Mula nuon ay parang may nag iba na sa pagtingin ni Elisa kay Dodong.
Si Bunso na kasama na nila ni Danny mula ng ito ay dose anyos pa lamang. Ang malaking dahilan upang siya ay magpatuloy sa buhay pagkaraang mapatay si Danny. Si Bunso na pumuno sa kanyang pangangailangan...pisikal at emosyonal. Si bunso na ngayon ay isa ng matipuno at makisig na binata. Mabuting tao. Masikap at may pangarap.
Hindi guwapo pero napakasimpatiko. Ang s*x appeal, makalaglag panti, maka-katas puke, maka-kinig tinggil. Ang pambihirang laki ng pagkalalake nito, ang natural na angking galing sa pakikipagtalik. Mapalad ang babae na makakasama nito sa buhay.
Madalas, pag Linggo, ay naiisingit pa rin nila ang pamamasyal kahit simple lang dahil nagiipon sila para sa pangarap na talyer ni Dodong. Sa ngayon, maayos at masaya ang pagsasama nila ni Bunso sa iisang bubong. Pero hanggang kalian kaya sila ganito? Saan ba patutungo ang ganitong klaseng relasyon?
Alam ni Elisa na darating ang araw na pinangangambahan niya: ang pag alis ni Dodong sa bahay. Bubukod ito at iiwan na siya. Masasaktan siya. Kahit pa inihahanda na niya ang sarile sa pagdating ng araw na iyon. Halos sampung taon ang tanda niya sa binata, kahit mukha siyang bata sa edad na 32.
"Walang iwanan." Ang lagi nilang pangako sa isa't-isa sa maraming panahon na mas madali ang sumuko kasa patuloy na ipaglaban ang kanilang mga pangarap.
"Walang iwanan." Hanggang kalian?
"Elisa,...Elisa, huy, sabe ko andiyan na ang boyfriend mo! Baka malunod ka sa lalim ng iniisip mo ha" Kantiyaw ng floor manager sa natauhang si Elisa.
"Ah, eh sige. Salamat." Tumayo si Elisa mula sa pagkakaupo upang salubungin si Mario.
Nahalata agad ni Elisa na tila may iba sa mukha ng biyudo. Matamlay ang ngiti nito. Bagaman halos gabi-gabi pa rin sa club si Mario, hindi na muling naulit ang kanilang pagtatalik.
Sa isang madilim na sulok, tahimik lang ang dalawa habang umiinom si Mario. Hindi tulad ng dati na makuwento ang biyudo, nakatingin lang ito ngayon sa babaeng hubot hubad na gumigiling sa stage sa saliw ng nakakabinging tugtugin. Ginalang ni Elisa ang pananahimik ni Mario.
Nang hindi na makatiis, lakas loob nagtanong si Elisa.
"May problema ka ba Mario."
"Wala naman Elisa, okay lang ako, magusap tayo mamaya pag labas natin dito." Mahigpit ang hawak ni Mario sa kamay ni Elisa.
May kaba sa ngiti ni Elisa. Balisa. Hindi alam kung bakit.
--------------
Hind rin mapakali si Lumen. Wala sa loob ang pagsasayaw. Walang kagana-gana. Malikot ang mga mata. Huling sayaw na niya ito.
Nang matapos, malungkot na nagbalik si Lumen sa mesa ng customer na agad namang pumulupot sa kanya. Parang octopus na sabay-sabay nilamasang maseselang bahagi ng katawan ng dalaga. Patay-mali lamang si Lumen kahit pa gusto man niyang sipain sa mukha ang lalake. Pero, regular na customer niya ito. Open ang drinks atmalaki mag tip.
Habang naglulumikot ang kamay ng customer sa loob ng bikini at bra ni Lumen, umiikot naman angmga mata ng dalaga sa paligid. Pero wala pa rin ang kanina pa hinahanap. Si Dodong. Sinabe kasi ng binata na pupunta siya ngayong gabi sa club. K aya naghintay si Lumen. Mula opening hindi muna ito nag pa "Table". Pero ng lumalim na ang gabi at wala pa ang binata, napilitan ng kumuha ng customer si Lumen.
-------------------------
Si Dodong. Malungkot na umuwi ito ng bahay. Pagkatapos kasi ng kanyang "show" naisipan niyang sunduin sa club si Elisa. Balak sanang sorpresahin ang hipag. Malaki ang kinita niya sa tip at gustong niya itong i-blowout.
Pero sa bungad pa lamang ng pintuan ay nakasalubong na niya ang floor manager.
"Dodong, kaalis lang ni Ate mo, kasama si Sir Mario."
Inis na umuwi na lang si Dodong. Uminom ng alak habang hinihintay angkanyang Ate.
---------------
"Babalik ako sa Amerika, Elisa." Bungad ni Mario habang sila ay kumakain sa The Aristocrat Restaurant sa Manila.
"kalian.?" Maikling tugon ni Elisa.
"Next week." Hindi inaalis ni Mario ang tingin kay Elisa.
"Babalik ka?" May paga-alala sa tinig ni Elisa.
"Mga ilang buwan siguro ako duon, may kailangan lang akong asikasuhin."
Hindi umimik si Elisa.
Hinawakan ni Mario ang kamay ni Elisa.
"Elisa, gusto kitang isama sa Amerika. Pagbalik ko lalakarin ko ang lahat ng kailangang mong papeles."
"Mario..."
"Kung kakilanganin at kung gugustuhin mo Elisa, pakakasal tayo."
"Pero Mario.."
"Tatapatin kita Elisa, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo ngayon. Ang tiyak ko lang ay gusto kitang makasama sa buhay." Seryosong paliwanag ni Mario.
"Mario, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa iyo"
"Okay, Elisa hindi kita pipiliting mag desisyon ngayon. Pero sana lang pag balik ko, ay nakapagisip ka na."
Masuyong pinisil ni Mario ang palad ni Elisa.
Bago maghiwalay ang dalawa, inabutan ni Mario ng malaki-laking halaga si Elisa. Ipinilit ito ni Mario sa kabila ng matigas na pangtanggi ni Elisa.
"Hindi yan bayad para ka sumama ka akin sa Amerika. Alam kong kailangan mo yan at medyo matagal din akong mawawala. Wala yang kinalaman sa ating usapan." Giit ng biyudo.
Napakabuting tao talaga ni Mario.
Magulo ang isipan ni Elisa ng umuwi ng bahay.