Madilim at tahimik ang paligid. Nakakaramdam na ako ng uhaw at panunuyot ng lalamunan. Nagugutom na rin ako pero balak yata nilang patayin ako sa gutom dahil sa tingin ko ay wala silang balak na pakainin man lang ako o painumin ng tubig. Masakit na rin ang pulsuhan ko dahil hanggang ngayon ay nakataas pa rin ito at nakatali. Kanina pa nag-vi-vibrate ang phone ko pero wala naman akong magawa para hawakan ito. Sinisikap kong ilusot ang kamay ko sa posas na nakalagay sa kamay ko. Baka sakaling magkasya kaya lang ay lalo lang kumikirot dshil may gasgas at sugat na rin ito. Napapangiwi akong lalo habang pinipilit kong pagkasyahin ang maliit kong kamay. Nakakaramdam na ako ng panghihina pero hindi ako pwedeng sumuko at hindi rin ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Kung kinakailangan kong putulin

