CHAPTER 1

1113 Words
"YOU can’t join the tournament without a member.” Muling natahimik si Georgette sa sinabi ng ama. Nakaupo ito sa swivel chair habang nanatili naman siyang nakatayo sa harapan nito. Nasa loob sila ng pribado nitong silid at kasalukuyang pinag-uusapan ang tungkol sa nalalapit na kompetisyon. Isang buwan mula ngayon ay gaganapin ang sinasabi nitong kompetisyon. Ito ang tagisan ng lakas ng lahat ng mga gangster upang masungkit ang pinakamataas na puwesto sa lahat—ang maging hari o reyna. Tuwing ika-anim na taon ginaganap ang kompetisyon kaya pinaghahandaan nang husto ng bawat kalahok ang pagdating ng araw na ito. Ang ama ni Georgette na si Race Zaldivar ang kasalukuyang nakaupo bilang hari ng mga gangster. Ikatlong termino na ito ng kanyang ama. Tumatanda na rin ito kaya gusto na siya nitong isali sa kompetisyon nang sa gano’n ay maipagpatuloy niya ang naumpisahan nitong pamumuno. Ngunit nakalagay sa ginawang batas ng kompetisyon na bawal sumali ang isang kalahok na walang sariling miyembro. Dahil oras na manalo ito at makoronahan bilang King, ang mga miyembro naman nito ang kikilalanin bilang mga Alpha na ang kahulugan ay mga nangunguna sa lahat. Ang mga Alpha ang magiging katuwang ng hari sa pamumuno nito sa buong Kingdom. “Tell me about your plans,” sambit ng ama makalipas ang ilang minutong katahimikan. “Papa, gusto ko pong pumunta sa Pilipinas. Na-ikuwento po kasi ni Mama na marami pong mga mabubuting tao ang nakatira roon. Kaya gusto ko po sana na maghanap ng mga miyembro na hindi lamang magaling makipag laban kundi may mga mabubuti rin pong mga puso,” nakangiting sagot ni Georgette. “Kung ’yan ang gusto mo then I’ll support you. Kaya ngayon pa lang ay mag-isip ka na ng magandang dahilan para payagan ka ng Mama mo na umalis. Panigurado na mahihirapan ka na kumbinsihin ‘yon,” sabi ng kanyang ama bago tumayo. Naglakad ito papunta sa kanya. “Talaga bang gusto mong pumunta sa Pilipinas?” muli nitong tanong. “Opo, Papa!” masiglang sagot ni Georgette. “Okay, then I’ll talk to your mother. Let’s make sure na papayag siya,” nakangiti nitong sabi. “Salamat po, Papa,” masayang wika ni Georgette bago niyakap ang ama. KUMATOK ng tatlong beses si Georgette bago binuksan ang pinto ng silid ng kanyang mga magulang. Agad na natigil sa panonood ng paboritong Koreanobela ang kanyang ina nang makita ang pagpasok niya. Ngumiti ito saka siya sinenyasan na lumapit. “Mama, may sasabihin po ako sa inyo.” “Sige, anak. Ano ba ‘yon?” tanong ng kanyang ina at bahagyang sinuklay ang kanyang buhok gamit ang mga daliri nito. “Mama, gusto ko pong pumunta sa Pilipinas. Puwede po bang doon ko na lang po ipagpatuloy ang pag-aaral ko?” Parang tinakasan ng dugo ang ina sa kanyang sinabi. Namutla ang buong mukha nito at tila ay hindi mahagilip ang isasagot sa kanyang tanong. “Bakit? Ayaw mo na ba rito sa France? Gusto mo na ba akong iwan?” naluluha nitong tanong. “Hindi po sa gano’n, Mama. Gusto ko lang po na magkaroon ng mga bagong kaibigan. Sabi niyo nga po, marami po ang mga taong may busilak ang puso ang nakatira roon. Kaya sige na po, Mama. Pumayag na po kayo. Isa pa po, gusto ko rin po na