"Imposible," aniya habang napailing at nakatingin pa rin kay Kelly. "Maingat kami, isa pa, nagpi-pills ako." Napairap naman si Kelly, "Girl, sa panahon wala nang imposible 'no? ang menopause nga nagbubuntis pa eh, ikaw pa kaya? saka alam mo? kahit ano pang pag-iingat mo, kung uukol, bubukol. Kung majujuntis, majujuntis. Wala nang 100 percent effectiveness ang mga birth control ngayon. Ang pills kapag nakalimutan mo mag-take ng isa, waley na agad effectiveness. Ang condom nabubutas kapag napapalakas ang splok splok. Kaya naku girl.. mukhang natuluyan ka ng boss natin." sabi pa ni Kelly sa kaniya. "Naku, mukhang ikaw ang kailangan ng heart to heart talk eh, ano tuloy tayo mamaya? pa-check up mo na iyan." Tipid na napangiti si Hestia at muling umiling. "Hindi naman siguro. Saka hindi naman

