Nangyari ito, isang taon pagkaraang makasal si Jay at Alexa. Sabado yun ng gabi . Sa isang resort sa Tayabas, Quezon. Katatapos lang mag swimming sa pool ng apat . Bago pa ito ay nagiinuman sila sa kwarto nina Mike at Tanya. Kaya naisipang maligo sa pool kung saan ay natural mountain spring ang tubig kaya malamig. Parang mga bata silang naglaro sa pool. Nang hind na nila kinaya ang lamig, nagpasya na silang bumalik sa kwarto para ituloy ang inuman. Nakaupo silang apat sa sahig kung saan nakalatag ang mga bote ng brandy at light beer at sari-saring chips at keso at cold cuts. Tawanan at kwentuhang walang tigil. Hanggang sa lumalim na ang gabi at marami na silang naiinom. Pero hindi sila lasing. Katamtaman lamang dahil likas na malakas uminom ang magkakaibigan. Mataas ang level ng toler

