Chapter 2
"You have a good taste. Maganda ang sofang napili mo," ani Mabel na agad umupo sa binili nilang sofa sa kilalang mall.
"Thanks to you. Ayaw ko pa sanang bumili nito kaya lang mapilit ka." I smiled at tumabi ng upo sa kanya.
"Hindi naman kasi makakatulog mamaya kapag naiisip kong hindi maayos ang lagay mo dito. Walang sofa at walang higaan."
"Nakahiram tuloy ako sa'yo." Pinautang siya ng matalik na kaibigan dahil pinilit siya nitong bumili ng sala set at twin-size bed.
"Walang problema 'yon. Bayaran mo na lang ako kung makaluwag-luwag ka na."
"Maraming salamat, Bel. Kung wala ka dito naku malulungkot talaga ako."
"Sus, eto naman. Nagdadrama ka na naman." Ginantihan niya ng tawa ang sinabi nito. Tumayo siya at kinuha ang kettle na binili at nag-init ng tubig.
"Magtitimpla ako ng kape. Gusto mo?"
"Sure! Make it three dahil dederetso raw dito si Kai," anito na nakatunghay sa cellphone nito.
"Okay," aniyang napangiti. Habang nag-iinit ng tubig ay inilabas niya ang mga gamit sa kusina na pinamili nila ng kaibigan. Pati na rin ang mga groceries at inilagay niya sa cabinet. Inilipat rin niya ang mga pagkaing binili nila ni Mabel sa malinis na mga pinggan.
"Sa bahay ka na maghapunan. Nagpahanda na ako kay Manang. Hep! Bawal tumanggi. Huwag ka nang magluto," anito nang makita sa mukha niya ang pagtutol. Ayaw na sana niya kasi siguradong siyang may matitira naman rito sa mga pinamili nila.
"Sige na nga. Hindi ko tatanggihan 'yan."
"Good."
Nang marinig ang tubig na kumukulo na ay agad niyang pinatay ang stove. Nilagyan niya ang taong tasa na may kape ng tubig. Ang ibang laman ay inilagay niya sa thermos.
"Nasaan na raw si Kai?"
"Nandito na raw." Inilagay niya sa tray ang tatlong tasa ng kape at naglakad patungo sa living room. Hindi naman kalayuan ang distansya sa dining area. Pagkalapag sa mga tasa ay bumalik siya para kunin ang dalawang pinggan na naglalaman ng mga pagkain na binili nila pangmeryenda.
"Thank you," anito sabay kuha ng tasa at humigop ng kape.
Humigop na rin siya at napapikit sa aroma ng kape. Sipping coffee is her favorite. Pakiramdaman niya ay nare-relax siya sa tuwing uminom ng kape.
Kapwa kami napabaling sa pinto ng may kumatok at biglang bumukas iyon. Iniluwa ni Kai na may masayang ngiti sa mga labi. Ngunit agad nauwi sa ngiwi at nangaligkig.
"Bakit ang lamig dito?" anitong nakatingin sa amin.
"Hi, sweetheart!" Tumayo si Mabel at sinalubong ng yakap ang asawa. Hindi pinansin ang sinabi nito.
"Hello, sweetie." Binigyan ni Kai ng magaan na halik sa labi ang kaibigan niya. Napangiti siya sa nakita. They look good together. Ang swerte ng kaibigan niya dahil nakatagpo ito ng gawapo at mabait na katulad ni Kai.
"Hi, Kai!" Binati niya ito nang maupo na ang dalawa na magkatabi.
"Hello, Thereza. How are you?"
"Okay lang. Thanks to your wife at napadali ang paglipat ko dito. Thanks sa inyong dalawa, actually," aniyang nakangiti.
"Walang anuman. Ikaw pa, malakas ka yata sa amin." Ikinatawa nila ang tinuran nito. Inabot ni Mabel ang kape sa asawa na ipinagpasalamat naman ni Kai.
"Siyanga pala, bumili ka ba ng aircon?" anito pagkalapag nito ng tasa.
"Hindi." Nangunot ang noo niya. "Bakit?"
"Masyadong malamig dito sa apartment mo. Tumayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig."
"Oo nga. When we came here kanina hindi naman masyadong malamig. Pero nang makabalik kami rito ngayong hapon, napakalamig," ani Mabel.
"Kanina pa malamig. Habang nasa labas nga tayo kanina nananayo ang mga balahibo ko dahil sa lamig."
"Sa panahon siguro. Parati nang umuulan kapag gabi."
Tiningnan nila ang bintana sa kwarto niya. "Baka dahil sa bintanang iyon. Hindi ko na isinara kanina pag-alis natin, di ba?"
"Marahil," ani ng kaibigan. "Mamaya bago ka matulog isara mo ng mabuti. Pati na rin ang pinto sa terrace mo."
