Nakahilig ako sa dibdib ni Atticus habang tahimik naming pinagmamasdan ang kisame. Ang buong paligid ay tila nakikiramay sa katahimikan tanging huni ng kuliglig at mahinang pag-ugong ng aircon ang maririnig. Ramdam ko ang mahinang pagtaas-baba ng dibdib niya, ang kabog ng puso niyang tila tumutugma sa sarili kong pintig. “Atticus…” mahina kong tawag. “Hm?” “Can I ask something a bit silly?” Tumawa siya nang mahina. “If it’s from you, it’s never silly.” Napangiti ako. “Anong naramdaman mo… nung una mong nalaman na buntis ako?” Tahimik. Ramdam kong sandali siyang nag-isip, bago sumagot. “Takot,” aniya, diretso pero may lambing. “Takot… kasi alam kong marami akong atraso sa mundo. Tapos ikaw, ikaw pa ‘yung ina ng anak ko, ikaw ‘yung pinakawalang-malay na pumasok sa magulo kong buhay. N

