“Quinn,” tawag ko sa lalaking abala sa pagpipitas ng gulay na talong samantalang ako ay sitaw naman ang pinipitas. “Stop!” Natawa ako dahil wala pa naman akong sinasabi pero pinapahinto na agad niya ako sa pagsasalita. Habang tumatawa ako ay mariin siyang nakatitig sa akin habang walang ekspresyon ang mukha niya. “Bakit pinapahinto mo na agad ako? Wala pa nga akong sinasabi, eh.” “I know what's on your mind, Venezia.” “Ano pala?” “That you want to have s*x with me to make a baby.” “‘Yon ba ang iniisip mo?” natatawa kong tanong habang nakataas ang isa kong kilay. “Sigurado ka ba na iyon ang iniisip ko, Quinnell Anderson?” “Oo.” “Puwes, mali ka po,” sabi ko dahil hindi naman talaga iyon ang nasa isip ko. Ang gusto kong sabihin sa kaniya kanina ay gusto ko sanang maligo sa ilog

