Chapter 4

1922 Words
Chapter 4 Maaga pa naman kaya nakapambahay lang siya. Nagtungo siya sa sala at naupo sa sofa dala ang libro na binili nila kahapon. Magbabasa muna siya habang naghihintay ng oras. Kapag natanggap siya sa trabaho, bibili agad siya ng TV sa unang sahod niya. Malungkot kapag walang television, wala siyang mapaglilibangan. Isinandal niya ang likod sa couch at ipinatong ang mga paa sa center table. Maaraw na pero malamig pa rin ang klima. Ang sabi ng mga kakilala niya, palaging mainit raw dito sa Maynila lalo na kapag walang kuryente. Hindi pa niya maramdaman iyon ngayon kahit na ba muli niyang sinara ang pinto patungo sa verandah pati na ang mga bintana. Hindi pa siya nagtatagal sa pagbabasa ay agad na namigat ang mga talukap niya. Inaantok na siya. She yawned and decided to sleep in the couch. Itinabi niya ang libro at kumuha ng throw pillow. Humiga siya ng patagilid sa pahabang couch at ipinikit ang mga mata. An hour later.. She's smiling while savoring the tingling sensation in her neck. Kahit nakikiliti siya, nariyan pa rin ang nakakapanibagong sensasyon na naramdaman rin niya kagabi. It tickles yet she's aroused. Someone is kissing her. From her neck down to her chest hanggang sa bukana ng kanyang dibdib. She wanted to touch him but she couldn't. Everything is blurry pero nakikita niya ang silhouette ng lalaki na hinahalikan siya. Wala siyang maramdamang takot rito bagkus ay kinikilig siya. She's anticipating his next move. Siya rin ang napanaginipan niya kagabi. Although hindi niya ito nakikita, nararamdaman naman niya ito. She likes his smell. Para siyang nakulong sa tabi ng dagat at napapaligiran ng maraming bulaklak at puno. That fabulous scent at walang mamahaling pabango ang makakapantay sa bango ng lalaking ito. She moaned. Napabalikwas siya ng bangon. Habol ang hiningang binalikan sa isip ang napanaginipan. She swears narinig niya ang sariling umungol. At iyon ang nagpagising sa kanya. But then again, isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. She didn't know na ganoon pala ang pakiramdam. Kaya pala marami sa mga kakilala niya ang mga nagsipag-asawa na. Nag-aaral pa lang ay may mga nobyo at nobya na. 'Ganoon pala 'yon.. now I know.' Nakangiti pa rin siya nang tumayo at sinipat ang orasan sa dinding. She needs to prepare. Ilang oras na lang ay kailangan na niyang umalis ng bahay. Nakatanggap siya ng message galing kay Mabel. Doon na lang daw siya mag-lunch sa kanila. She replied yes to her. Kukulitin kasi siya ng kaibigan kapag humindi pa siya. Naghubad siya ng damit at tanging undies na lang ang itinira. She's wearing a black pair of panty and brasserie. Inabot niya ang lotion at sinimulang pahiran ang mga braso. She stood up and placed her one foot on the chair. She got the most amazing legs na kinaiinggitan ng bawat kababaihan sa kanilang lugar. Maging ang mga kaibigan niya ay naiinggit raw sa magandang hubog ng mga binti niya. Long legged, smooth and fairly white legs. Bukod sa maganda na ay maganda rin ang hubog ng katawan niya. Right curves in the right places. Sino ang hindi maglalaway sa ganda niya? Pero wala siyang pinahintulutang lalaki na hawakan ang kahit saan na parte ng katawan niya. Every inch of her body is for her future husband only. Ngunit bigla niyang naisip ang lalaki sa panaginip. That man touched and kissed every inch of her body. Pero sa panaginip lang naman iyon. Hindi naman totoo ang panaginip niya. That was all part of her dreams. She's still a virgin physically but not emotionally and spiritually. Nag-enjoy siya sa panaginip niyang iyon at kahit hindi niya kilala at hindi niya nakikita ang lalaki sa panaginip ay okay lang. Hindi siya nag-aalala. Kahit yata lahat ng daliri sa kamay at paa niya ay dilaan nito, okay lang din at pahihintulutan niya ito. 'My God, Thereza Marie Asuncion! You were named from St. Therese by your late parents hindi para mag-isip ng ganyang kahalayan. Nakakatakot!' Ipinagpatuloy niya ang pagpahid ng lotion sa binti pataas sa hita niya. Sunod ay ang isang binti naman ang pinahiran. She's taking time applying her lotion. Nang matapos ay naghanap naman siya ng damit na susuotin sa mga dala niya. She choose to wear black slacks and yellow blouse. Enough outfit for her appointment this afternoon. Muli siyang umupo sa harap ng salamin at nag-apply ng kaunting blush on at lipstick. Hindi na niya kailangan ng iba pa. Just a light blush on and lipstick will do. She's gifted with thick eyebrows and eyelashes. Hindi naman siya marunong maglagay ng eyeshadow kaya hindi na siya nag-abala pa. Tumayo siya at muling pinasadahan ang sarili sa salamin. When she got satisfied, isinuot niya ang black shoes na may three inches na haba. Kinuha niya ang cellphone at inilagay sa shoulder bag. Bitbit ang bag nang lumabas siya ng silid. Ini-lock niya ang pinto ng makalabas rin siya ng apartment. Walking distance lang naman papunta sa bahay nina Mabel. Kahit tirik na tirik ang araw ay naginhawaan pa rin siya kaya hindi siya pinagpawisan. Sinalubong siya ng kaibigan nang makita siya nito agad sa gate. "Kanina pa kita hinihintay," bungad agad nito sa kanya. "Nakatulog ako, eh." "Tara, pasok." Sinundan niya ito papasok sa living room. "Bakit ka ba nagising ng madaling araw?" Nagdalawang isip siya kung sasabihin ba niya rito ang mga panaginip niya. Pero mas piniling huwag na lang. "Ewan ko ba. Hindi ko alam kung bakit ako nagising. Alam mo naman ako, hindi agad ako nakakabalik sa pagtulog kapag nagigising ako." "Dapat umiinom ka ng gatas bago matulog para dere-deretso ang siesta mo." "I've been thinking of that too." "O siya, tara na sa dining area. Umuwi lang ako para makasabay kang kumain ng lunch." "Galing ka pang trabaho niyan?" "Oo. Tapos ihahatid na kita mamaya sa hospital pagkatapos nating mananghalian." "Huwag na, nakakahiya na masyado. Papasok ka pa sa trabaho." "Okay lang. Malapit lang naman sa hospital ang opisina namin. Don't worry." "Sigurado ka?" "Oo noh! Upo ka na. Kanina pa naghain c Melody." Si Melody ang nag-iisang ksambahay nito. Umupo na ang kaibigan sa kabisera kaya umupo na rin siya sa kanan nito. Nang tingnan niya ang mesa ay halos malula siya. "Bakit ang daming pagkain?" "First day mo ngayon kaya consider these as our celebration," anitong nakangisi. "Hindi pa naman sigurado kung matatanggap ako." "As we've said, tanggap ka na nga. Nakausap na ni Kai si Jake kagabi." "Hindi ba nakakahiya?" "Bakit naman nakakahiya?" "Kasi alam mo na, informal naman yata ang paghire sa akin." "Dadaan ka pa rin naman sa process. E-interviewhin ka ni Jake mamaya pero syempre for formality na lang 'yon." "Iyon na nga," aniya. "Sus, ano ka ba. Ganyan na ang kalakaran sa panahon ngayon. Kapag wala kang kakilala sa itaas, mahihirapan ka talagang maghanap ng trabaho." Somehow, her friend is right. Kahit saang lugar ka naroon ganyan na rin ang pinapairal. Nagpasalamat na lang siya rito at nagsimula nang kumain. She prepared caldereta, chicken curry, tempura, mixed vegetables, buko salad at leche flan. "Hindi natin mauubos itong hinanda mo." "Hanggang dinner pa 'yan. Kaya dito ka na rin mag-dinner. Pupunta rin dito si Jake." "Bakit?" "Dito siya magdi-dinner. Kai invited him last night." "Is that so?" "Yes. Kaya dapat nandito ka rin." "Okay." Tumango na lang siya dito. Hindi pa niya nakikita ang Jake na sinasabi nito. Naging kaibigan naman ito ni Mabel kaya siguro ay magiging kaibigan na rin niya ito. But he will be her boss soon at awkward naman kung maging magkaibigan sila. After their lunch, nagpahinga at nag-usap pa sila sandali hanggang sa