Sa Ilocos Sur at Norte, matapos ang overnight stay sa Pagudpud, pinasyalan niya ang mga windmills at mga natural rock formation na tunay namang kahanga-hanga. Ang paghampas ng alon sa dalampasigan, Ang matandang lighthouse sa burol.
Enjoy din siya sa sa mga lumang bahay at simbahan. Lalo na sa Vigan. Para siyang nabuhay at namamasyal sa ibang panahon,
Napakaganda ng Ilocos,
Pero pagdating ng gabi, sa kanyang hotel. Madalas sumagi sa kanyang isip si Tuesday.. Binuhay ni Vida ang .ala-ala ng nakaraan na akala niya ay ganap na niyang nakalimutan.
Panghihinayang at matinding kurot sa konsensya ang ang dulot nito sa kanya.
-------------------------------
Panghihinayang
Matapos siyang ibaba ni Tuesday sa sakayan ng mga jeep pauwi sa inuupahan niyang maliit na kwarto, ay nagpasya siyang maglakad-lakad muna. Para kasi siyang sasabog sa sobrang saya. Tila isa siyang baliw na nakangiti sa sarile. Ramdam niya ang pagkagiliw ni Tuesday sa kanya. Gusto siyang makasama sa birthday party nito...at .ang lambot, ang init ng kamay ng hawakan nito ang kanyang kamay.
Talagang sinadya niyang iwasan nuon si Tuesday pagkatapos ng kanilang stage play. Ramdam niya kasing nahuhulog na siya ng husto sa dalaga. Kalokohan lamang na umasa ang isang katulad niya.
Pilit na pinapatay ang damdamin..binuhos na lang sa pagaaral at trabaho ang isip at panahon.
Hanggang salubungin siya ni Tuesday paglabas niya ng office. Nagyaya itong mag dinner.
Bahala na ! Sa birthday niya, sasabihin ko na sa kanya ang tunay kong damdamin.
Pero, makalipas lang ang dalawang araw, kumalat na balita tungkol sa ama ni Tuesday.
----------------------------
Konsensya
Hanggang ngayon nagtatalo ang kanyan isip kung ano ang tunay na dahilan at hindi siya nakapunta sa burol ng ama ni Tuesday.
Dahil ba may sakit niya nuong panahon na yun,..or ginamit niya lang itong dahilan kasi ay naduwag siyang magpakita at hindi alam kung ano ang gagawin. Maraming tao, puro mga may sinasabing mga personalidad. Nakimi siya..natakot.?
Pero, ng hindi na bumalik pa sa school si Tuesday. Lakas-loob na pinunthan niya ito sa kanilang bahay.
Wala ng Tuesday na nakitira duon.
Hindi na muli silang nagkita pa.
-----------------------------------
Lumipas ang isang linggo. Nag Email ang agency ni Jake sa Canada at sinabing ayos na ang gusot duon, Nagpasya siyang magextend ng kanyang bakasyon.
Umaga. Sa dating hotel ni Jake sa Quezon City.
"Ano bro, lakad tayo mamya, kasama na talaga ako. Out of town si misis kasama ang anak namin. Im free bro. Treat ko na talaga at hindi ako papayag na ikaw ang magbayad tulad ng ginawa mo kay Vida."
"Hindi ako puwede bro, busy ako ...business to bro."
"s**t sayang, hindi bale solo flight na lang ako kung ganun. Sige bro, ingat"
Matapos ito, Parang nagisip muna ng matagal si Jake bago tumawag. Pagkatapos, nag text din,
----------------------------
Sa condo ni Tuesday.
Masakit ang ulo dahil sa hangover. Nag bar sila ni Jessie kagabi at umaga na ng umuwi. Bumangon lang siya para umihi sa banyo. Sinabayan na ng shower para medyo gumaan ang pakiramdam.
Pagbalik sa kama, tiyempong tumunog ang kanyang phone.
Isang message , may miss call din..Galing kay Jake (alyas Tyron)
"Would you like to accompany me to Boracay, 2 nights, 3 days,, Call me to confirm.
Hindi na siya nakatulog muli. Malalim ang iniisip.
------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter Three
Sa Boracay.
Bago pa pumayag si Tuesday na mag escort kay Jake sa Boracay, ay buo na ang pasya niya na yun na ang huling pagakataon na sasama siya dito. Kaya nasip niyang sulitin ang bawat oras na makasama ang tanging lalaking nagpahalaga sa kanya....nuon.