"Masusunod," aniya na ikinatawa nilang tatlo.
"Oo nga pala, my friend called me early this morning. Kung may kilala raw ba akong pwede magtrabaho doon sa hospital ng ama niya. Iyong mapagkakatiwalaan." Kai told them.
"Ano'ng trabaho naman, sweetheart?"
"Billing Supervisor. Nagretire na raw kasi ang Tita niya at aalis na papuntang Canada. Ayaw naman nilang mag-hire ng kahit na sino na lang."
"Sino'ng kaibigan ang sinsabi mo?"
"Si Jake. He is a doctor. They owned the famous Moreno's Hospital."
"Ah, yeah. Si Jake. Kaibigan namin siya, Thereza. Mabait at tiyak na magugustuhan mo siya."
Pare-pareho silang nagulat at napabaling sa dining area ng bumagsak ang isang tray na binili nila. Nagulat silang tatlo dahil sa biglaang pagbagsak niyon at lumikha ng malakas na ingay.
"I'm sorry. Baka hindi ko nailagay ng maayos." Tumayo siya at tinungo ang nahulog na tray. Kinuha niya iyon at inilagay sa sink. Agad siyang bumalik sa living room.
"Sorry. You were saying?" She asked the couple pagkabalik niya.
"If you like, tatawagan ko ang kaibigan ko at sasabihin kong mag-aapply ka. Iyon kung gusto mo lang naman, Ther," ani Kai sa kanya.
"Hindi na ako mamimili ng trabaho, Kai. Kahit ano papasukan ko. Mabuti nga at may mga kaibigan kayong naghahanap ng empleyado."
"Swerte ka talaga, bestie. Kahit noon pa swerte ka na talaga. Biruin mo, kadarating mo pa lang kanina tapos may trabaho na agad."
"Naku, hindi pa naman tayo sigurado kung matatanggap ako diyan," aniya.
"Ano ka ba? Close friend namin ni Kai si Jake. Isang tawag lang nitong hubby ko papayag agad 'yon," wika ni Mabel na humilig pa sa balikat ng asawa.
"Besides, he told me na kailangan na daw nila as soon as possible."
"Bakit hindi sila mag pull out sa mga employees nila. Nakakahiya naman, kabago-bago ko Supervisor na agad." Hindi naman sa ayaw niya kaya lang baka mahirapan siya sa posisyong iyon.
"Gusto nila ng mapapagkatiwalaan. Maybe they don't trust them that much. Ewan ko lang," ani Mabel. "At saka huwag kang mag-alala. You can do it. Ikaw pa? Matalino ka, Thereza."
"Kinakabahan ako. Baka hindi ko kayanin ang trabaho."
"Susme! Just think positively, bestie. Kayang kaya mo 'yan."
"Oo nga naman, Ther. Kaya mo ang trabaho doon. May 1 month training ka naman. Si Jake raw mismo ang magte-train sa'yo"
"Ha? Bakit siya?" Nagulat niyang tanong kay Kai. Nakakapagtaka namang ang anak ng may ari mismo ang mag-te-train sa kanya.
"Hehehe! Joke lang. Hindi talaga ako sure. So, okay na? Tatawagan ko si Jake mamaya."
Tumingin siya kay Mabel. Asking her kung tatanggapin ba niya ang trabaho sa hospital. When she nod, she gives her yes to Kai immediately.
"I will call Jake when we get home. Doon ka na lang maghapunan sa amin, Thereza."
"I already invited her, sweetheart."
"Thanks for inviting me though balak ko talagang dito na lang maghapunan. Marami pa naman ito," she pointed the foods na halos si Mabel lang ang kumakain.
"Okay ka lang? Snacks lang 'to, Ther. Susunduin kita mamaya para sabay na tayong maghapunan sa bahay."
"Sige," aniya.
"Okay. Aalis na kami para makapagpahinga ka na muna," wika ng kaibigan niya. Tumayo na ang mag-asawa.
"Thank you ulit sa pagsama sa akin kanina."
"Sus, wala iyon. Maliit na bagay." Inakbayan ni Kai ang asawa at sabay nang tinungo ang pinto.
"Paano, Ther. Alis na kami. See you mamaya sa bahay," ani Kai.
"Okay. Thanks again. Mag-iingat kayo"
"Sure. You too."
Hinintay pa muna niyang sumara ang elevator lulan ang dalawa bago siya pumasok sa loob. She scanned her apartment. Maganda at maaliwalas. She liked it already from the moment they entered here a while ago.
The place is very cozy and she likes the ambiance. Bibili pa pala siya ng kurtina bukas. Isinara niya ang bintana dahil sa lamig na nanunuot sa kalamnan niya. She have decided na maliligo muna bago magpahinga. Nanlalagkit siya at pakiramdam niya ay maraming alikabok ang dumikit sa balat niya.
