Tila sinadya nilang dedmahin ang naganap, parang wala lang , normal lamang ang kanilang mga galawan habang sila ay kumakain hanggang sa paghahanda nila sa paguwi. Kung may naaasiwa man o naiilang, walang nagpapahalata. Walang nagsasalita kahit pabiro man lamang tungkol sa nangyari. Kaya naiwan sa ere ang isang katanungang naglalaro sa kanilang mga isipan. Mauulit ba ito.? ------------------ Convoy sila habang pauwi ng Manila. Nasa unahan ang Fortuner ni Mike, Nakabuntot naman ang Montero ni Jay. Malayo na rin ang tinatakbo ng kanilang sasakyan ng basagin ni Mike ang katahimikang namamagitan sa kanila ni Tanya. "Are you okay?" Pinisil niya ang kamay ng asawa. "Oo naman. Bakit?" Sagot ni Tanya, kahit pa alam na naman niya ang kahulugan ng tanong ng asawa. "Any regrets?" Hindi agad

