Lumabas ako ng sala na parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Tahimik lang ang paligid, tanging mahinang tunog ng orasan sa dingding ang naririnig ko. Hindi ko alam kung saan siya pwedeng nagpunta, pero para bang may humihila sa akin pataas. Hanggang sa makita ko ang hagdang bakal na umaakyat sa rooftop. Mabagal ang bawat hakbang ko. Pag-angat ko ng ulo, una kong nasilayan ang malamlam na ilaw ng buwan, saka ang matikas na likod ni Atticus. Nakatalikod siya, nakahawak sa railing, at tila nakikipag-usap sa katahimikan ng gabi. "Atticus…” mahina kong tawag. Bahagya siyang lumingon, at sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagod sa kanyang mga mata. Hindi iyon pagod sa katawan kundi sa puso. Lumapit ako, inilapat ang kamay ko sa malamig niyang braso. “Bakit hindi mo sinabi

