kahit ayaw ko ay nag bibigay pa rin ako, kasi nga KAPATID AT PAMILYA KO SILA.
"Alas dyes na ng gabi, umuwi kana at iwanan ko nalang yan d'yan." Biglang bulalas ni manong rick.
Agad naman akong bumalik sa ulirat at nilingon ito. Huminto ang mga mata ko sa hawak nitong paper bag. At maya-maya lang ay inabot niya iyon sa'kin.
"Alam kong paborito mo iyong custard cake, kaya tinabihan kita." Nakangiting saad nito sa'kin.
Nakangiti akong inabot iyon at pagkatapos ay hinubad ang suot kong hairnet at apron. At agad na kinuha iyong uniform ko at nag lakad papalapit kay manang ester. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay sumalubong na iyo sa'kin at agad na kinuha ang kamay ko at inilagay doon ang pera.
"Sobra naman po iyong sinahod niyo sa'kin. Nakakahiya na po." Nahihiyang saad ko at pilit na ibinabalik ang perang ibinigay niya sa'kin.
Umiling lang ito at sinenyasan akong huwag ng umangal.
"Kailangan mo yan. Alam kong may bayarin kayo ngayon, lalo na at graduating kana." Saad niya.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sariling umiyak, dahil nag simula na akong maging emosyonal. Si manang ester na mismo ang kumuha ng bag ko at isinukbit ito sa likuran ko, pagkatapos ay hinila niya ako palabas ng bakeshop at siya na ang pumara ng tricycle.
"Pagkarating mo sa bahay niyo ay mag pahinga kana kaagad. Walang problema sa'kin kung matatagalan Kang pumunta dito, hindi ko babawasan ang sahod mo." Nakangiting aniya at kinurot ang kaliwang pisnge ko.
Napa nguso naman ako at kaagad na sumakay sa tricycle. Agad naman itong pina-andar ng driver.
FAST FORWARD....
"Nandito na po ako." Mahinang saad ko habang papasok ako sa loob ng bahay.
Ganun nalang ang gulat ko ng makita kong nag kalat ang mga gamit sa sala, may mga na basag na gamit at agad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang alkansya kong nakabukas.
Agad na nanginig ang buong katawan ko at patakbong lumapit doon. Nag simulang manubig ang magka bilang mata ko nang mapagtanto kong wala ng laman iyon.
Nawala lahat ng inipon ko...
"Wala na... KINUHA NA NG TARANTADO MONG AMA!" Boses iyon ni mama.
Nang lumingon ako sa kanya ay magulo ang buhok niya at may pasa ang gilid ng labi niya. Mabilis kong ikinuyom ang kamao ko at malalaki ang hakbang na ginawa ko para lapitan ang aking ina.
"Pagkatapos niyang kunin lahat ng pera dito sa bahay ay agad na pumunta sa babae niya. NAPAKA WALANGHIYA, MAG SAMA SILANG DALAWA SA IMPY*RNO NG BABAENG YUN!" Malakas na sigaw nito.
At ilang segundo lang ay narinig ko na ang mahinang pag hagulgul nito. Agad kong niyakap si mama at hindi ko na din napigilang maiyak habang pina-pakinggan ang kanyang hagulgul.
"P-patawarin mo ako, c-coleen. W-wala.... W-wala akong magawa para sa'yo bilang nanay mo. W-wala akong kwentang i-ina..." Umiiyak pa ring saad niya.
Mas lalo Kong hinigpitan ang pag yakap ko kay mama, habang tahimik na umiiyak.
Ayaw kong ipakita sa kanya ang kahinaan ko, dahil alam kong ako lang ang sina-sandalan niya sa mga oras na ito.
TO BE CONTINUE