Episode 2

1189 Words
"Teka! Tingin uli sa salamin. Isa pang tingin! Yan, tama na! Sobrang gwapo ko na. Baka lalong ma-inlove sa'kin ang nobya ko," nakangiting nasabi ni Clyde sa sarili habang kaharap ang salamin. Siya si Jhon Clyde Montemayor. 19 years old. A college student. Mayaman, nag-iisang anak at apo ng nagmamay-ari ng isang sikat na restaurant at GWAPO syempre! Sino bang magsasabing pangit siya at nakahanda siyang batukan 'yun. May girlfriend na siya. Siya ay si Cassandra. Ang Cassandra ng buhay niya She's the one for him. He is so sure! He want to spend his whole life with her because she is his dream and life. She is the answer for his prayer and the only woman that he love for the entire of his life. Muli niyang inayos muna ang damit at isa pang hirit sa harap ng salamin. Okey! Okey'ng- ok. Ready na siya para sa date nila ng kanyang girlfriend. Napatingin siya sa suot niyang wristwatch, almost 7:00 pm na pala kaya nagmamadali siyang lumabas ng bahay buti at may nilakad ang kanyang ina kaya walang mag-uusig sa kanya kung saan ang punta niya ngayon. Agad na siyang sumakay ng kotse at umalis. Pagdating niya sa favorite restaurant nila Cass, agad siyang naghanap ng bakanteng mesa since di pa pala dumating si Cassandra. Masyado talaga siyang atat pagdating sa nobya. After 5 minutes ng kanyang paghihintay, ayun! Perfect! He saw her walking with a beautiful smile on her face. A smile that made his heart beat so fast! A smile that he can't forget and a smile that made him fell in love with her again and again. She looks so perfect with her red casual dress. Kahit ano pang susuotin niya, she still the prettiest woman in the world at pakiramdam niya siya na ang pinaka maswerteng lalaki sa balat ng lupa. "Hi, babe," bati nito sa kanya. Oh my! That voice! That endearment makes him so restless. Sarap pakinggan. "Oh, hi babe." Tumayo si Clyde and then he gave her a smack kiss in her lips bago niya ito pinaghila ng upuan. "Kanina ka pa ba?" tanong ni Cassandra nang makaupo na ito. "Hindi naman, kararating ko lang din. Hindi ba traffic?" "Maybe kaya nga na-delay ako nang dating..." sagot naman nito saka kinuha nito ang menu na ibinigay ng waiter, "...thank you," nakangiti nitong sabi sa waiter at saka iniabot sa kanya ang menu. "Ok lang 'yun. What do you want to eat?" tanong niya nang kunin niya ang menu. "Anything. It's up to you," aniya. Ayun! Umorder na siya ng kakainin nila. Tutal siya naman ang magbabayad ehh! Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kasalo mo sa pagkain ang taong sinisigaw ng puso mo. Gaganahan ka sa pagsubo. Para bang ayaw mo nang matapos ang sandaling ganito. Kung panaginip lang 'to, ayaw na niyang magising pa. Saya kasi, sarap sa pakiramdam. Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya muna si Cassandra na maglakad-lakad muna sa park at pinagbigyan nga niya ang girlfriend. "Gusto kong gawin natin 'to araw-araw," ani Clyde habang magkasalikop ang kanilang mga daliri. "For sure, mapapagod ka rin," sagot ni Cassandra. "Basta ikaw ang kasama ko, hinding-hindi ako mapapagod." "Really?" "Oo! Kahit pa kakargahin kita." Agad niyang binuhat ang nobya na parang bagong kasal tsaka niya ito inikot-ikot kaya napatili si Cassandra habang nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang batok. "Babe, stop it!" awat nito. "I want to show you that I won't get tired!" Napatawa si Cassandra sa kanyang ginawa. "Babe, put me down," patuloy nitong awat sa kanya. "Ayoko!" "Pinagtitinginan tayo nang mga tao." Nang marinig ni Clyde 'yon ay agad niyang ibinaba si Cassandra at dali-daling umakyat sa isang malapit na bench. "Babe, what are you doing?" takang-tanong ni Cassandra. "Everyone, may I have your attention, please." Nagsilapitan ang ibang taong naroroon at ang iba ay pinili na lamang ang tumingin sa kanila. "Babe, nakakahiya," awat pa ng kanyang nobya. "I want you to know that I'm so in love with this woman..." pagsisimula niya saka ituro si Cassandra, "...I don't know what I'm going to do if one day I'll lost her..." tumingin siya kay Cassandra, "...babe, you are the only woman that I want to spend my life with. I promise that I will love you and cherish you for the rest of my life. I love you." Napakalaki ang ngiting pinakawalan ni Cassandra habang nakatingin siya sa nobyo. Bumaba si Clyde sa bench at lumapit siya kay Cassandra. Hinawakan niya ang mga kamay nito at dahan-dahang hinalikan habang nanatili sa nobya ang kanyang mga mata at ganun rin si Cassandra sa kanya habang nakangiti. Nagpalakpakan ang mga taong nandoon. "Kiss! Kiss!" Sigaw nila kaya lalong napalaki ang ngiti sa mga labi ni Cassandra at hindi na rin napigilan ni Clyde ang kiligin. "Kiss! Kiss !" Panunukso pa ng mga tao. Dahan-dahang inilapit ni Clyde ang kanyang bibig sa punong tenga ni Cassandra at bumulong. "Pa'no ba yan? Gusto nila ng kiss. Pagbibigyan ba natin?" Tukso niya sabay smirk kay Cassandra. Napatingin si Cassandra sa kanya na para bang nag-iisip saka ito ngumiti nang kaytamis at bigla nitong hinila nang bahagya ang sout niyang damit na siyang nagpagulat sa kanya at hindi pa siya nakabawi ay nakalapat na ang bibig nito sa bibig niya. Ilang sandaling naglapat ang kanilang mga labi saka nito ipinaghiwalay. Kung tutuusin, dampi lang iyon pero lumukso sa tuwa ang puso ni Clyde na para bang nasa alapaap siya at nakaduyan. Nahiyawan ang mga tao sa paligid. "Simbahan na 'yan!" Napatawa silang pareho sa kanilang narinig. Dinampian ni Clyde si Cassandra ng halik sa noo saka niya ito niyakap nang mahigpit and she hugged him back. Matapos ang eksinang 'yun ay para bang mas lalo pang lumalim ang pagtingin ni Clyde sa nobya at hindi niya maiwasang mapangiti na lamang. "Why are you smilling?" She asked while he's  driving her home. "I'm just happy for what happened earlier," nakangiti pa niyang sagot.  "Para kang timang." Hinagilap ni Clyde ang kaliwa nitong palad at pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri. "Thank you for that memory," aniya. "I'm willing to do that everyday basta ba, wag ka lang magsawa sa akin," naka-pout pang sabi ni Cassandra. "Never! Never akong magsasawa sa babaeng mahal na mahal ko." "Kahit na may dumating na bago? Maganda at seksi?" "Kahit ilan pa sila. Kahit celebrity pa sila, sa'yo pa rin talaga ako." Bahagya niyang nilingon ang nobya at saka  ngumiti at maya-maya lang, dumampi sa pisngi niya ang mga labi nito na siyang nagpabilis sa t***k ng kanyang puso. "Pwede, isa pa?" sabi pa niya. "Mag-concentrate ka na lang sa pagmamaneho diyan." Hindi na niya kinulit pa si Cassandra at baka hindi siya makapagpigil at mabangga pa sila. Haay, pag-ibig! Iba talaga! Parang lason na kapag nalunok mo na di mo na mapigilan ang pagkalat niya sa loob ng iyong katawan kahit na maaari mo itong ikamatay. He really love her so much! He really do! He don't want to lose her. He will never let other to take her away from him dahil kapag nangyari 'yon, ikamamatay niya! Ayaw niya! Ayaw niyang mawala si Cassandra sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD