GIOVAN'S POV "Welcome back, Sir Giovan!" si Jazz na nakaantabay na agad sa pagbaba ko sa aking Limousine. Kinuha niya agad ang attachecase na dala ko at bahagyang yumuko sa akin bilang paggalang. Kakauwi ko lang galing sa Singapore. Inasikaso ko roon ang ilan sa mga negosyo ko. At habang wala ako ay si Jazz muna ang pinag-asikaso ko ng aking naiwang trabaho. She send the papers to me through laptop. "Jazz, kung may gustong kumausap sa akin. Sabihin mo bawal akong istorbohin." "P-pero, Sir!" "No buts! Pagod ako. Isa pa, gusto ko rin na tapusin muna ang ilan sa mga papeles na hindi ko masyadong na-check nung mga nakaraang araw." "O-okay, Sir." yumuko si Jazz sa akin at pagkatapos ay lumabas na sa aking opisina. Nakakapagod at sa tingin ko ay may jetlag pa ako. Isinandal ko ang