napagdesisyunan na nilang umalis na. On their way to the hospital, kinakabahan na siya. Kai and Jake is waiting for them. Nasa opisina raw ni Jake si Kai kaya doon na siya ihahatid ni Mabel. "Jake is a nice guy. Mas mabait pa kay Kai 'yon," biglang saad ni Mabel habang nagmamaneho ito. "You know him that much?" "Palaging nasa bahay 'yon. Laging pinupuntahan si Kai. Kapag may problema sa pamilya nila, ang asawa ko ang hingahan niya ng sama ng loob." "Mayaman na sila pero may problema pa rin, ano?" "Oo. Kahit anong katayuan natin sa buhay, hindi pa rin tayo nawawalan ng problema. Kapag nabubuhay ang tao, kaakibat na ang problema sa araw-araw. Kaya siguro ang iba nagpapakamatay na lang para hindi na maharap sa mga suliranin." "Ayoko ring maabot ako sa punto na 'yan. Bakit ako magpapakamatay kung marami namang solusyon sa bawat problema. Ika nga nila, hindi ka bibigyan ni Lord ng problema kung hindi mo raw kayang solusyonan. Kaya bakit mo tatapusin ang buhay mo sa problema lang?" "Iyan ang mga taong mahina ang loob. Iniisip nila na wala nang ibang paraan kaya iyon ang naging solusyon nila sa problema, ang magpakamatay," anito na tumingin pa sa kanya. "Bakit hindi nila isipin, ngayong araw may dumating na problema, maghanap ng solusyon. Kung wala pang mahanap na paraan para masolusyonan, hayaan na lang muna. Bukas o bukas makalawa, ang problema na ang kusang aalis sa buhay mo. Kasi naniniwala ako na kahit gaano pa katagal mong pinoproblema ang problema mo, may darating at darating na solusyon pa rin. Kung hindi man ngayon, baka bukas o bukas makalawa." "I think time and our experiences made us more mature. Dati ang mga crush ko lang ang pinag-uusapan natin. Ngayon mga problema na." They both laughed. Ang napagtanto niya, ang problema rin ang isa sa nagpapatibay ng loob ng isang tao. Basta siya, sisiguraduhin niyang hindi siya aabot sa puntong kailangang magpakamatay para lang maiwasan o malutas ang problema. Nang makarating sila sa ospital, agad na tinawagan no Mabel ang asawa upang ipaalam na nakarating na sila. Moreno's Hospital is a huge building with fourteenth floor. Ang sabi ni May ay ito raw ang pinakamalaking hospital dito sa Manila. At ang nangungunang hospital sa buong Pilipinas. She's amazed. Mapalad siya at magiging myembro siya ng hospital na ito ilang oras mula ngayon. Sa lobby pa lang ng hospital ay maganda nang tingnan. Para pa ngang hotel kung wala lang mga upuan, signages at mga gamit pang-ospital. Sumakay sila ng elevator papunta sa fourteenth floor. Habang paakyat ay walang mintis sa lakas ng kabog ng dibdib niya. Para siyang bibitayin. Pakiramdam niya ay maiihi na siya sa nerbyos. Ito ang unang beses na e-interviewhin siya. Nang tumigil ang elevator ay para na ring tumigil sa pagtibok ang puso niya. Kinakabahan talaga siya. When the elevator pooped open, she doesn't have a choice but to step outside. Kasabay ni Mabel ay naglakad siya sa tabi nito. Maluwang ang pasilyo ng huling floor. Malalaki ang pagitan ng mga pinto. Bawat pinto ay may mga nakadikit na glass na sinulatan ng pangalan ng mga doktor. "Matataas ang katungkulan ng mga Doctors na narito sa huling palapag ng ospital. Mga tiyuhin at tiyahin niya ang ilan rito." "Ganoon ba. Akala ko, ama niya ang nagmamay-ari nito." "Pamilya ng ama niya. Isa ang ama niya at siya sa mga stockholders ng ospital." Tumango-tango na lang siya. Nang tumigil si Mabel ay napatigil na rin siya. She looked up the name written outside the door. "Niel Jake Perez, MD, NSU, Neurosurgeon." Author's Note: Sorry for the late update. I was updating First Love Actually Dies and Someone's Torturing Me. You can read Someone's Torturing Me in g*******l. Please do read and follow me @ marypaulette. Thank you! ☺️?

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD