Chapter Nineteen

738 Words
Karaawan ni Domeng. Kay bilis ng panahon, Limang taon na agad ang nakalipas mula ng siya ay nagretiro. . Maaga siyang bumangon kesa dati. Masisimba siya pagkatapos mag jogging pagkatapos ay siya pupunta sa mall. Katulad ng dati. Magisa. Halos tatlong taon na kasi mula ng umalis si Cynthia sa bahay. Pagkagaling sa simbahan, tumuloy siya sa mall. Duon na siya maglulunch sa paborito niyang magandang restaurant. Kaarawan niya ngayon, kaya espesyal ang pagkain na gusto niya. Bago kumain nadasal muna para magpasalamat. Pagkatapos, dalawang taimim na panalangin na madalas niyang sambitin. Isa para kay Resty na sana ay matagpuan na ng anak ang tamang babae para sa kanya, At sana ay mapatawad siya ng Langit sa malaking kasalanan na dadalhin niya hanggang kamatayan, Ang pangalawa ay para kay Cynthia. Nawa ay naging maayos at tahimik na ang buhay ng manugang. "Kamusta na kaya siya? Madalas niya itong maitanong sa kanyang sarili. ----------------------------------------- .Kauumpisa pa lamang niyang kumain ng may biglang yumakap sa kanya mula sa likuran. "Happy birthday tay,. Sabi ko na nga ba dito ko kayo makikita eh" Sabay halik sa pisngi ni Domeng. Hindi niya halos nakilala ang manugang. Ang bango, ang ganda ni Cynthia. Ang seksi. Ibang-iba sa dati nitong ayos at kilos. Saka pa lang niya napansin ang kasama nitong lalake. Halos kasingedad ito ni Cynthia. Makisig at matipuno ang katawan...halatang nagbababad sa gym. "Tay si Tyron, boyfriend ko." Tumayo si Domeng para kamayan ang binata, "kamusta po kayo" Mahigpit ang pakikipagkamay; Gusto ito ni Domeng. Ang mga lalakeng mahigpit makipagmakay ay sinsero at mahusay makitungo sa tao. Hindi mahiyain at torpe.. "Come on join me. Order na lang kayo kung anong gusto ninyo." "Talagang sasamahan ka namin tay. Kaya nga kami nagpunta dito. Galing kami sa bahay ninyo tay, surprise sana. Mabuti na lang at naisip ko na dito tayo,...kayo nagcecelebrate kapag birthday ninyo. " Habang kumakain, panay ang kwento ni Cynthia. Iba na ang manugang, May tiwala na sa sarile. Mukhang masaya at kontento sa estado ng kanyang buhay. Nasabi nitong pupunta sila ni Tyron sa Abu Dhabi para magtrabaho. . Sa isang linggo na ang kanilang alis. Isang gym instructor si Tyron. Siya naman daw ay isang certified aerobics/fitness instructress. "Naku tay, kung alam ninyo lng ang hirap ng pinagdaanan ko bago ko nakarating ang posisyong ito. Mula sa pagjogging at walking tuwing umaga, Naenganyo ang ibang kababaihang kapitbahay na sumama. Di nagtagal , pati na ang ibang mga kalalakihan. Hanggang naisipan niyang magturo ng aerobics. Lakas loob. Ginamit niya ang mga naobserbahan noong naggy-gym pa sila ni Domeng. Nagpundar siya ng soundsystem. Sa una ay libre. Nang marami ng sumasali at naadik na sa aerobics, saka siya nagumpisang maningil. Una kinse pesos lamang. Pero umaabot na trenta hanggang kwarenta ang mga sumasali. Tatlong beses isang Linggo ang session nila. Dahil likas na seksi, at mahusay gumalaw at napakagandang pagmasdan ni Cynthia , Kaya pati sa karatig subdibisyon ay naimbitahan na siyang magturo......50 pesos na kada tao ang bayad. . Umaga at gabi ang kanyang mga session. Masusi niyang pinagaaralan ang dapat na kilos at sayaw na angkop sa modernong mga tugtog. Kaya naman patuloy ang pagdami ng mga umaatend sa kanyang mga sessions. Nang inakala niyang sapat na ang kanyang experience, kumuha ng certification. Mula sa lugar ng mga mahihihirap. Tumaas ang level ni Cynthia. Sa gym sa mga mall at mga subdivision na siya nagtuturo, Sa gym niya nakilala si Tyron. Alam nitong hiwalay siya sa asawa.. Nang may nagrecruit sa kanila para magpunta sa Abu Dhabi, agad nila itong tinanggap para makaipon.. Nabanggit din ni Cynthia na maayos na ang inang si Ligaya. Pinagtayo niya ng ito ng tindahan at karinderya para may pagkakitaan at malibang na rin..May isa itong katulong. Hindi maalis ang tingin ni Domeng sa manugang habang nakukwento. Labis ang paghanga niya sa malaking pagbabago sa buhay nito. "Masayang masaya ako para sayo. Im very proud of you " Maluha-luhang sambit ni Domeng. Matapos ang madaliang pagkain, agad nagpaalam na ang dalawa. "Mauna na kami tay, marami pa kaming dapat gawin.." Paalam ni Cynthia matapos humalik at muling bumati sa biyenan. Matagal ng nakaalis sina Cynthia ay tulala pa rin si Domeng. Parang panaginip lang sa bilis ang nangyari...biglang binago nito ang kanyang mga ala-ala. Mayamaya ay biglang napangiti. Masayang ngiti para sa kasagutan ng isa sa dalawa niyang panalangin. Maayos na ang buhay ni Cynthia, Wala na siyang dapat pang alalalahanin. ------------------------------------ tataposin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD