Amara's POV Pinunas ko ang aking mga luha ng marinig ang paliwanag ni Mezy sa akin. Wala naman palang kinalaman si Ethan sa pagbigay ng Passcode. Si mark pala ang nagbigay kasi binantaan siya ni Danica. Lalo pa daw natakot si Mark kasi gustong idamay ni Danica si Mezy at ang kapatid niyang si Abby. Siya lang ba ang may kakayahang mag hire ng mga gangster? Mas powerful ako kaysa sa bruhang yon. Simula bukas ay maghahanap na ako ng mga tauhan just in case na maipit sa kakaibang sitwasyon ang buhay ko. Wala na akong tiwala kay Danica. Pakiramdam ko ay hindi niya lang ako gustong masaktan sa buhay pag-ibig kundi ang mamatay din para sa kanya mapunta ang Kumpanya. Hindi ako papayag na mangyari yon. Ako ang naghirap para malago ang aming Kumpanya, at hindi niya deserve na magkaroon ng mas mat