Kaya masaya siya at enjoy kahit pai ilang beses na siyang nakapunta sa Bora. Umaga, pagkatapos ng breakfast sa hotel ay naglakad-lakad muna a sa tabing tagat, bago maliligo dun. Pagkatapos ay naglibot sila sa paligid. Para na rin kay Jake na gustong obserbahan ang lahat ng aspeto hinggil sa turismo para sa kanyang travel agency. Pagsapit ng gabi. Inuman at showtime.
Lagpas hatinggabi na pag sila ay bumabalik sa kanilang kwarto.
Tulad ng unang gabi, parang naiilang si Tuesday sa ganitong pagkakataon
Never niya itong naramdaman sa kanyang mga naging kliyente. Wala siyang kiyeme. Trabaho lang.
Pero bakit parang siyang naiilang kay Jake. Pakiramdam niya ay para siyang dalagang ngayon lang maikipagtalik sa lalaki.
Tulad ng kanilang unang gabi nila, maliligo muna siya. Matagal siya sa banyo.
Nakapanty lamang paglabas.
Agad siyang tatabi kay Jake sa ilalim ng comforter. Yayakapin niya ito. Maghihintay.
Pero katulad ng mga unang gabe, yayakapin lang din siya ni Jake .
"Good night, sleep well. Maaga tayo bukas." Pagkasabi nito ay tatalikuran siya. Saglit lang at tulog na ito.
Pinili naman ni Tuesday na magpaiwan sa hotel room pag may official business na lakad si Jake.
Binabalikan na lang siya ni Jake para mag lunch or dinner depende kung kailan matatapos ang mga meetings nito.
Isang umaga , habang nagtatampisaw siya sa dagat, nang wala sa loob, ay napatingin siya kay Jake. Bigla siyang na-conscious dahil walang kurap palang nakakatitig ito sa kanya. Nakaupo lamang ito sa buhangin.
Kahit sino namang lalake ay talagang mapapatingin kay Tuesday. Napakaganda at seksi niya sa red bikini at bra..
At hindi ito ligid kay Jake.
Malalim ang iniisip habang nakatingin kay Tuesday.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya ito isinama dito sa Bora. Libog? Ni hindi nga sila nagtatalik mula ng dumating tatlong araw na ang nakakaraan. Pero wala siyang reklamo, masaya siya na kasama ito. Matalinong kausap, may humor at street smart. Siguro nga ay dahil sa pagiging escort girl nito. Pero hindi, mukha kasing natural ang personalidad niya, hindi praktisado.
Nabasag ang muni-muni niya ng magsalita si Tuesday.
Hailka na maligo ka na. Ayaw mo ba akong kasama dito. Mapanuksong anyaya nito.
Tumayo siya patungo sa tubig.
----------------------
May problema ba sa akin? Tanong ni Tuesday sa kalagitnaan ng lunch.
"Ha bakit?" Nabigla si Jake.
"Wala naman, nai-insecure lang ang beauty ko." Nagingiting sagot
Nagtatanong naman ang mga mata ni Jake.
"Bakit mo ba ko sinama dito? We haven't even f****d since we got here" Mata sa mata ang tingin ni Tuesday. Sa wakas, nailabas na niya ang katanungang bumabagabag sa kanya.
Hindi makapagsalita si Jake.
Awkward moment
"Ha ha , Wala lang naitanong ko lang, baka kasi akalain mong may discount ang escort fee ko kung walang s*x" Dinaan na lang ni Tuesday sa biro.
""Ha ha ha , Ganun ba, hamo, babawi ako mamaya, tutal last night na natin . Humanda ka"
Hindi tiyak ni Tuesday kung nagbibiro lang din si Jake.
-------------------------------
Sa isang bar, ..huling gabi nila sa isla.
Nuong una ay superficial lang ang kanilang conversation, kung ano-ano lang. Nang lumaon, habang napaparame ang naiinom ay lumalalim ang usapan..nagiging personal.
"Have you been long sa trabahong ito. " Bungad ni Jake.
"Hmmm, mga ilang taon na rin naman."
"Me anak ka na ba, asawa, partner?" Sunod sunod ang tanong ni lalake.
Napatingin tuloy sa kanya si Vida.