makita ang ating bansa,” pamimilit niya sa ina saka hinawakan ang kamay nito. Muli itong naluha sa mga sinabi niya. Malambot ang puso ng Mama niya kaya alam niya na mapapapayag niya ito. “Pero Georgette, mahirap ang buhay sa labas ng Kingdom. Natatakot ako na baka may mangyaring masama sa ‘yo,” nag-aalalang sabi nito. Ngumiti si Georgette at mas lalong hinigpitan ang pagkaka hawak sa kamay ng ina. “Mama, huwag na po kayong mag-alala. Kaya ko pong lagpasan ang kahit na anong kapahamakan. Nakakalimutan niyo na po ba? Ako po si Rage Zaldivar,” pagpapaalala niya rito. “At ikaw rin si Georgette, ang anak ko,” sambit nito bago siya niyakap nang mahigpit. “Nakausap mo na ba ang Papa mo tungkol dito? Ano ang sabi niya?” kapagkuwan ay naitanong ng kanyang ina. Bumitaw siya sa pagkakayakap nito saka marahang tumango. “Opo, Mama. Pumayag na po si Papa na umalis ako,” sagot niya. “Letseng Race, bakit pumayag ‘yon agad? Hindi pa nga kami nakakapag-usap,” bulong ng kanyang ina. Bigla itong ngumiti saka muli siyang niyakap. “Huwag kang mag-alala, Georgette. Pag-iisipan ko nang mabuti ang hinihiling mo,” sambit nito at muling nabasag ang boses. Ginantihan ni Georgette ang pagkakayakap ng kanyang ina. Hindi niya ito gustong saktan subalit kailangan niyang panindigan ang mga responsibilidad na matagal ng nakaatang sa kanyang mga balikat. Sa Pransiya ipinanganak si Georgette at bata pa lamang ay sinanay na siya nang husto ng kanyang ama upang maging kauna-unahang babaeng gangster na uupo sa puwesto. Kingdom ang tawag sa lugar kung saan sila nakatira at tanging mga gangster lamang ang puwedeng pumasok sa Kingdom. Dito na rin lumaki si Georgette at kahit kailan ay hindi pa siya nakaka punta sa Pilipinas. Ngunit dahil purong Pilipino ang kanyang mga magulang ay pinalaki siya ng mga ito na may pusong Pinoy. Batid niya na kung makakarating man siya sa bansang sabik na mapuntahan ay hindi siya mahihirapan na makipaghalubilo sa mga ito. Dahil isa rin siyang Pilipino. HINDI NA nagulat si Georgette nang kausapin siya ng kanyang ina kinagabihan at sinabing pumapayag na ito na umalis siya. Alam niyang makokombinsi ito ng kanyang ama at gaya ng inaasahan ay napapayag din ito. “Basta mag-ingat ka roon, Georgette. Huwag na huwag kang makipag-away. Alam kong anak ka ni Race pero tandaan mo na babae ka. Ang mga babae ay hindi nakikipag-away, naiintindihan mo ba?” “Opo, Mama,” sagot niya. “Mamimiss talaga kita, anak. Bakit ba kasi kailangan mo pang umalis? Dito ka na lang kasama si Mama.” “We already talked about that, Grae. Hayaan mo ng umalis ang anak mo.” Sabay na nabaling ang kanilang tingin sa pinto nang marinig ang boses ng kanyang ama. Nakatayo ito sa bukana ng pintuan habang nakapamulsa. Naglakad ito palapit sa kanilang direksyon at agad na sumampa sa kama. Hinila nito ang kanyang ina saka niyakap nang mahigpit. “She’s a full grown woman now, Grae. It’s already time to set her free.” Mas lalong naiyak ang kanyang ina sa narinig. Wala na ring nagawa pa si Georgette kundi ang yakapin ang mga magulang. Nagpasya silang tatlo na sa mismong silid na matulog nang magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD