Chapter Twelve

468 Words
Sa club, malungkot na nakaupo sa madalim na sulok si Elisa.. Katatapos lang ng una niyang sayaw. Wala pa rin siyang customer. Magkahalo ang damdamin pag naiisip si Dodong. Malungkot, dahil hindi siya ang kapareha ng binata. Masaya, dahil may pera namang kikitain ito sa show. "Elisa, halika,may request sa iyo sa table 5" Binasag ng floor manager ang katahimikan ni Elisa. Wala sa loob na sumama si Elisa upang ihatid sa customer. Bago pa maipakilala ng floor manager si Elisa ay inunahan na ito ng customer. "Musta na Elisa?" Bati ng customer bago pa man makaupo si Elisa sa tabi nito. "Mario!"Nagulat si Elisa. Natuwa. "kamusta na, milagro at napadpad ka ulit dito?" Si Mario. Retired U.S. Navy, biyudo at walang anak. Pensyonado. Dual citizen, pero mas madalas sa Pinas. Nang minsang napadpad si Mario sa club ni Elisa (maayos at sikat pa noun ang club) "Table" nito si Elisa. Mabait si Mario. Kahit malibog ay hindi naman garapal. Nakagaanan nito ng loob si Elisa. Dumalas ang dalaw sa club. Galante rin si Mario, open sa "drinks". Malaki mag "tip". Dahilan ito upang pumayag si Elisa na magpalamas at magpafinger kay Mario, habang kinakapa niya ang ari nito sa loob ng pantalon. Ito ang unang pagkakataon na pumayag si Elisa sa ganitong gawain mula ng makasal sila ni Danny. Pero ng lumaon, gusto na ni Mario na magsama sila. Ibabahay daw siya. Hindi nagdalawang isip si Elisa ng tanggihan niya ang alok ni Mario. Mahal niya si Danny. Hindi niya ito ipagpapalit kahit kanino. Kahit magkano. Kay niyaya na lang ni Mario si Elisa na maghotel. Kahit paminsan minsan. Mariin ding itong tananggihan ni Elisa. Mula nuon, dumalang ang pagbisita ni Mario sa club. Hanggang tuluyan na itong hindi nagpakita kay Elisa. Nanghihinayan man, ay hindi na bago ang ganito kay Elisa. Sa tinagal-tagal niya sa club, dumadating at umaalis lang ang mga lalaking katulad ni Mario….dumaraan lang sa kanyang buhay. Kaya hindi na inaasahan ni Elisa na makikita pa uli si Mario. Mahigit isang taon na rin kasi ang nakalilipas. Inabot ng closing time si Mario. Marami silang pinagusapan. Nalaman ni Mario na namatay na ang asawa ni Elisa. Naikuwento naman ni Mario na nagtagal siya sa Amerika dahil may inaasikasong maliit na negosyo. Bumaliklang siya para magbakasyon.Nagbakasali lamang na makita pa si Elisa sa club. Pagdating ni Elisa sa bahay. Wala pa si Dodong. -------------------------- Dahil s tuwa ng may ari ng bagong club sa tagumpay ng show nina Dodong at Agnes, humiling ito na magpaiwan muna ang dalawa. Pinakain sila. Pagkatapos pinainom. On the house. Kinausap din sila tungkol sa balak na show sa ibang club na may pagaari din nito. Dahilan ito upang magkausap ng matagal sina Dodong at Agnes. Magkailala ng husto. Magkalapit. Umaga na ng maghiwalay ang dalawa. --------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD