Episode 12

1878 Words
School days na at dahil gusto ni Grandma at Lucy na ipagpatuloy ni Andy ang kanyang pag-aaral, ipina-enroll siya ng mga ito. Ang bilis naman ng panahon. Parang kailan lang single pa siya pero hindi niya akalaing magigising na lang siyang may asawa na. Sobrang bilis nga ng panahon. Dahil pasukan na, pinaaral si Andy ng kanyang mga in-laws sa mismong university na pinapasukan ng pinakamamahal niyang asawang mayabang. Ayaw sana niya pero wala na rin siyang nagawa pagdating kay Grandma at kay Lucy. "Ano ba, Andy! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Ba't ba ang tagal-tagal mo? Nagbibilang ka ba ng buhok mo, huh?! Bilisan mo't male-late na tayo!" bulyaw ni Clyde sa labas ng kwarto niya. Unang pasukan nila ngayon kaya ayaw ni Clyde ang ma-late. "Oo, na! Malapit na!" sigaw na rin ni Andy mula sa loob. Ang aga-aga binabadtrip na siya dahil kay Clyde. "Lalabas ka na ba o iiwan na kita?!" Lalong nairita si Andy sa pagmamadali ng asawa niya. "Nandiyan na sabi!" padabog niyang sagot.  Patakbo siyang lumabas ng kwarto at nadatnan niyang palabas na ng main door si Clyde.  Agad itong pumasok ng kotse at dali-dali na ring pumasok si Andy. Nakita niya kung paano sumimangot ang mukha ng kanyang katabi. "Marunong ka bang tumingin ng oras, huh?" inis nitong tanong sa kanya. "O-oo, naman!" "Sa palagay mo, anong oras na ngayon?" inis pa rin nitong tanong. "Ewan! Wala akong relo, eh," pilosopo niyang sagot. "s**t! Ba't ba ang tagal-tagal mo kanina huh? Tingnan mo nga 'tong mukha mo sa salamin, oh!" hinawakan ni Clyde ang chin niya paharap dito,"...kung nagpaganda ka kaya ang tagal-tagal mong lumabas, bakit ang pangit mo pa rin?" Nangingitid na ang ugat nito sa leeg dahil sa sobrang inis sa kanya at patulak pa nitong binitawan ang kanyang chin. Naningkit naman ang mga mata ni Andy nang pagsabihan siya nitong pangit. Siya pa lang ang lalaking nagsabi nu'n sa kanya kaya sobrang tinamaan ang kanyang ego. "Minamadali mo na nga ako, nanenermon at nanlalait ka pa! Monthly period mo ba ngayon, huh?!" ganti rin niyang bulyaw dito. "Ba't ba kasi kayong mga babae, pagong kung kumilos?!" singhal nito sa kanya. "Ba't ba kasi kayong mga lalaki, kung maiinis daig pa ang babaeng me period!" Kahit anong mangyari, hinding-hindi siya papayag na lait-laitin ng lalaking 'to. "Aaahhh!! Whatever! Shut up your mouth!" Pinaikot na lamang ni Andy ang eyeball niya tapos inismiran niya ang asawang mukhang sasabog na dahil kahit anong gawin nito, talo pa rin ito sa kanya. Kaya buong biyahe di na siya umimik at siyempre! Wala ring imik 'tong lalaking katabi niya. "Why did you stop? May problema ba? Wala na bang gasolina ang --------"Get out!" Agd na napalingon si Andy sa asawa sa binitiwan nitong mga salita. "What?!" taka niyang tanong. "I  said, get out!" ulit pa nito. "Ano na naman bang problema? Malayu-layo pa 'yong school. Nakakapagod maglakad at isa pa ------"Two words lang ang sinabi ko sa'yo tapos di mo pa magawa? Ganu'n na ba ka-kumplikado 'yang utak mo huh?!" muli nitong bulyaw sa kanya. Talagang kunti na lang at mauubos na ang pasensiya niya na kanina pa niya pinipigilang maubos. "Sabihin mo kasi kung anong problema." "Inuutusan mo ba ako?" Baling nito sa kanya. "Dahil lang naman sa mamanahin mong kayamanan mula sa lola mo ang dahilan kung bakit ka nagpakasal sa'kin di ba? Gusto mong ibuko natin 'yon?" paghahamon niya rito. "s**t!" Bahagya nitong hinampas ang manibela. Talagang napipikon na ito sa kanya. Akala siguro nito na magagawa nito ang lahat ng gusto. Nagkakamali siya dahil hindi papayag si Andy. "Ayokong may makakitang magkasama tayo. Lahat sila dito walang alam tungkol sa kasal natin. Gusto kong mangyari, sa harapan lang ni Grandma tayo mag-asawa pero sa ibang tao, di tayo magkakilala. Gets? Can