Chapter 23 Namuhay ng mapayapa si Evajoy sa probinsiya. Ang isang buwan na sinabi ni Atty. Gian na pag-assist at pag-alalay sa kanya sa farm ay umabot na ng isang taon ngayon! Laking pasasalamat talaga ni Evajoy na Hindi umalis ang abogado sa kanyang tabi. Dahil wala talaga siyang alam tungkol sa pagpapatakbo ng farm. Farm ito ng mga mangga! She supplies locally at pati narin internationally ay pinasok na rin niya. At ngayon ay kapapanganak palang niya kay Baby Lance. Three months old palang ito. At hindi pa siya pwedeng magtrabaho. Hindi siya pinayagan ni Atty. Gian at inutusan na mag hire ng manager dahil lumalawak at lumalaki na ang kanyang business. Nagdagdag narin siya ng maraming tauhan dahil marami ang order sa kanyang farm. Aside of Atty. Gian ay kasama niya rin ng isang