Inayos muna niya ang mga damit sa built-in cabinet na naroroon. Ang lotion, pabango, skin moisturizer at iba pang gamit niya sa katawan ay sa tokador niya inilagay. Pagkatapos itago ang maleta sa ilalim ng kama ay napatingin siya sa sarili sa salamin na
nakadikit sa built-in cabinet. She could see her tiring aura. Pero nakikita niya ang satisfaction sa mga mata. She will be independent here, have a decent job at mag-iipon siya para makapagpatayo ng sariling negosyo. Balak niyang magkaroon ng Event Management Company balang araw. Organizing events like weddings ang isa sa mga nais niya.
She is a talented photographer too. Kapag may mga events sa mga pinsan at mga kaibigan ng Tita niya ay siya ang kinukuha para maging photographer.
Labis siyang nalungkot ng masira ang camera niya na niregalo ng Tita niya sa kanya. One of her amigas accidentally pour her drinks to her camera. Mangiyak-ngiyak pa siya ng mangyari iyon. Balak sanang palitan ng kaibigan ng Tita niya ang camera ngunit ang Tita na rin niya ang tumanggi. Bibilhin na lang daw siya ulit ngunit tumanggi na siya. Nakahiyaan na niya.
Nakakapag-ipon rin siya galing sa mga kinikita niya sa pagiging photographer. Nagugustuhan ng mga kumuha sa kanya ang mga kuha niya at inire-refer siya sa ibang kakilala. From then she started dreaming of having an Event Management Company someday.
Ang iba pang naipon niya ay ibibili niya ng bagong camera. Iyong kasya lang sa budget niya. Tumayo na siya at hinagilap ang towel at toiletries niya. Nasa labas ng kwarto niya ang CR malapit sa dining area kaya kailangan pa niyang lumabas.
Pagkatapos maligo at magbihis ay nagpahinga pa siya sandali. Ilang minuto lang ay sinundo na siya ng kaibigan. Maraming putahe ang niluto nito kaya naparami ang kain niya.
"Jake told me maaari ka na raw mag-umpisa bukas. Pinapapunta ka niya sa opisina niya bukas ng umaga."
Labis niyang natuwa dahil sa balitang iyon ng mag-asawa. Kaya kahit nakahiga na ay nakangiti pa rin siya. Sinabi niya rin sa Tita niya ang magiging trabaho niya ng tumawag ito kanina. Labis na sermon at iyak ang narinig niya mula rito. Kung bakit daw kailangan pa niyang lumayo. At muli ay ipinaliwanag niya sa Tiyahin ang ibig niyang mangyari.
Nangako itong bibisitahin siya o di kaya ay pinapauwi siya kahit isang beses sa dalawang buwan. She didn't promised but she will try. Somehow na-miss rin niya ang Tita niya. Ang mga pag-aalaga at pag-alala nito sa kanya.
She closed her eyes and was about to sleep ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Itinaas niya ang kumot hanggang sa dibdib ng biglang lumamig ang paligid. She did not open the aircon earlier dahil malamig naman na. At ngayon nga ay tila nadagdagan pa ang lamig.
The comforter did its own job. Pinapainit nito ang katawan niya kahit pa nababalot na ng lamig ang kapaligiran niya. She drifted to sleep not aware of her surroundings. Hindi niya napansin ang nagbabagang mga mata na palaging nakatunghay sa kanya. Nagmamasid sa bawat galaw niya. His eyes exuding desire and lust upon staring at her dangerously. Sinusundan siya kahit saan man magpunta.
His rebellious soul was halted when he saw her earlier. Didn't mind what happened but felt the need and eagerness to follow her. Para siyang nakakita ng anghel at nakahanap ng kapayapaan sa piling nito. He kept on searching her everywhere at hindi niya inaasahan na dito niya pala ito matatagpuan. Sa ganitong panahon at sa ganitong sitwasyon.
Kahit mali at kahit gusto niyang pigilan ang sarili ay hindi magawa. He stood up and walked. Hanggang sa abot kamay na niya ito. Nakaharap sa gawi niya. Madilim ngunit malinaw niya itong nakikita. Her angelic face na hindi na niya makakalimutan. Na kahit sa pagpikit niya ay ito pa rin ang nakikita.
He tried to touch things earlier at sa hindi na niya mabilang na pagkakataon sa wakas ay natabig at nabagsak niya ang tray nito kanina. Labis siyang nagalak ng mahawakan na niya sa wakas ang kahit na anong bagay. But he didn't touch her. Ayaw niyang magulat ito. Now, he will try. Pati ito ay mahahawakan rin ba niya? He can't wait to do it.
He reached for her hair slowly. Aching to touch her na kanina pa sana niya nais na gawin. He held his breath when his fingers finally feel her smooth shiny hair. Napapikit siya.