"Oh, sorry, its okay kung ayaw mong sagutin"
"Ok lang, wala akong anak, partner? Marami, iba-ibang lahi, edad, itsura, hahahaha" Hungkag ang tawa ni Tuesday.
Nakatingin lamang sa kanya si Jake.
"Seriously, dati meron, wala sa ngayon. Bakit? "
"Wala naman, naitanong ko lang, kasi maganda ka, mukhang may pinagaralan, matalino at halatang galing sa magandang pamilya."
"Well, may kanya-kanya tayong kapalaran" Sabay kibit-balikat.
"Ikaw bakit ka pumapatol sa mga katulad ko" Ganti niyang tanong.
"Hah, eh..would you believe, first time ko lng ito. Siguro, curious lang" Muntik na niyang masabe ang tutoo.
"And now, I hope are you not disappointed" Malandi ang tinig ni Tuesday.
Matagal nitong pinagmasdan si Tuesday bago sumagot.
"No, no, not in any way. You have been a very...... good companion to me." Seryosong n itong salita.
"I should be, its my job"
Akward moment again.
Napayuko si Jake sa sinabe ni Tuesday. Medto nasakatan. Well, what should I expect? Trabaho nga lang ang lahat. Nasabi niya sa sarile.
Napayuko rin si Tuesday. Parang nabigla sa sinabe.
Hindi nila tuloy namalayan ang paglapit sa kanilang mesa ang isang matabang lalake. Sa likod nito ay ang apat pang kasama.
"Tuesday, it's a small world. Hello b***h" Halatang lasing na ito sa kilos at pananalita.
Bago pa naka-rcover si Tuesday sa pagkabigla ay mahigpit na siyang hawak sa braso ng lalake at pilit na hinihila patayo.
"Hayup ka, let me go . Reggie" Pilit siyang kumakawala pero malakas ang lalake.
Tumayo si Jake at hinarap ang lalake, at sa kalmadong tinig sinabe sa lalaki na bitiwan nito si Tuesday.
"Bro, kung ano man ang problema mo, magusap kayo ng maayos. Nasasaktan ang kasama ko"
"Tang mo ka, huwag kang makialam dito, baka ikaw pa ang mapagbuntunan ko. Asawa ko yang putang yan." Sabay hatak ng malakas kay Tuesday na nuoy napatayo na.
"Araaaay" Sigaw ni Tuesday sa sakit ng halos mapilipit na ang kanyang braso.
Dito na kumilos si Jake.
Agad naman siyang inundayan ng suntok ng lalake. Pero, parang walang anuman na naiwasan ito ni Jake. Ganun din ang nangyari sa mga sumunod pa nitong mga suntok.
Sa puntong ito, kumilos na ang apat na kasama nito upang pagtulungang bugbugin si Jake.
Napakabilis ng sumunod na pangyayari. Parang eksena sa isang action movie.
Hindi nalaman ng mga lalake kung ano ang tumama sa kanila, kung papaano ang nangyari at natagpuang na lang nila ang mga sarile sa lapag. Hilo at masakit ang katawan.
Kung alam lamang nila na ang lalakeng balak nilang bugbugin ay isang expert sa "krav Maga", isang self defense system developed by the Israeli security at defense forces. Kumbinasyon ito ng boxing, wrestling, Muay Thai, Jiu Jitsu, Aikido, Judo, and Savate, along with realistic fight training, meaning gumagamit din ito ng whatever is available sa paligid mo na puwedeng maging weapon sa real life situation.
Napanganga na lang si Tuesday. Manghang-mangha sa nakita. Hindi makapaniwala.
Ganun din ang mga tao sa paligid.
Madali namang nailabas ng security ang limang lasing.
Pero nagsisigaw at nagmumura pa rin ang lalaki habang hinihilang palabas ng security personnel ng hotel.
"Tang na kang puta ka Tuesday, hind pa tayo tapos. Ikaw din hayup ka, babalikan kita. You will regret it. Makikilala mo kung sino ako". Galit na dinuduro nito si Jake.
"Are you okay." Mahinahong nilapitan ni Jake si Tuesday at inalalayang maupo sa silya.
Napansin niya ang pamumutla nito. Ang bahagyang panginginig ng katawan
"Come lets go to our room"
"No, lets drink some more, " Tutol ni Tuesday. Namumuo ang luha sa mga mata.
"In our room, Okay?" Mahinang tugon ni Jake.
Tumango lang si Tuesday.
-------------------------------------------