OMUB4

1712 Words
“Ate, may ginawa ka ba kay Kuya Quinnell?” tanong sa akin ni Venice nang sundan niya ako rito sa kuwarto kung saan ako natulog kanina para ayusin ang mga dala kong gamit. Ito kasi ang magiging kuwarto ko pansamantala habang nandito ako sa bahay nina Uncle Hector at Tita Laura. Tinapunan ko ng tingin si Venice habang tinutupi ko ang ilan sa mga nagulo kong damit. “Ano naman ang gagawin ko sa lalaking iyon?” balik kong tanong sa kapatid ko na sinamahan ko pa ng pagtaas ng isa kong kilay. “Bakit? May sinabi ba siya sa iyo na may ginawa ako sa kaniya?” “Wala naman.” “Nag-aayos ako rito kaya ‘wag mo muna akong istorbohin tungkol sa lalaking iyon, Venice.” “Hindi ba siya guwapo sa paningin mo, Ate?” “Hindi,” mabilis kong sagot na kabaligtaran sa nararamdaman ko. “Why?” “Sigurado ka?” “Bakit ba ang dami mong tanong?” “Ang dami mong manliligaw pero ang tingin mo sa kanila puro pangit kahit hindi naman. Si Kuya Quinnell na sobrang guwapo, parang alien lang ang tingin mo.” “Ba’t ba apektado ka?” “Can you be nice to him, Ate?” “I am nice to everyone, Venice.” “You're not nice to everyone because you're grumpy and I'll-tempered. In short, you're the devil in our family.” “What did you just say?” “You're a devil, Ate.” “What the hell!” Tumakbo siya palabas kaya hinabol ko siya. Muntik ko na siyang maabutan kaya lang bigla akong hinarangan ni Quinn. “What are you doing?” seryoso niyang tanong sa akin. “Why are you chasing her?” Pinagkrus ko ang mga braso ko at nginisihan ko si Quinn ng nakakatakot. “Tumabi ka kung ayaw mong madamay.” “Sagutin mo muna ang tanong ko.” “I'm chasing her because I want to kill her,” sagot ko habang normal ang hitsura ng mukha ko. “Now, step backward.” “Kuya Quinnell, help me!” wika ng kapatid ko habang nagtatago siya sa likod ni Quinn kaya naman bahagya kong itinulak si Quinn para maabot ko ang kapatid ko. “Ate, ‘wag! Don't hurt me!” “‘Wag ka ngang O. A,” sita ko kay Venice. “Ano nga ulit ang sinabi mo sa akin kanina?” “I said, you're beautiful, Ate.” “You said, I'm a devil,” pagtatama ko. “Am I right?” “Of course not!” tanggi ni Venice. “Kahit tanungin mo pa si Kuya Quinnell.” Napatingin ako kay Quinn. Salubong ang kilay niya habang nakamaang sa akin. “Kuya Quinnell, ‘di ba maganda ang ate ko?” “She's not beautiful to me,” balewalang sagot ni Quinn kaya parang gusto ko siyang kainin ng buhay. Binitiwan ko ang damit ni Venice para harapin ang lalaking first kiss ko. “Hindi ako maganda?” Umiling siya. “Sigurado ka?” “Yes.” “Venice, iwanan mo muna kami ni Quinnell,” utos ko sa kapatid ko. “Ha? Bakit? Ano’ng gagawin mo kay Kuya?” “Bakit kailangan mong malaman?” mataray kong tanong sa kapatid ko. “Kapag hindi ka umalis, hindi ka na makakatikim ng baon sa akin, Venice.” “Aalis na pala ako,” sabi ng kapatid ko. “Ate, ‘wag mong sasaktan si Kuya, ha?” Nang tingnan ko ng masama ang kapatid ko ay bigla siyang kumaripas ng takbo palayo sa amin ni Quinn. Nang mawala sa paningin ko ang kapatid ko ay saka ko hinarap si Quinn. “Ano nga ulit ‘yong sinabi mo kanina, Mister?” “Wala.” “Ang sabi mo, hindi ako maganda, ‘di ba?” “Well, it's my opinion. Maybe you're beautiful to others but not to me,” sabi niya sa matatag na boses kaya naman kumunot ang noo ko. Siya lang kasi ang lalaking hindi nagagandahan sa akin dahil halos lahat ng mga manliligaw ko ay laging sinasabi na maganda raw ako. Hindi lang sila kun'di halos lahat ng mga taong nakapaligid sa akin ay ganoon ang sinasabi. “What? Is it bad to tell the truth?” “Ano’ng ibig mong sabihin? Ang ibig mo bang sabihin ay pangit ako?” tanong ko. “Yes,” mabilis niyang sagot. “You're ugly for me.” “Totoo?” “Yes.” Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi kaya nagulat siya. “What the hell!” “‘Wag kang maingay dahil baka may makarinig sa atin,” sabi ko. “What the hell! What do you mean? What are you going to do—” Bago pa man niya matapos ang pagtatanong niya ay nahalikan ko na siya sa mga labi niya. His lips are so soft that I wanted to kiss him again and again. Hindi ako marunong humalik dahil siya ang unang halik ko. Makalipas ang ilang segundo ay huminto na rin agad ako sa paghalik sa kaniya dahil baka may makakita pa sa amin. “I love your lips,” sabi ko habang nakangiti samantalang siya ay tamad lang akong tiningnan. “Gusto mo pa?” “You're not a good kisser,” komento ni Quinn kaya napakurap-kurap ako. “Sa tingin mo ba gugustuhin ko pang magpahalik sa iyo gayong hindi ka naman marunong humalik?” Medyo nainsulto ako sa sinabi niya pero hindi ko ipinahalata. Sa halip ay matamis ko siyang nginitian. “I admit that I'm not a good kisser, Baby,” sabi ko. “Why? It's because you're my first kiss. Puwera na lang kung tuturuan mo ako kung paano humalik ng tama.” Napailing ang lalaking kaharap ko. “What? I'm serious though.” “Why did you kiss me?” seryoso niyang tanong sa akin. “What's your reason?” “I kissed you because I like you,” pag-amin ko. “I don't like you,” sagot niya. “Bakit naman?” kunot-noo kong tanong. “How old are you?” sa halip ay tanong niya. “Twenty two.” “You’re f*****g young. Hindi ka ba nag-iisip na baka mabuntis ka sa ginagawa mong iyan? Do you know how old I am?” “Forty?” panghuhula ko. “Exactly!” “Galit ka ba?” tanong ko dahil medyo mataas na ngayon ang boses niya. “Wala akong pakialam kahit malaki ang agwat ng mga edad natin. Hindi ka naman mukhang forty dahil guwapo ka.” “Gusto mo ako dahil lang sa guwapo ako?” “I want to have a child with you,” dagdag ko pa. “What the f**k! Naririnig mo ba ‘yang sinasabi mo?” “Oo naman.” “You want to have a child with me?” hindi makapaniwala niyang tanong. “Yes.” “Stay away from me,” seryoso niyang sabi sa akin. “Hindi kagaya mo ang mga tipo ko.” “Ano ba ang mga tipo mo? ‘Yong mga kasing-edad mo? Sa tingin mo ba makakabuo pa kayo ng bata kung pareho na kayong matanda?” Tiningnan niya ako ng masama dahil sa sinabi ko. “Totoo naman, ah. Mali ba ‘yong sinabi ko? Unlike me, kaya kitang bigyan kahit sampu pa basta magsabi ka lang.” “You're impossible! Can you just stay away from me?” “Ayaw mo ba talaga sa akin?” tanong ko sa mahinang boses. Tinitigan niya lang ako. “Dahil lang ba sa malaki ang agwat ng mga edad natin? Ang babaw naman ng dahilan mo.” Ngayon nga lang ako nagkaroon ng interes sa isang lalaki tapos ganito pa. “Ayaw mo bang subukan muna?” giit ko pa. “Malay mo mag-work. Hindi ka mahihirapan sa akin dahil lahat ng gawaing bahay ay alam ko kung paano gawin tapos magaling din akong magluto. Ipagluluto kita ng masarap sa tuwing pagod ka galing sa trabaho.” “I just…I don't want to have a relationship with a woman who's younger than me. I just don't like everything about you.” “Ano ba ang tipo mo? 'Yong mas matanda pa sa iyo ng ilang taon?” medyo inis kong tanong. “Mga babaeng menopause na?” Nakita kong umangat ang gilid ng mga labi niya kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko. “‘Wag mo nga akong tawanan.” “Maraming lalaki diyan,” wika niya na ngayon ay seryoso na. “Iba na lang ang guluhin mo basta ‘wag lang ako.” “Ayaw mo talaga sa akin?” halos paulit-ulit kong tanong. “Yes.” “Hindi ka interesado kahit kaunti?” “I'm not.” “Sure ka na?” “Yes.” “Puwede ba kitang ligawan?” tanong ko. “Kapag hindi kita napasagot sa loob ng anim na buwan, hahayaan na talaga kita. Aalis na ako at babalik na sa Maynila.” “I just can't believe this,” komento niya. “Bakit ba ang kulit mo?” “Makuha lang kita, ikaw naman ang pahihirapan ko,” sa isip-isip ko. Kung ayaw niya sa akin, ayos lang. Ang mahalaga sa akin, maangkin ko siya at magkaroon ng anak mula sa kaniya. I may sound maniac but that's my goal. Hindi ako titigil hangga't hindi nagiging akin si Quinnell kahit pa nga ayaw niya sa akin. “What are you thinking?” tanong niya sa akin ng mapansin niya na nakatitig lang ako sa mukha niya at iniisip kung ano’ng hakbang ang gagawin ko para maangkin ang lalaking unang nakakuha ng atensiyon ko. “‘Wag mong sabihin na seryoso ka talaga sa gagawin mong panliligaw sa akin?" “I'm serious about it and I will start courting you now,” sabi ko. Mabilis ko siyang hinalikan sa mga labi niya at pagkatapos ay patakbo akong umalis. Sigurado akong kakagat din siya kalaunan. Ang mga lalaking kagaya niya ay handa ng mag-settle down kaya imposibleng hindi niya ako magustuhan sa paglipas ng mga araw. I will do everything to make his mine. I don't know what's happening to me but I'm f*****g serious to be with him forever.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD