Si Domeng.
Lumaki siya sa simbahan sa Bulacan. Pinag-aral siya ng mga pari dahil hind kaya ng kanyang lola na isa lamang tinder ng gukay sa palengke. Nagiisa siyang anak at maagang naulila sa mga magulang.
Malaki ang impluwensiya ng simbahan kay Domeng. Natural lamang na naisipan niyang magpare.
Tapos na siya ng kolehiyo at ilang taon na lamang upang ganap siyang maging pare, ng napilitan siyang lumabas sa seminaryo. Binigyan siya ng isang taon na "leave" Walang kasing magaalaga sa kanyang lola na nuon ay may kanser sa matris.
Pero hindi na siya bumalik sa seminaryo kahit pa namatay na ang kanyang lola.
May trabaho na kasi siya sa isang sangay ng pamahalaan.....sa tulong na rin ng mg simbahan. Matalino at masipag si Domeng. Disiplinado at hinulma sa kagandahang asal ng simbahan.
Kaya naging mabilis ang kanyang pagasenso kahit pa gobyerno ito. Naging Admin officer siya. Dito na rin niya nakilala si Ligaya. Trentay dos na siya ng magpakasal sila. Mabait si Ligaya, mahinhin sa kilos at pananalita. Maasikaso at mapagmahal. Ulirang asawa. At ina kay Resty.
Nakabili silang isang maliit na bahay sa isang karaniwang subdibisyon. Tama lamang ang dalawang kwarto nito para sa kanila.
Napakalaki nila ng ng maayos si Resty. Iminulat nila sa anak ang malalim ang pananampalataya sa Diyos. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa tao. Napakaswerte ni Resty sa pagkakaroon ng mabuting mga magulang.
Subalit ang maligaya at tahimik nilang pagsasama ay hindi nagtagal. Maagang binawian ng buhay si Ligaya. Nuon pa man ay mahina na ang puso nito. Inatake ito sa bahay isang araw at hindi na umabot pa sa ospital..
Malaki ang pinagbago nito sa buhay ng mag ama. Nawala ang sigla ng dati nilang masayang tahanan.
Ang labis na naapektuhan ay si Resty. Medyo emotionally weak ang anak niya at nahirapang maka-move on.
Pero walang sugat na hindi nahihilom ng panahon.
Nakatapos ng kolehiyo si Resty, nagkatrabaho.. Umibig. Nasawi.
Iniwan ng dalawang taon ng girlfriend. Bumalik ito sa dating boyfriend.
Nung araw na yun, at sa unang pagkakataon, lasing ng umuwi ng bahay si Resty, Lupaypay itong inihatid ng dalawang kaopisina.
Umiiyak. Humahagulgol na parang bata.
Matagal na nawalang gana pang mabuhay. Halos masiraan ng bait. Labis na nagalala si Domeng para sa anak, nangangamba at baka hindi na ito makarekober pa sa depresyon.
Sa tulong na rin ni Domeng, unti-unting bumangon ang anak. Pero inabot ng maraming taon bago ganap na naghilom ang sugat sa puso ni Resty. At sa pangalawang pagkakataon, muli itong umibig . At nagpakasal.
Kay Cynthia.!
Pag-aalinglangan at pangamba.
Ito ang naramdaman ni Domeng ng unang dalhin ni Resty si Cynthia sa bahay.
Pagaalinglangan sa pagkatao ni Cynthia. May kagaspangan ang dalaga sa ayos, kilos at pananalita. Hindi masasabing maganda pero may appeal at pamatay ang magandang hubog ng katawan at legs. . Maputi pero hindi mestisa. Tipong bastusin ang pagkasexy at mukhang may kalandian.!
Pangamba para kay Resty.
Napakabata ni Cynthia . Anim na taon ang tanda ni Resty sa bente anyos na dalaga. Pero mukhang mas matanda si Cynthia kay Resty kung ang pagbabatayan ay ang karanasan sa buhay. Malaki ang agam-agam na baka muling masaktan ang anak.
Pero, nakita niya kung gaanong kasaya ang anak. Kaya pinagdasal na lang niya na sana ay mali ang kanyang kutob at pagkakakilala kay Cynthia.
Pagkalipas lang ng isang taon. Ikinasal sina Resty at Cynthia.
Bumukod ang magasawa. Umupa ng maliit na bahay na malapit sa opisina ni Resty. Walang trabaho si Cynthia. Secong year high school lamang ang inabot nito .
Madalas naman`kapag Linggo at dinadalaw nila si Domeng.
Nang magdisisyon si Resty na mag abroad. Kinausap nito ang ama na kung puwede ay duon muna si Cynthia para may makasama habang sila ay nagiipon ng para sa pangrap nilang bahay.
Dalawang taon ang kontrata ni Resty sa Tanzania, isa sa mga bansa sa Africa na may yumayabong na ekonomiya.
Tamang-tama naman na kare-retire lang nuon ni Domeng.
------------------------------ `
Masipag at masinop sa bahay si Cynthia. Ito lang ang mapupuri niya sa manugang. Maasikaso din sa kanya. Kapuna-puna lamang ang pagiging burara nito at kawalang ingat sa kilos at pananamit.
Maraming pagkakataon na nakikitaan ni Domeng ang manugang , halos luwa na ang buong suso nito sa suot na maluwag na tshirt ni Resty...kita rin ang panty.
Madalas ding may katext at kausap sa cellphone ganung bihira namang tumawag o magtext si Resty sa asawa dahil nga magastos. Nagsimula na rin itong lumabas ng bahay, kasama raw ang mga kaibigan.
Hindi naman ugali ni Domeng ang magtanong. Umuuwi naman kasi si Cynthia bago dumilim.
Hanggang dumating nga ang araw na nadatnana niya sa bahay ang lalaki ng manugang.
----------------------------