you go out now?" paliwanag nito. "Kung nagpaliwanag sana nang maayos, hindi sana aabot sa ganito," mahinang sabi ni Andy. Napabuntong hininga na lamang si Clyde. Agad niyang binuksan ang pinto ng kotse at nang lalabas na sana siya nang nagsalita si Clyde. "Put off that wedding ring in your finger." "Ano?!" magkatagpo ang mga kilay niyang tanong. "Tatanggalin mo 'yan o gusto mong ako na ang magtatanggal niyan?" Pinandilatan niya ito saka niya dahan-dahang tinanggal ang singsing sa kanyang daliri habang di niya inihihiwalay ang mga mata sa lalaking katabi. Pagkatapos, agad siyang lumabas at padabog na isinara niya ang pinto. Agad naman itong pinatakbo ang kotse palayo. "Mabangga ka sanaaaa!" galit niyang sigaw Sobra siyang nainis sa peke niyang asawa. May oras rin 'to sa kanya. Kailangan tuloy niyang maglakad ng ilang metro kaya wala siyang nagawa kundi sinimulan na lang ang paglalakad at nang makarating na siya ay agad niyang hinanap ang kanilang room. "Hi, I 'm Andrea Joy Montemayor. I'm a transferee and I do hope that you and me will become a good friends. Thank you," pagpapakilala niya sa harap ng kanyang bagong kaklase. "Montemayor? Kaanu-ano kaya niya si Clyde?" "Baka kamag-anak." "Pwede rin!" "What if she's Clyde's wife?" "Naku! Kakatayin ko siya ora mismo." Rinig na rinig ni Andy ang usapan ng mga babae niyang kaklase. Buti na lang pala di nila alam na asawa siya ni Clyde dahil baka di na siya makakauwi ng buhay nito. "Wag mo silang pansinin. Ganu'n talaga 'yan sila." Napalingon si Andy sa nagsalita, nasa tabi niya ito. Nakatingin ito sa side niya pero napalingon-lingon na rin siya sa kanyang tabi dahil baka iba pala ang kausap nito. "Ikaw ang kinakausap ko." "Ay! Ako nga pala. Akala ko kasi-----"I'm Dani! Danica Flores," iniabot nito ang kamay sa kanya. "Andy na lang," nakangiti niyang sabi sabay abot sa kamay nito. "Nice to meet you, Andy," ani Dani. "Nice to meet you, too." Kahit papaano'y gumaan na rin ang kalooban ni Andy dahil may kaibigan na siya! Mukhang mabait naman 'tong si Dani. Kaya kahit papaano ok na siya. "Si Clyde kaya?" tanong ng isip niya. Napapiksi siya. Ba't ba naman niya iniisip 'yun? Paki ba naman niya sa lalaking yun. Buti na lang 4th year college na ang mo'kong 'yon sa kursong medicine. Ako? Ito 3rd year college na rin sa kursong medicine rin. Naiinis tuloy siya sa kaalamang pareho pa sila ng kurso. "Tara!" aya sa kanya ni Dani nang mag-bell na, hudyat na breaktime na nila. "Sa'n?" taka niyang tanong. "Sa'n pa ba? Eh, di sa canteen." "Oh, sige ba! Sa'n ba ang----"Excuse me! Kaanu-ano mo ba si Jhon Clyde Montemayor?" putol ng isang babae na nagngangalang Michelle sa iba pa sanang sasabihin ni Andy. Kaklase nila. "Let's go, Andy. I'm already hungry," aya sa kanya ni Dani. "Excuse us," paalam niya sa mga ito. "Kinakausap pa kita, wag kang bastos," inis na baling sa kanya ni Michelle. "Gusto mo bang masaktan huh, Michelle?" matapang na tanong ni Dani. "Ba't ba napakaalamera mo?" baling nito kay Dani. "Guys, please stop! Clyde is my---"My what?" hindi nito makapaghintay na tanong. "Cousin! Satisfied?" sagot niya. "Good." Pagkatapos nitong magsalita ay agad itong umalis sa kanilang harapan. "Di ba sabi ko wag mong pansinin ang mga yon?" ani Dani. "Ok lang yon, di naman nila ako sinaktan eh." "Sa ngayon." Hinila siya nito kaagad papuntang canteen pagkatapos  ay sa isang abandonadong room siya nito dinala. "A-anong gagawin natin dito?" nagtataka niyang tanong. "From now on, ito na yong magiging tambayan natin." "Bakit dito pa eh ...napaka ----"Oh, nandiyan na sila," agad nitong singit. Napatingin si Andy sa pinto nang biglang may tatlong lalaking pumasok. Lumapit si Dani sa mga ito at hinalikan ito sa pisngi ng isa sa mga lalaking kararating lang. "Welcome back to school, guys," sigaw ng isa sa mga lalaki at nang makita nila si Andy ...lahat napatigil at nagtatanong ang mga mata kung sino siya. "Guys, I want to introduce to you my new friend, Andrea Joy Montemayor. Andy for short. Andy, sila ang lagi nating makakasama dito. Si oliver, Kent and Nico," masayang nitong pagpapakilala sa kanila. "Hi, Andy. I'm Nico, Dani's boyfriend." "Yes," nakangiting sang-ayon ni Dani sabay hawak sa braso ni Nico, "...he's my boyfriend," dagdag pa nito. "Hi, nice to meet you," bati na rin niya rito. "Kaanu-ano mo si Clyde?" tanong ni Oliver "She's Clyde's cousin," sagot ni Dani. "What?!" halos sabay-sabay pang tanong ng tatlong lalaki. Napatingin sila kay Andy na para bang nagtataka. Napilitang ngumiti si Andy. "Ahh ...ehh, may problema ba?" nagtataka rin niyang tanong. "Hmmmmfff ...nothing. Ngayon lang kasi namin nalaman na may cousin pala ang mokong na 'yon,"  paliwanag ni Kent. "Oh, by the way. Speaking of Clyde, where is he?" Agad napatingin si Andy kay Dani. Nabigla siya sa tanong nito. Nataranta tuloy siya. "A-anong ibig mong sabihin?" taka niyang tanong. "Andy, ang tatlong 'to ay barkada ni-----"Dude, what's up? Di mo naman sinabing may magandang pinsan ka pala," salubong ni Kent sa kararating lang na si Clyde. Nanlaki ang mga mata ni Andy dahil di niya ini-expect ang pagsulpot doon ng peke niyang asawa. Kumabog tuloy ang pagtambol ng kanyang puso. "Anong pinsang pinagsasabi mo----" Natigilan si Clyde sa pagsasalita nang mapadako ang tingin nito kay Andy. Kung nabigla si Andy noong makita niya si Clyde ay mukhang mas nabigla pa yata si Clyde nang makita niya si Andy. "Sabi ni Andy, cousin ka raw niya. Mag-cousin naman kayo di ba?" tanong naman ni Dani. "Ahh ...ehh ...oo naman!" bulalas ni Clyde saka ito dali-daling lumapit kay Andy, "...'insan, di mo naman sinabing dito ka mag-aaral," pasimpleng nandidilat ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Bigla nitong inakbay ang braso nito sa kanyang batok at bahagya pang hinigpitan ang pagkakaakbay nito.  'Yong leeg niya, gusto yata nitong putulin. "What are you doing here?" pabulong nitong tanong sa kanya. Bahagya niya itong itinulak ng pasimple pero di ito natinag. Napatingin siya sa mga barkada nito at ngumiti siya nang s*******n. "Dude, are you trying to kill her kasi sobra na yata yang pagpulupot mo diyan sa leeg niya ehh," puna ni Kent. "Namiss ko lang tong maganda kong pinsan. Ganito kasi kami kapag namiss namin yong isa't-isa. Di ba, insan?" Naniningkit ang mga mata ni Clyde nang tumingin ito sa kanya na para bang nagbabanta na kapag may sinabi siyang hindi nito magugustuhan ay malalagot siya ora mismo. Napilitan siyamg mgumiti nang tumingin siya sa mga kasama. "Oo naman," kunwari niyang sabi. Tumangu-tango siya kasi idiniin pa nitong lalo ang braso nito sa kanyang leeg. "Sweet naman, tara kain tayo," aya ni Oliver. Saktong tumalikod na silang lahat para pupunta sa kinalalagyan ng kanilang mga snacks. It's Andy's turn. Sobrang lakas na inapakan niya ang paa nito ng heels ng sandal na suot niya ngayon kaya napasigaw ng malakas si Clyde. "Aaahhh!! What the----"Dude, what's wrong?" nag-alalang tanong ni Kent. Napalingon silang lahat kina Andy. Nagtataka! "Huh? Wala ...." tumawa ito ng s*******n na para bang walang nangyari kahit ang totoo nagtitimpi ito sa nararamdamang sakit, "...acting lang. Pwede na ba akong nag-artista?" Pasimple itong napangiwi dahil masakit pa rin ang paa nito. "Pwede!" sabay-sabay na sagot ng apat. Napatawa na lamang si Andy ng lihim sa naging reaksiyon ni Clyde kasi alam niyang sinisikap lang nitong pigilan ang sariling hindi mapangiwi sa harap ng tropa. Clyde gave her a death glare but in return, she  just smirked at him. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD