CHAPTER 7

1254 Words
NAIBATO ni Claire ang hawak na cell phone nang marinig ang balita tungkol kay Rage at sa babaeng nagngangalang Georgette. Hindi siya makapaniwala na talagang inalok ng binata ang babaeng 'yon na maging Princess ng gang nito. "No! Ako lang ang nararapat na maging Princess! Ako lang! How could you do this to me, Rage?! I had given you my all and then what? Ibibigay mo lang sa ibang babae ang puwestong matagal ko ng pinapangarap?! You can't do this, Rage! You can't!" Kuyom ang kamao na lumabas ng silid si Claire. Agad siyang pumanhik sa pribadong silid ni Rage. Naabutan niya itong nakaupo sa gilid ng bintana, nakatitig sa hawak na cell phone at nakangiti. "Ano itong narinig ko na may inalok kang babae para maging Princess ng gang?! I am the Princess! Kaya tigilan mo na ang kahibangang ito, Rage!" galit na galit na sigaw ni Claire. Ibinaba ng binata ang hawak nitong cell phone saka siya pinagbalingan ng tingin. "You are really nothing compare to Georgette. Wala pa akong nakitang babae na kasing ganda niya. She's really pretty and fresh. Hindi katulad mo, pinagsawaan na." Namilog ang mga mata ni Claire sa narinig. Parang isang kutsilyo na tumarak sa kanyang puso ang mga sinabi nito. Inaamin niya na naibigay na niya kay Rage ang lahat ng mayro'n siya pero ginawa lang naman niya iyon dahil nangako ito na gagawin siyang Prinsesa ng mga gangster. "You promised me." "I'm not good in keeping promises. Alam mo 'yon, Claire. So get the hell out of my room at huwag na huwag ka ng bumalik pa. I don't want to see your face... ever again. Now go," pagtataboy nito sa kanya. Humigpit ang pagkaka kuyom ni Claire. Maghihiganti siya. Sisiguraduhin niya na pagsisisihan ni Rage lahat ng mga ginawa nito. Magdudusa ang lahat lalong-lalo na ang Georgette na iyon. BITBIT ang kanyang mga libro ay nakangiting pumasok ng silid si Georgette. Masiyado pang maaga kaya wala pang masiyadong estudyante. Nang makaupo sa kanyang silya ay agad niyang dinukot mula sa bulsa ng kanyang palda ang kanyang cell phone. Ilang araw na niyang hindi nakakausap ang Mama niya kaya tatawagan niya muna ito. "Georgette, salamat naman at tumawag ka. Miss na miss na kita, anak. Kamusta ka na riyan? Wala bang umaaway sa 'yo? Kung nahihirapan ka sabihin mo lang kay Mama, susunduin agad kita riyan at iuuwi dito sa France. Ang anak ko, panigurado na malungkot ka palagi. Umuwi ka na lang kasi rito. Namimiss na kita ng sobra." Napangiti si Georgette sa sinabi ng ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nito tuluyang natatanggap ang kanyang pag-alis. Pinipilit pa rin siya nito na bumalik sa Pransiya. "Mama, okay lang po ako rito. Mayro'n na po akong mga kaibigan. Mabait po sila at mapagkakatiwalaan kaya huwag na po kayong mag-alala." "Natutuwa ako at may mga kaibigan ka na. Siguro, tama ang Papa mo na hayaan na lamang kita na gawin ang mga bagay na gusto mo. Kasi tingnan mo ngayon, may mga kaibigan ka na agad. Proud na proud ako sa 'yo, anak." "Mama, kapag nakauwi po, isasama ko po sila para magkakilala po kayo. Maniwala po kayo sa akin, mga mabubuti po silang tao." "Aasahan ko 'yan. Nga pala, ito ang Papa mo. Gusto ka raw niyang kausapin." Saglit na natahimik sa kabilang linya bago narinig ni Georgette ang boses ng ama. "Papa." "How are you, my Princess? Kamusta na ang misyon mo?" "May nahanap na po akong mga miyembro, Papa. Kaya lang po ay may mga kailangan pa po akong gawin bago bumalik sa Kingdom." "Just take your time, Rage. Susunduin na lang kita kapag kailangang-kailangan mo ng bumalik dito." "Opo, Papa. Mahal ko po kayo ni Mama." "And we love you too." Sakto na natapos ang usapan nila nang magsidatingan ang mga kaklase ni Georgette. Mabilis na lumipas ang oras. Lunch break na kaya napalingon si Georgette sa upuan ni Nazi. Wala ang tatlo. Nasaan na naman kaya ang mga ito? "Chantal, alam mo ba kung nasaan sina Nazi?" tanong ni Georgette sa kaibigan. "Ang alam ko nakipag pustahan ang mga 'yon. Bakit mo tinatanong? Don't tell me, talagang seryoso ka sa pagsali sa gang nila?" hindi makapaniwalang tanong ni Chantal. Marahang tumango si Georgette. Nasapo bigla ni Chantal ang ulo nito na wari'y hihimatayin sa naging sagot niya. "Georgette, alam mo ba kung ano ang pinapasok mo? Matagal ko ng kilala ang pitong 'yon kaya alam ko na hindi madali ang mga naging buhay nila. Mapapahamak ka lang sa gusto mong gawin." "Alam mo ba kung saan sila nakipag pustahan?" tanong niyang muli. "Naman, Georgette! Sakit ka talaga sa ulo. Oo, alam ko. Tara, sasamahan kita." LUMABAS ng Akademiya sina Georgette at Chantal. Nilakad nila ang masikip na eskinita palabas ng siyudad. Halos mag-iilang minuto na rin silang naglalakad nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Parehong walang dalang payong ang dalawa kaya naghanap muna sila ng masisilungan. "Nakisabay pa talaga ang ulan. Nabasa tuloy tayo. Georgette, may extra ka bang T-shirt sa locker? Magpalit na lang tayo mamaya." Umiling ang dalaga. Hindi niya naalala na magdala ng extrang damit. "Paano 'yan? Baka magkasakit ka. Kung umuwi na lang kaya tayo?" Muling umiling si Georgette. Hindi siya puwedeng umuwi. Kailangan muna niyang hanapin ang Triple X. Kakausapin niya si Nazi at pipilitin na isali siya sa gang nito. Ilang araw na ang lumilipas kaya kailangan ay mapapayag na niya ang binata. "Mauna ka ng umuwi, Chantal. Ako na lang ang pupunta sa kanila." "Ano? Hindi puwede, baka mapahamak ka." "Okay lang ako, Chantal. Sige na, umuwi ka na." "Ayoko! Sasamahan kita. Halika na!" Nagpumilit si Chantal sa gusto nito kaya napilitan na rin si Georgette na lumusong sa malakas na ulan. Basang-basa na siya at gano'n din ang kaibigan. Lumipas ang ilang minuto at tuluyan silang nakarating sa isang lumang mini bar. Walang bantay sa labas ng bar kaya agad silang nakapasok. Unang bumungad sa kanila ang magulong lugar, sira ang mga silya, basag ang mga bote ng beer at bagsak sa sahig ang pito. Maliban sa mga ito ay wala ng iba pang naroon sa lugar. "Baby!" sigaw ni Chantal at agad na nilapitan ang nobyo. "Baby, ano ang ginagawa niyo rito? At bakit basang-basa ka?" tanong ni Yorick sa babae. "Bakit ka nandito?" Nabaling ang tingin ni Georgette sa nagsalitang si Nazi. Nakasandal ito sa gilid ng pader at may malaking sugat sa labi. Hindi niya ito pinansin. Nilagpasan niya ang binata saka naglibot-libot sa paligid. Sa nakikita niya, nasa dalawampung katao ang narito kani-kanina lang. Basi na rin 'yon sa dami ng basong nakapatong sa counter at sa mga upos na sigarilyo. Maliit lang ang espasyo ng lugar kaya panigurado na pinagtulungan ang pito. May mga nakita rin siyang putol na dos por dos na nakakalat sa sahig. "Georgette.." "Bakit?" Alam ng dalaga na nakatayo sa kanyang likuran si Nazi pero hindi niya ito pinag-aksayang lingunin. Abala siya sa pagmamasid sa paligid. "Bakit ka nandito?" "Gusto kitang makausap," diretso niyang sagot. "Tungkol saan?" "Tungkol sa pagsali ko sa gang mo." Hindi nagsalita si Nazi kaya nagpatuloy si Georgette sa paglilibot. Saglit siyang natigilan nang maramdaman ang pagpatong ng manipis na bagay sa kanyang balikat. Si Nazi, hinubad nito ang suot na uniporme saka ibinigay sa kanya. Nang lingunin niya ang binata ay nakasuot na lamang ito ng puting T-shirt. Sumenyas ito na sumunod siya sa labas. Nang tumalikod si Nazi at naglakad palayo ay wala na ring nagawa pa si Georgette kung hindi ang sundan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD