Hindi ako bumalik sa mala-palasyo niyang tahanan. Sa condo ko ako umuwi. Namiss ko rin ang matulog dito sa kama ko. Panay ang ilaw ng cellphone ko pero hindi ako nag-aabalang hawakan ito. It's either Giovan or Bradley dahil wala naman akong inaasahan na mag aabalang bigyan ako ng mensahe. Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ang mga mata pero hindi rin naman ako makatulog dahil sa ingay ng ringtone ng cp ko. "Argh!" napilitan akong kunin iyon and it was Raymond naman pala. Nagtaka ako. Si Raymond tatawag sa akin dis oras ng gabi? Bakit naman kaya? Sinagot ko ang tawag at tinanong ko agad kung bakit pero walang nagsasalita. "Raymond? Kung trip na naman to, ibababa ko na 'to!" Inis kong sabi pero nananatiling tahimik ang kabilang linya. Naka-loudspeaker ako ngunit tanging kaluskos lan

